CHAPTER SIXTEEN Lifli Lucas “Oh my gosh! JS na talaga bukas?! Oh my gosh!!” tili ni Pao habang inihahanda namin ang aming mga gagamitin para sa pag-aayos bukas. Yes, JS Prom na namin. Ang bilis ng araw, parang kailan lang ay retreat pa lang namin kung saan nagkaaminan kami ni Ice at bukas ay JS na. Hindi na ako magtataka kung isang araw paggising ko ay graduation na namin. “By the way, bakla, nasabi mo na ba kay Ice?” Napatigil ako sa pag-aayos at tiningnan ko si Pao mula sa repleksyon niya sa salamin. Umiling ako at nagpatuloy sa ginagawa. “Kailan mo planong sabihin sa kanya?” “Hindi ko alam, bakla. Hindi ko nga alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Sigurado kasi ako na hindi papayag ‘yon.” Binatukan naman ako ni Pao. “Gaga! Sabihin mo sa kanya, lalong masasaktan ‘yon kap

