CHAPTER 12
Au Palais De Martinez (Martinez Palace)
" Votre Majesté, nous avons trouvé la princesse héritière Mi Vida. Il est confié au père de son mari. Le prince héritier, quant à lui, continue de nourrir les affaires laissées par votre fils. C'est pourquoi je ne trouve pas la princesse parce que son personnage est maintenant un homme nommé Dael Bautista. Selon l'informateur, les vies de la princesse héritière et de la majesté du prince héritier sont en danger." pag-uulat ni Mr. Velaiz, isang agent na humahawak sa paghahanap sa nag-iisang apo ni King Charles.
(Kamahalan, natagpuan na po namin ang crown princess Mi Vida . Nasa pangangalaga po ito ng ama ng kanyang asawa. Ang crown prince naman po ay patuloy na pinapayabong ang negosyong iniwan ng inyong anak. Kaya po pala hindi mahanap hanap ang prinsesa dahil ang katauhan po nito ngayon ay lalaki sa pangalang Dael Bautista. Ayon sa informant, nanganganib ang buhay ng crown princess at ng crown prince kamahalan.)
" Envoyez du personnel pour veiller sur mon petit-fils et sa femme, jour et nuit. Avisez également le président des Philippines de notre venue. Assurez-vous que mon petit-fils et sa femme viennent quoi qu'il arrive. " agad na sagot ni King Charles ng France.
(Magpadala ka ng mga tauhan na magbabantay sa apo ko at sa kanyang asawa, araw at gabi. Magbigay ka rin ng abiso sa Presidente ng Pilipinas na tayo ay darating. Isang pagtitipon. Siguraduhin mong darating ang apo ko at ang kanyang asawa anuman ang mangyari.)
" Votre Majesté suivra. " sagot niya bago ito yumukod at nagpaalam ng umalis.
(Masusunod po kamahalan. )
Naiwang mag-isa si King Charles sa kanyang malawak na silid aklatan. Nakatingin ito sa isang malaking painting kung saan naroon siya, ang kanyang yumaong asawa at ang nag-iisa niyang anak na si Sebastian.
"Sebastian, regarde ce que vit ton fils maintenant... vingt ans ont été perdus. J'espère que vous ne perdez pas tôt votre conjoint choisi si vous choisissez le bon chemin. J'espère que vous n'avez pas privé mon petit-fils et j'espère qu'il ne souffre pas maintenant car quoi qu'il arrive le sang royal qui coule à travers vous ne sera pas perdu et il continuera à être transfusé. Oui c'est vrai. Mi Vida est la dernière et elle doit donner naissance au sang royal pour que notre course continue." sambit ng labi ni King Charles na punong puno ng kalungkutan ang kanyang mukha.
(Sebastian, tingnan mo ang dinaranas ng iyong anak ngayon... dalawampung taon ang nasayang. Sana hindi kayo nawala ng maaga ng pinili mong asawa kung pinili nyo ang tamang daan. Sana hindi nyo ipinagkait ang aking apo at sana hindi siya naghihirap ngayon dahil ano pa man ang mangyari ay hindi mawawala ang dugong bughaw na dumadaloy sayo at patuloy lamang itong sasalin. Oo, tama. Si Mi Vida ang huli, at kailangan niyang magsilang ng dugong bughaw upang magpatuloy ang ating lahi. )
Dalawamput isang taon narin siyang nangungulila sa kanyang anak na si Sebastian buhat ng tinalikuran nito ang kanyang pagiging crown prince dahil sa umiibig ito sa isang taga China na may dugong kastila. Si Sebastian ay nakatakdang ipapakasal sa crown princess ng England ngunit kahit anong pilit ni King Charles ay wala itong nagawa dahil sa nagdadalangtao tao na si Agape.
****
SALVADOR POV
Nagmamadali kong kinontact ang mga kasamahan namin sa poder ko upang sundan si Vida. Sila ang mga itinalagang tauhan na upahan sa pagpaslang. Bawat bansa ay may anim na assasinator mula sa Dark Association. Kami ang mga nagsanay sa Hell Island ng España. Hindi kami ang samahan na basta bastang pumapatay. Matataas na tao ang mga kumukuntak samin para sa trabaho.
"Encontrémonos en la hacienda de quezon. ¡Por favor, apúrate y Mi Vida está en peligro!" seryoso kong wika sa spanish language na bakas ang pag-aalala kay Vida.
(Magkita tayo sa hacienda de quezon. Pakibilisan nyo at nanganganib si Mi Vida! )
Napag-alaman kong sinundan nito ang mga dayuhang hapon, ang mga Yakusa. Pumapasok ngayon sa isip ko na pati ang katauhan ni Dael Bautista ay napahamak narin at pinag-iinitan. Sa loob ng labing dalawang taon ay nagawa naming itago ang tunay na katauhan niya. At ngayon ay nasa bingit narin ng kamatayan dahil sa namukhaan siya.
Naabutan naming nakikipaglaban na si Vida sa mga Yakusa. Gayun din ang pagtulong si Solex dito.
Tsk! Sa totoo lang kinakabahan ako kay Solex mula ng maging malapit ang dalawa sa isa't isa. Alam kong kasal na si Gan kay Vida ngunit may posibilidad na mahulog ang loob ni Vida kay Solex dahil magkadikit lagi ang dalawa.
At ilang minuto pa na halos di maubos ubos ang mga kalaban ay nakita kong buhat na ng binata sa Vida. Inaalalayan ito ng mga tauhan ng lalaki. Pinasundan ko ito sa isa sa mga tauhan ko upang alalayan rin sila dahil sa bihasa ang mga hapon na ito.
****
BIGLANG KINABAHAN SI GAN SA walang tigil niyang lakad parito. Tatlong oras na ang nakakalipas ay hindi parin siya kinokontact ng ama at maging siya ay hindi niya macontact ang mga ito.
Nabalitaan na lamang niya na ang mansion nila sa Paranaque ay nirat-ratan nang mga di kilalang armado. Mabuti na lamang at walang nasaktan dahil sa sinadya lamang na paulanan ito ng bala.
****
ISANG DALAGANG DOCTOR naman ngayon ang nag-aasikaso kay Vida. Anak ito ng family doctor ni Solex. Hindi ito mapakali dahil panay ang sulyap nito sa mukha ni Vida habang tinatahi nito ang sugat sanhi ng bala na bumaon sa kanyang braso. Mabuti na lamang at walang nadaling buto.
"Sshoockkks, bumibilis ang t***k ng puso ko sa lalaking ito! Napakagwapo nya, mas lalo na siguro kung gising ito! Sarap sanang nakawan ng halik kaya lang may nakabantay! " nakabusangot ang bibig na wika nito sa kanyang isip.
Si Solex ang tinutukoy nito na nakatayo lamang sa isang tabi habang yakap ang sarili ng kanyang bisig at seryuso itong nakatingin sa bawat galaw ng dalagang doktora.
"Bakit kasi ayaw pang umalis, pero hehe gwapo rin ni Solex. May pagkatsinoy ang ang mata, Instik talaga. Para siyang si enchong dee. But more gwapo si Solex kasi ang macho ng body... Pero itong ginagamot ko gravehhhh!!!! Ngayon lang ako nakaencounter ng ganitong hindi masilin, pero yummmy, para siyang koreano talaga!!!! Mabuti nalang at ako ang pinadala ni mama dito dahil sa may injured kasi ang paa nito. " patuloy na wika ng kanyang utak.
"Done! " wika niya ng matapos ng tahiin at bindahan ang braso nito.
"Kamusta si Dael!? " si Salvador matapos na kumatok at pumasok sa kwarto. May tama rin ito sa tiyan dahil hawak hawak niya ang bahaging dumudugo.
"Shockkks!!! Ano kayang giyera ang nilusob ng mga ito at maraming sugat. " bulong ng kanyang utak. Hindi siya maaaring magtanong ayon narin sa bilin ng kanyang ina.
"Katatapos lamang po nitong tahiin. Tito, tara na kabilang kwarto , para magamot na po iyan. " wika ni Solex saka sinenyasan ang dalaga na isunod na ito at agad namang nakuha ang ibig nitong sabihin.
"Sungit!!! " bulong ng isip ni Levi.