bc

Si Ice Tsing ng Cupcake ko (Tagalog)

book_age12+
804
FOLLOW
3.6K
READ
goodgirl
inspirational
student
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Crush na crush ni Lifli Lucas si Ice Tsing pero hindi siya kilala nito kahit na batchmates sila. Isang araw, nalaman ni Lifli na adik si Ice sa cupcake kaya araw-araw siyang nag-iiwan ng cupcake at note sa locker ng lalaki nang palihim.

Handa na sanang umamin si Lifli, pero may isang babae na nagpanggap na siya raw ang nag-iiwan ng cupcakes sa locker ni Ice.

Ano’ng gagawin ni Lifli para malaman ni Ice na siya ang totoong Miss Cupcake?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
CHAPTER ONE Lifli Lucas   “B’wisit namang internet ’to! Bakit ang bagal?!” reklamo ko sa gay best friend ko na si Pao. “Kalma ka lang, Lifli. May mga bagay kasi na hindi nakukuha agad-agad,” sagot naman niya. “Hugot pa more!” Maya-maya’y biglang bumilis ang internet at bumukas na ang about section ng lalaking gusto ko, si Ice Tsing. “Oh my gosh! Heto na!!” Agad kaming lumapit sa screen ng laptop ko at sinimulang basahin ang nasa about section ng f*******: ni Ice. “Wait, wait. Meant to be ba itey? Mahilig siya sa cupcake, oh! E, ’di ba mahilig kang mag-bake?” tanong sa akin ni Pao. Tiningnan ko naman ’yong nakalagay sa about me ni Ice, at oo nga, nakalagay ro’n na mahilig nga siya sa cupcake. Nagkatinginan kami ni Pao saka kami sabay na tumili. Oh my gosh!! Ito na ba ang sign na hinihingi ko kay God? At ito na ba ang pagkakataong hinihintay ko para magkalapit kami ni Ice? “Ano pa’ng hinihintay mo, Lifli? Baka gusto mo ng kumilos at gumawa ng cupcake para sa love of your life?” Agad naman akong tumakbo sa kusina at inihanda ang mga gagamitin para sa paggawa ng cupcake. Parehong chef ang mga magulang ko kaya hindi na nakapagtataka na mahilig din ako sa pagluluto, pero pinakahilig ko ang mag-bake. At para bang destiny na kaya ako mahilig sa pagbe-bake ay dahil mahilig sa cupcake ang lalaking gustong-gusto ko. Si Ice Tsing, ang lalaking crush ko mula first year high school. Matalino? Check! Mayaman? Check! Magaling sa sports? Check! Guwapo? Check na check! Hot? Check na check na check! Dati nga iniisip ko kung may mali ba sa lalaking ’yon, at habang tumatagal ay nalaman ko na hindi siya sanay magluto. Mahilig lang siyang kumain. Magkaiba kami ng section kaya sa tingin ko ay hindi niya ako kilala. Matagal ko ng gustong makipagkaibigan sa kanya pero sa tuwing nakikita ko siya ay napapanga-nga na lang ako. Nag-iwan na rin ako ng message sa kanya sa f*******: noon pero tanging seen lang ang nakuha ko. Pambihira! Pero kahit gano’n ay hindi nawala ang pagkagusto ko sa kanya. Ngayong huling taon na namin sa high school, hindi ako makapapayag na hindi niya pa rin ako makikilala. Kaya kahit na maging stalker pa ako ay ayos lang. Ayos lang din kung hindi niya ako magustuhan o kung hindi man masuklian ang nararamdaman ko para sa kanya, basta ang mahalaga ay makilala ako ni Ice Tsing. Matapos ang halos isang oras na paggawa ng cupcake ay natapos din ako. “Tadah!” Ipinakita ko kay Pao ’yong ginawa kong chocolate cupcake with strawberry cream icing na nilagyan ko ng cherry sa ibabaw. “Wow! Mukhang masarap ’yan, bakla!” Kukuha na dapat si Pao ng cupcake pero bigla kong pinalo ’yong kamay niya. “Awray! Titikim lang naman akes.” “Sus. Kanina ka pa nga kain nang kain d’yan, e!” Nag-pout na lang siya kaya itinuloy ko na ang paglalagay ng icing at cherry sa iba pang cupcake. “Pero you know, bakla, may ipinagtataka ako.” “Ano naman ’yon?” tanong ko nang hindi siya nililingon. “Nakapagtataka lang kasi. Sa guwapo ng kras mo na ’yon, bakit nakalagay sa f*******: about section niya na mahilig siya sa cupcake? Hindi ba nakaka-turn off ’yon sa mga girlalu?” Napaisip din ako sa sinabi ni Pao. Oo nga, ’no? Parang ang bading pakinggan na may nakalagay siyang gano’n sa about section niya. Nagkibit-balikat ako. “Don’t worry, kapag naging close kami, itatanong ko sa kanya.” Nang matapos ako ay inilagay ko na ang mga cupcake sa isang magandang kahon. “Wait lang, Lif! May nakalimutan kang lagyan ng icing at cherry, oh,” sabi ni Pao. “Sinadya ko talaga ’yan. Lahat ng cupcake na ibibigay ko kay Ice ay mayroong icing pero may maiiwan talaga na tatlo.” “Bakit naman? Ano na namang kaartehan ’yan?” “Hindi ’to kaartehan, ’no! Naisip ko lang kasi na para malaman ko kung mag-wo-work ba ’tong gagawin ko ay mag-iiwan ako ng tatlong cupcakes na walang icing sa tuwing bibigyan ko siya ng cupcake. Lalagyan ko lang ng icing ang mga ’yon kapag may improvement na kami ni Ice.” Tumango-tango naman si Pao kaya ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa. Lalagyan ko lang ng icing ’yong isang cupcake kapag naging magkaibigan na kami, ’yong isa naman ay kapag naging mutual ang feelings namin, at ’yong huli ay kapag naging kami na at kapag naging akin na siya. Oo, sinabi ko na ayos lang kung hindi niya ako magugustuhan, pero wala namang masama kung aasa at magbabakasakali ako, ’di ba? Isa sa mga layunin ko ngayong huling taon ko sa high school ay ang makapagtapos with good grades at ang magkaroon ng icing ang tatlong cupcakes na ’yon.   ***   “Bilisan mo, bakla! Baka may makakita sa ’yo d’yan! Bahala ka, ikaw rin ang mahuhuli,” sabi sa akin ni Pao. Nandito na ako sa tapat ng locker ni Ice, ilalagay ko na ’yong box of cupcake na ginawa ko. Ilang minuto na akong nakatayo pero hindi ko pa rin magawang ilagay ’yong kahon. Nanginginig kasi ang mga kamay ko. Naman, oh! “Hoy, bakla! May mga paparating! Ilagay mo na kasi, ’wag ka nang magdasal d’yan!” sigaw sa akin ni Pao at parang automatic namang kumilos ang mga kamay ko na buksan ’yong locker ni Ice at ilagay ang kahon sa loob n’on. Pagkalagay na pagkalagay ko ay agad din akong umalis at hinila ko na si Pao sa kung saan. And yes, alam ko kung ano ang password ng locker ni Ice. Actually aksidente lang naman ’yon. Nahuli kami ng uwi ni Pao noon tapos napag-trip-an naming dumaan sa locker section nina Ice. Noong dumaan kami ay tinanong ni John kung ano ang password ng locker ni Ice at dahil akala nila ay walang ibang tao ro’n ay sinabi niya nang malakas ang password niya kaya nalaman namin. “Wew! Akala ko mahuhuli na tayis! Ikaw naman kasi, ba’t ang tagal mo?” tanong sa akin ni Pao no’ng nakalayo na kami. “Ehhh!! Nanginginig kasi ’yong mga kamay ko, hindi ko ma-type ’yong password!” “Naku! Ewan ko sa ’yong bakla ka! Kung hindi pa kita niloko na may paparating na tao, baka hanggang ngayon ay nandoon pa tayo.” Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. “What?! Ibig sabihin, wala talagang taong paparating?!” Umiling naman siya saka nag-peace sign sa akin. Tiningnan ko siya nang masama saka ako unti-unting lumapit sa kanya. Agad naman siyang umatras. “Hoy! Hoy! Teka lang, Lifli! Maganda naman ’yong naging resulta ng ginawa ko, a? Kung hindi ko ginawa ’yon, baka hindi mo nailagay sa locker ni Ice ’yong cupcake.” Napaisip naman ako sa sinabi ni Pao at may point naman talaga siya kaya hindi ko na itinuloy ang kung ano mang pinaplano kong gawin sa kanya. Ito ang unang araw ng paglalagay ko ng cupcake sa locker ni Ice at hindi ko maipaliwanag kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung dapat ba akong kabahan o ma-excite o ano. Kinakabahan kasi ako dahil baka hindi kainin ni Ice ’yong mga cupcake at kinakabahan din ako sa magiging reaksiyon niya kapag kinain na niya ’yon. Sana magustuhan niya.   ***   Ice Tsing   “O, Ice, bakit palinga-linga ka d’yan? May hinahanap ka ba?” tanong ng kaibigan kong si John. “May nag-iwan kasi ng box of cupcake sa locker ko at sinusubukan kong hanapin ’yong nag-iwan dahil baka hindi pa nakalalayo. May note pa nga, oh.” “Patingin nga.” Kinuha niya ’yong kahon at note saka binasa. “Wow naman! May secret admirer ka na naman, pare! Iba talaga kapag guwapo. Hawaan mo nga ako!” “Loko! Sa lahat ng sakit, kaguwapuhan ang mahirap ihawa sa iba.” Nagtawanan na lang kaming dalawa saka ko ulit kinuha ’yong kahon at note sa kanya. Sino nga kaya ang nagbigay nito? At paano niya nailagay sa loob ng locker ko ang mga ’to? Stalker ko kaya siya? Pagkaiwan namin ng mga gamit sa locker ay pumunta na kami sa canteen. Dala-dala ko pa rin ’yong cupcake at plano kong i-share sa mga kabarkada ko. “Ano ’yang dala mo, Ice?” tanong ni Ryan. “May secret admirer na naman si Ice! Binigyan siya ng cupcake,” sagot ni John kahit hindi naman siya ang tinatanong. “Teka, safe ba ‘yan? Baka mamaya may gustong lumason sa ‘yo kaya ka binigyan niyan,” sabi naman ni Angelo. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Safe nga ba ‘to? Uso pa naman ang food poisoning ngayon. Pero kung hindi ko naman susubukan, paano ko malalaman? Pero kung susubukan ko naman, baka may mangyaring masama sa akin. “Sus. May note nga na iniwan, eh, sweet note mga ‘tol! Ang cheesy! Kaya sigurado ako na secret admirer ‘yan at hindi isa sa mga may galit kay Ice. Patikim nga ako,” sabi ni John saka siya kumuha ng isang cupcake. Pinagmasdan muna namin siya, tiningnan namin kung bubula ba ang bibig niya o ‘di naman kaya’y titirik ang mga mata. Pero hindi ganoon ang nangyari dahil imbis na tumirik ang kanyang mga mata ay nagningning pa ang mga ‘yon. “Shet, pare! Ang sarap! Isa pa nga!” Kumuha na naman siya ng isa saka kinain. Halata namang sarap na sarap talaga siya. “Walang poison, mga pare. At promise! Ang sarap! Heaven!” Sabay namang kumuha sina Ryan at Angelo, at kagaya ng naging reaksiyon ni John ay gano’n din ang naging reaksiyon nilang dalawa. Tiningnan ko ‘yung mga cupcake, it’s a chocolate cupcake with strawberry icing and cherry on top. Kumuha ako ng isa at kinain ‘yon. Shet! Bakit ganito kasarap ang cupcake na ‘to?! Bakit parang isang professional patissier ang gumawa nito?! “Sabi sa inyo masarap, eh! Pahingi pa ako, ah!” sabi ni John at kumuha rin sina Ryan at Angelo. Kukuha na rin sana ako para kumain ulit nang may mapansin ako. 12 lahat ng cupcakes at may tatlong cupcakes na walang icing at cherry. Plain chocolate cupcake lang. Bakit naman kaya may tatlong naiiba? Nakalimutan kayang lagyan ng kung sino mang gumawa nito? Binasa ko ulit ‘yung note habang kumakain ng cupcake.   “I never could have accomplished what I did today without the love I feel for you.”   Sino ka ba, Miss Cupcake?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

The ex-girlfriend

read
145.0K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook