GAN POV KASALUKUYAN kaming nasa living room sa harap ng fireplace. Nakaupo kami malapit sa apoy. Magkaharap kaming dalawa. Nakatitig lamang kami sa isa't isa habang hawak ko ang kanyang mga kamay at inilalagay ko ito sa aking bibig at parang gago moves lang po ang ginagawa ko na binibigyan ko ng warm ang nanlalamig niyang mga kamay. Ibinalot ko rin ng blanket ang tummy nya. Gusto kong alagaan ang mag-ina ko sa totoo lang. Isa na akong ama. Responsibilidad ko yun pero pitong buwan akong walang ginagawang pag-aalaga sa kanila. Ayaw kong sayangin ang mga dumadaang oras. Di ko na namalayang lumuluha na pala ang mga mata ko. Nagmamadali kong pinunasan ng manggas ng damit kong suot ang mata ko. Nakakahiya. Masaya ako, totoo yun pero natatakot ako na baka paggising ko di ko na sya kasama.

