CHAPTER 20
Laman ng balita ngayon sa buong mundo ang kauna-unahang pagbisita ni King Charles Martinez sa Pilipinas kasama ng kanyang nag-iisang apo na si Prinsesa Mi Vida na kung saan ito rin ang kauna unahang paglabas ni Vida sa social media.
Maraming nagulat at humanga sa ganda ng crown princess ng France lalo na naisasuwalat ang lihim nitong katauhan sa isang pagiging ordinaryong Mi Vida lamang.
Ito ang nagpaalarma kay Troy Merced na leader ng zyber maria kung saan ang dark association naman ay mas lalong humigpit at pinagtuunang bantayan ang prinsesa ng kanilang samahan. Dagdag pa ang lakas na pinoproteksiyonan ng sandatahang lakas ng bansang France ang kanilang mutya ng bansa.
Simula ng araw na lumabas si Vida ay mas lalong naging alarma ang mga paliparan ng France at maging daungan sa labas pasok ng mga tao. Gayun din ang palasyo na mga selected from the army ang nakatalagang nagbabantay.
"Ese Charles realmente está poniendo a prueba mi paciencia. ¡Muy estúpido! ¡Que Mi Vida estaría muerta hace mucho tiempo si usaras tu cerebro Morinaga! ¡Confías demasiado en la aburrida pareja de Lee!" galit na galit na wika ni Troy Merced sa harap ni Morinaga habang naglalaro sa bolang itim ang kanyang kamay at manlilisik naman ang mga matang nakaharap sa monitor ng TV.
(Talagang sinusubukan ng Charles na yan ang pasensya ko. Napakatanga! matagal na sanang patay ang Mi Vida na yan kung ginamit mo ang utak mo Morinaga! Masyado kang umasa sa pulpol na mag-asawang Lee! )
"Envíe a alguien a Filipinas ahora mismo y asegúrese de que la familia no pueda regresar a Francia." malaautoridad niyang utos kay Morinaga.
(Magpadala ka ng tao ngayon din sa
Pilipinas at siguraduhin mong hindi na makakabalik ng bansang France ang pamilyang yan!!!! )
"¡Hasta temprano y mata al marido de Vida también! ¡Todos deben desaparecer para que pueda sentarme en el palacio!" dagdag pa nito bago tuluyang umalis si Morinaga sa kanyang harapan.
(Hanggat maaga at patayin nyo narin ang asawa ni Vida! Kailangan mawala na silang lahat upang ako naman ang uupo sa palasyo! )
"¡No me quedaré callado, Charles, hasta que haya agotado a tu familia! ¡Te haré sentir la brutalidad de tu manejo de mi familia! contarás el tiempo en este mundo!"
(Hindi ako matatahimik Charles hanggat hindi ko naubos ang pamilya mo!!! Ipaparamdam ko sayo ang ginawang kahayupan ng pamamalakad mo sa pamilya ko! magbibilang na kayo ng oras sa mundong ito! )
Siya si Troy Merced na naniniwalang ang dapat na nakaupo sa pwesto ni Charles Martinez ay siya dahil ayon sa mga ninuno nila ay inagaw lamang ng pamilya Martinez ang kapangyarihan bilang royal ng bansang France.
Ang pamilyang Merced ay kinupkop lamang ng dating hari na si George Martinez na lolo ni Charles Martinez . Pinaniniwalaan na noong mga panahon ni George Martinez, ayon sa ama ni Troy ay nilinlang ni George ang lolo nila na si Felipe Merced sa pamamagitan ng pagpapanggap na siya ang asawa ni Penelope Butche ang Reyna ng France.
Hindi pa ganun kaunlad ang bansang France noon at maging sa kagamitan at kaalaman sa paglilitis ay mabilis na nalinlang ng Martinez ang mata ng mga tao.
Ngunit ang mga ito ay pawang paninirang kaalaman lamang na kumakalat. Ayon sa mga naitalang document ng palasyo ay may problema sa isip ang lolo ni Troy Merced na humangad ng kapangyarihan. Ninais nito ang umupo sa trono ni George ngunit hindi napagtagumpayan ng pamilya Merced at naglagay din sa kanila sa kapahamakan.
Sa Pilipinas naman ay ipinalabas na ang hari at prinsesa ay kasalukuyan pang nasa teritoryo ng bansa at nasa isla ng Palawan kung saan ito'y isang panlilinlang lamang.
Nagkakaroon ng problema ngayon si Morinaga dahil hindi niya masundan ang galaw ng maglolo habang hindi naman makalapit ang kanyang tauhan sa asawa ni Vida.
Bukod pa rito ay ang grupo naman nila ang hinahunting ng mga otoridad.
***
-Mi Vida, I want to kiss you again and hug you my wife ... forgive me for everything .... I'm a fool ... but I promise that I will find a way to protect you and our future child ... Please remember that I love you so much... Mag-iingat ka palage at maghihintay ako sa pagbabalik nyo. -
Ito ang mensaheng natanggap ni Vida sa kanyang phone sa unang araw na siya ay nasa palasyo. Nasundan pa ito araw araw na halos hindi nananawa si Gan sa pagmessage dito tulad ng dati. Patuloy rin siyang nakakatanggap ng balita mula sa ama ni Gan na itinuturing niyang pangalawang ama.
Isang Linggo na siya sa New Zealand na tinatago ng kanyang lolo ng palihim. Dalawang araw lamang siyang nanatili sa France at malayang nakatawid ng New Zealand sa ibang katauhan. Nasa isang hacienda siya ngayon na pagmamay-ari ng prime minister ng bansang England. Matalik itong kaibigan ni Charles na mapagkakatiwalaan.
Bagamat nakakaramdam nanaman si Vida ng mag-isa nanaman siya dahil malayo ang kanyang lolo ay hindi nagkulang si Gan na magpadala ng voice recorder upang kamustahin siya at ang batang dinadala nya sa kanyang sinapupunan.
Lalo na nagrerecord ito ng mga lullaby para umano ay iparinig sa kanyang anak. Humihiling rin ito na sana kapag lumabas ang bata ay nasa tabi siya ng mga ito.
Si Solex naman ay hindi niya inaasahan na pati siya ay pinaghihigpitan na makita at makausap si Vida. Halos mawala nanaman siya sa sarili dahil hindi siya mapalagay hanggang sa binalitaan na lamang siya ni Mr. Salvador na nasa maayos na kalagayan si Vida.
Si Levi naman ay natuon muli ang pansin sa kanyang trabaho at si Solex ang lagi nitong kinukulit kapag wala na itong magawa.
Safe ang phone na ginagamit ni Vida, at walang nakakatract nito kung san mang lupalop ito naroroon. Ito ang advance na teknolohiya na hawak niya dahil sa mahigit tatlong daang bansa ang lumalabas kapag may sumusubok na alamin kung nasaan siya. Ito ang kinaiinisan ng samahan ni Troy Merced dahil kahit ang phone ni Gan ay gayun din ang sistema.