GAN POV BIGLA AKONG nabuhayan ng sumunod na araw ay pinahintulutan na nila akong pumasok at nagulat rin ako na ang aking abogado ay bigla nalang nagpakita sakin sa harap ng entrada kasunod nito ay isinakay kami sa old style na sasakyan na akala mo ay sinaunang sasakyan pa pero mababakas ang pagiging presentable nito na sa palasyo lamang makikita. Sumailalim kami sa physical exam at kung ano ano pa upang masigurado na wala kaming sakit na dala. Matapos ang kalahating araw na halos 50 kilometers na ang nabyabyahe namin ng tumigil kami sa isang mansion. Ang daan ay paikot ikot na ultimong sa unang pagkakataon kung ikaw ay byabyahe sa loob nito ay maliligaw ka. Para siyang maze sa unang obserbasyon. Sa loob ng entrada na ito ay may makikita kang mga kabahayan at residente sa loob. Sil

