CHAPTER FIFTEEN Lifli Lucas Last day na ng retreat namin at bukas ng umaga ay uuwi na kami. Kaninang umaga ay nagkaroon kami ng misa at pangungumpisal sa pari. Pagkatapos no’n ay may ipinagawa lang ulit na activity si Sir Rowell saka kami sabay-sabay na nagluto sa labas ng rest house. Dahil baking ang pinakahilig ko ay naiwan ako sa loob para mag-bake. Hindi ko naman kasi pwedeng ilabas ang mga gagamitin sa pagbe-bake. Nag-bake ako ng mint chocolate chip cupcake, triple chocolate fudge cupcake saka isang black forest na cake. Hindi lang naman cupcake ang kaya kong gawin, ‘no. Sadyang ‘yon lang ang pinakahilig ko sa mga bine-bake ko. Habang gumagawa ako ng icing ay may naramdaman ako sa aking pisngi. Paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Ice na may icing sa daliri at nakangiti sa akin

