Aahhh!!!... A cup of hot Cafe Mocha makes my mood swings tamed" Ani ko sa aking sarili. Ugh... May klase pa pala ako!
First day of school this year. New faces, old faces. Nah... every year paulit ulit na lang, HI, HELLOs, bungisngisan, eyeing for the heartthrobs and pretties, daldalan at kwentuhan. "Haaaaaaayyy" Singhal ko. Papasok sa unang araw ng klase paminsan may prof agad meron din naman absent sa unang araw. Magpapakilala sa buong klase ng paulit ulit para lang masabing may ginawa sa araw na iyon, habang may mga Prof din naman na nag lalamyerda at kung ano ano ang ginagawa. Meron pang Prof na mas uunahin pa ang pagkwento sa buhay nya kesa sa simulan ang pagtuturo . Ugh, Dios ko. Teka teka meron pa palang klase ng Prof na pasok sa silid, galit na agad na tipong tatanungin mo sarili mo kung ba't siya galit, tapos ang ipapagawa nyan pagsusulatin kayo ng kahaba-haba ng wala man lang naipaliwanag miski isa.
I think this is how the first day goes every year. Paulit ulit
Bumyahe ako from Starbucks papunta ng school. Dimiretso ako ng parking para iparada ang sasakyan ko. Malapit ito sa building ng unang klase ko malapit din ito sa school grounds . Huminga ako ng malalim to clear my mind from any destruction.
'First day must be a good day. First day must be a good day...' pag uulit ko sa aking sarili
Sumilip ako sa labas. Excited ang lahat dahil nakawala na sa gapos ng kahirapan ang mga istudyanteng katulad ko. Mga gapos ng kahirapan sa kadahilanang walang pasok, walang baon, walang source ng pagkakaperahan. Schooling mean having fun. enjoying and of course ALLOWANCE, students become rich especially if they have some kickbacks. How pathetic. Anyways, kelangan ko nang maghanda para sa unang klase. Isinukbit ko na ang aking backpack at binuksan ang pinto ng aking kotse nang may tumawag sa aking pangalan sa di kalayuan.
"Teka kilala ko ang boses na iyun ah" bulong ko sa aking sarili. Isang tawag muli ang aking narinig, na sinundan pa ng isa pang tawag at ang sumunod pa ay nag patayo na sa aking mga balahibo. Kilala ko na kung sino ang tumatawag sa akin. Ang hambog na si Mike.
"Yey! Really, it is a good day to start. Salubungin ka pa naman ba ng bwisit sa buhay" Bulong ko sa sarili na may halong irita.
"Syempre, back to school welcome back again Mikhael Roman Clarke ng Britanya. Teka!" inikot ko sa aking harapan ang aking bag para mag halungkat ng isang sakong pasensya. Wala akong nakita, katapusan ko na at talagang sa unang araw ng klase ko ito nakalimutan. Tinanggap ko na lang ito at huminga mg malalin na parang huli ko na. Umikot ako at humarap sa mokong.
"Ano!?" Singhal ko. "At kailangan talagang ipagsigawan ang apelyido ko sa buong campus?" habang nasa harapan ko siya nakatungkod ang mga kamay sa tuhod,, hinahabol ang hininga mula sa pag takbo
"Marshmallow you like?" Offer ko. sabay talikod para maglakad papuntang klase
"Teka! Teka lang naman" Sigaw nito, habang humahabol sa lakad ko
"Malelate na ako"
"Yes, I know but I just wanted to say hello? How's your vacation?"
Huminga ko ng malalim at pumili ng pinaka magagandang salita na sasabihin. "Tang ina ka itatanong din yan mamaya sa isa sa mga klase naten, so kung ako sayo hintayin mo na lang hindi ung aagaw ka pa ng eksena ng Prof natin" At yun na nga
"So, ano mag uusap na lang ba tayo dito o mag aaral?"
"Ok, ok Tara na nga." Masayang sabi nito, sabay akbay sa akin. Tumaas ang mga balahibo ko sa leeg sa pagkakadikit ng balat namin at halos magkadikit na ang aming mga mukha, mejo mabigat ang braso nya at napansin ko din na lumalaki ang mga ito. Sa hindi sinasadyang pagkakataon natitigan ko siya ng malapitan. Siniyasat ang bawat ditalye ng kanyang mukha, Matangos na ilong mahahabang pilikmata, makapal na mga kilay at sa ibaba nito ay ang mga matang kulay hazel green. Nagkaka facial hair na rin xia na tulad sa kanyang britong tatay na humuhugis mula sa patilya, pisngi't papunta sa baba at ibabaw ng labi. mabuti na lang ay nakuha nya padin ang kulay ng kanyang ina na kayumanggi
Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kanya, maganda ang kombinasyon ng lahi nya tapos Varsity MVP pa last year.
Umiling ako at ginising ang sarili mula sa pagkakalunod sa kung ano anong mga naiisip
"Nandito na tayo!"Sigaw nito siya namang nagkumpleto sa pag ahon mula sa pagkakalunod
By the way ang pangalan ko ay Lakan, Lakan B. Sinukuan. Pasensya na hindi ko alam san galing ang pangalan ko. Halos lahat ng kaibigan ko tawag sakin ay Ax para daw mas maiksi, ok naman sa akin iyon, itong si Mike lang naman ang tumatawag sa akin ng Apelyido. Ilang beses ko na sa kanyang Lakan o Ax ang itawag nya sakin subalit siya itong matigas ang ulo, hinahayaan ko na lang wala din naman akong magagawa na.
Nakarating na kami sa silid ng unang asignatura. Pilit kong binuhat paangat ang braso ni Mike sa aking leeg at umupo na sa unang row ng mga upuan. Tila hinanap hanap ng balat ko ang kuryenteng nag uugnay sa aming mga balat. Tumitig ako ng masama kay Mike dahil alam kong sinadya nyang pabigatin ang braso nya nung tatanggalin q na. Binalik nya naman ang titig ko ng Kindat at ngiting nakakaloko.
"Sabi na eh, Sinasadya talaga" bulong ko na sapat para marinig niya.
"Geh" sabay kaway at dumiretso na siya sa bandang likod ng silid kung saan nandon ang mga tropa nyang mga Varsity Players din tsaka yung mga haliparot naming mga kaklase. Alam nyo yun, yung mga kaklase nyong buntis na after ng 1st Semester
Tumingin ako sa aking relo maaga pa ng sampung minuto kaya naman naisip kong mag soundtrip na lang muna para kalmahin ang sarili ko sa mga nangyari kanina. Iwas na din ito sa ingay ng mga nagdadatingan pa naming kaklase. Kape at soundtrip ang nagpapakalma sa akin, nakakapag isip ako ng malinaw, walang destructions. Nakakapag plano din ako sa mga ganitong panahon. Kagaya ng anong mga susunod kong gagawin after class, mag eensayo ba ako ng aking routine o mag lilinis ng bahay.
Mabilis nang napaso ang sampung minuto. Dumating na ang aming guro sa asignaturang iyon, si Mr Jacinto, isa sa mga haligi na ng kursong kinuha ko sa kolehiyo. Ilang beses ko na din siyang naging guro. Matalino at alam mong bihasa sa kanyang karera. Mapaglaro din siya which I think un din ang nagustohan ko sa kanya. Madalas nya kasing sinusubok ang aming talino sa pamamagitan ng bilis ng utak at responde sa isang bagay katulad ng mga Practicum namin sa kanya.
Nagpalakpakan ang mga istudyante ng pumasok siya ng silid dahil bukod sa magaling siya isa din siya sa mga pinakamababait na guro dito sa Campus. Naka T-shirt siya ng kulay royal blue at may personalized name sa right chest at white jeans
"Atleast" sabi ko sa sarili ko. Maganda ang mga nag FBaganap sa unang araw bukod kay Mike.
I am taking up Hotel and Restaurant Management and I am in 4th year
"Good morning class"
"Good morning Sir" Natahimik ang lahat, nakakabingi ang katahimikan. Kanina'y waring palengke sa ingay ngayon para namang may dumaang anghel.
"You are going to group yourselves into ten groups since this class consists of fifty students, which mean 5 people per group for our activities, reports and kitchen practicums. By the way before I forgot," ibinaksan nya ang kanyang hawak na makapal na libro sa mesa.
"Here are the copies of the recipes for the whole semester, leaders and their groups are free to pick their recipes and have your own copy. maari ninyong dalin ang librong ito for photocopy purposes. Please don't get too overwhelm. There are so many recipes here, you never run out, so no need to scramble"
Nagsimula na naman ang ingay, pinuno ng tawagan at halakhak ang buong silid. Excited ang lahat sa mga susunod na magaganap. Kaso sino namang magiging kagrupo ko? eh si Mike lang kaibigan ko dito, mas prefer ko kasing mag isa, mas tahimik at mas kalmado lang.
"Hey"
May tumapik sa balikat ko, lumingon ako kung saan nagmula ang tapik.
"Tara, sali ka sa amin" pag aya nito. Napabuntong hininga ako ng nakita ko si Mike pala ang tumapik sa akin. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ko dahil may grupo na ko o maiirita dahil wala namang choice.
Nang biglang bumagsak sa aking isipan kung sino ang mga posibleng maging kagrupo namin. Napadasal na lang ako.
Tumayo ako sa aking kinauupuan, nakacross ang mga kamay ko sa aking dibdib sa irita.
"Mike kung ang mga ka-Varsity mo ang magiging kagrupo natin kaya ko mag isa tutal magiging ganon din naman ang magiging set up pag nagkataon"
"Tara na akong bahala" pag anyaya pa niya
Bakit ba ko nakikipag talo dito eh sarado utak nitong taong to.
"Ayoko!"
"Dali na" may lasong nakakahumaling sa mga sinabi niya. Mukhang alam ko na ang mga susunod na mangyayari
Akmang hahawakan ako ni Mike sa balikat upang mas lalo pang kumbinsihin na sumali sa kanila ngunit pinigilan ko ito gamit ang dalawa kong daliri na nakadiin sa kanyang dibdib. Kailangan kong gumawa ng bakod sa aming dalawa. Dibdib? s**t! pati mga dibdib nya ay gumanda ang hugis, mas may laman ito sa pangkaraniwan. Napahinto ako sa init na aking naramdaman sa pag kakadikit ng daliri ko sa kanya. Bumaling ang tingin ni Mike sa aking mga daliri na nag sisilbing bakod sa kanyang tagumpay. Huli na, nanghina ang aking kalamnan, pilit kong pinasunod sa utak ang aking kamay na ilayo ito sa kanya ngunit mabilis ba siya? at nahuli nya ang aking kamay o sadyang hindi ako makagalaw. Hawak nya ang kamay ko, sa aking pulso at tinanggal ito sa aming pagitan. Huli na, ang lason ay dumaloy na parang alon na gumiba sa aking bakod
Mula sa pagkakatitig sa aking kamay ay ibinaling nya ang kanyang tingin sa akin ang mapushaw na luntian at halong kayumanggi nyang mga mata na tila isang masukal na kagubatan na ihuhumaling ka sa ganda. Dinagdagan niya pa ito ng pagkagat sa kanyang labi na kulay presa at sabay sabing?
"Please?" Pagmamakaawa nito. "Please? We are best friends right? I don't want to compete with you. You're my best friend"
Napahinga na lang ako ng malalim at tinanggap ang pagkatalo sa kanyang katigasan ng ulo
"Sige" Tugon ko na walang kawala. "Kaso baka hindi nila ako magustuhan?
"Tara na, akong bahala sayo. Tiwala akong magugustuhan ka nila kagaya ko" Tumango ako
"So? Are you joining our group?"
"Ok." sabay ngiti
"Let's go I will introduce you to them"
Umikot si Mike sa likod ko at pinatong ang dalawa nyang kamay sa aking balikat at ginabay ako patungo sa mga kagrupo namin.
"This is-." Pigil ko sa kanya.
"Pwedeng ako na lang mag papakilala?"
"Hi" sabay nilang pagbati sa akin
"Hello!" sabi ng babaeng nasa kanan. Sabay kuha ng kanan kong kamay para makipaghand shake. Balingkinitan ito at may maiksing buhok. Hindi nya maitago ang saya sa kanyang mukha
"I'm Kristina, you don't have to introduce yourself to us the whole campus know about you. Ikaw si Lakan diba yung isa sa mga Senior Dancer ng campus dance troop at yung tinatawag na Liquor God?" sabik na pagpaliwanag ni Kristina na tila kinikilig pa. Tumango na lang ako at nag labas ng awkward na ngiti.
Nagtinginan silang lahat sa akin at ako nama'y tumingin sa ibaba sa sobrang hiya. Ayoko talaga ng ganito hindi ako sanay. Naramdaman kong umiinit ang aking tenga
Ganun ba ko ka sikat? pagtatanong ko sa aking isip
"Huh?" ani ni Mike na tila walang alam sa nagaganap.
"Of course Mike, you don't know that your friend here" sabi ng tan guy sa tabi ko at iniakbay nya sa balikat q ang braso nya na parang close na kami at matagal nang magkakilala "ay one of the Best Dancer hindi lang dito sa Campus pati sa buong Manila at hindi lang yun siya rin ay 3rd time Flairtending Champion here in the Philippines" patuloy nya
Maging ako ay hindi makapaniwala sa mga naachieve ko. Ganun ba yun ka big deal? eh masaya lang naman ako sa pag sasayaw yun lang. Mas lalong umiinit ang tenga ko sa mga sinabi ng katabi ko. Napahawak ako dito at pakiramdam ko pulang pula ito sa hiya
"Whaaaaat?! Of all people. No way, no, no you must be kidding. You're the closest and you didn't know? What kind of friend are you? idiot" Sabay batok kay Mike. Mejo nakakarindi ang boses nyang matinis sa totoo lang
Tumitig sa akin si Mike na para 'wala akong alam sayo' Binalik ko ang kanyang titig na nag mamaang maangan sa lahat ng ito
"By the way I'm Ken" Pagpapakilala ng lalaking nasa tabi ko at sabay abot ng kanyang makisig na braso upang makipag kamay.
Mababa ang kanyang boses tulad ng kay Mike. Makisig ito at mas develop ang pangangatawan. Ang balat nya'y tila nasunog sa araw. Lalaking lalaki, masasabi kong pilipinong pilipino ang katangiang pisikal ni Ken. Maputi ang mga ngipin at matangkad halos kasing tangkad ni Mike na tantya ko ay anim na pulgada ang taas.
"Pasensya ka na sunog ang kulay ko, Tennis player kase ako, nag ensayo lang ako ng nag ensayo last summer kaya natutong ako ng ganito" paliwanag nya.
Nahuli niya ata ako na nakatitig sa katawan nya. Kaya naman pala malapad ang mga balikat at malalaki ang braso nya. Kay puti talaga ng kanyang mga ngipin at maayos ang mga ito, siya namang kabaligtaran ng mga mata nyang parang gabi sa pagkaka itim
"Paano malalaman ni Mike yun eh mas busy pa yan sa mga babae nya" Dugtong pa nito
Sabay kami ni Kristina na napatango ng pag tugon sa mga sinabi ni Ken at nagkatinginan at napangisi na lamang
"Buti pa itong si Lakan down to earth" sabay akbay uli sa akin
"Yeah. Absolutely" Tumugon naman si Kristina na parang inaasar nilang dalawa si Mike. Napangisi na lang ako sa pang aasar ng dalawa.
Mukhang makakasundo ko ai Ken at Kris
Habang nag kwekwentuhan at nag tatawanan may lumapit na magandang babae mula kung saan. Si Clair ang pokpok at kasalukuyang biktima ni Mike
"Hi" Pagbati nito sa dalawa. "Anong pinag uusapan nyo? bout ba yan sa groupings natin?"
Nagkatinginan kami ni Ken sa sinabing 'grupo natin' dali dali namang lumingon si Ken kay Kristina, mabilis ang mga pangyayari nahawakan agad ni Ken si Kristina sa bibig. Ang malalaki nyang kamay ay halos kalahati mukha ni Kristina ang nasakop.
Natatawa ko sa pagpipiglas ni Kris sa naglalakihang kamay at braso ni Ken.
"Hi" may diri sa aking naisambulat na salita pero hindi ko ipinahalata
Tumingin lamang si Clair sa akin at kumandong sa Hita ni Mike. Hindi ko maiwasang mandiri at napahawak ako sa noo ko at umiling-iling na lang
Nakawala si Kris sa pagkakagapos at umalingawngaw ang boses ni Kris sa buong klase
"Grupo natin?!" Iritang panimula nito "Sinong nag sabi na isasali ka namin sa grupo? Mangkukulam ka!"
Nagulat ako sa mga nanyari. Napatulala ako subalit may tuwa akong nararamdaman sa ginagawa ni Kristina
"Oo grupo natin, diba Mike koh?" puro may H ang mga salita ng haliparot. Lumakbay ang daliri nito mula sa tenga patungong leeg ni Mike.
Nasubaybayan ko kung paano nagsitayuan ang mga balahibo nya sa leeg at nasubaybayan ko din kung gaano kalakas ang mangkukulam na ito.
"Sigi sabihin mo Mike kung kasali ba yan sa grupo natin!" hamon ni Kris
Tanging tango lamang ang nagawa ni Mike sa pagkakataong iyon. Wala siyang magawa sa mga oras na nilalandi siya ni Clair
Napahinga na lang ako ng malalim. Habang si Ken naman ay todo awat kay Kris. Si Mike? ayun nag dedeliryo sa libog
Halos mag dadalawang taon na din kaming mag kaibigan ni Mike. He is very vocal about himself, nakainuman ko na din siya. Sa 2 taon na yon ay para na kaming magkapatid. Kaso magkaiba kami, Silahis ako, at walang nakaka alam ni sino bukod kay mama. Well ano ba maitatago mo sa nanay mo lalo na't bukod tangi kang anak at wala ng ama.
Magkaibang magkaiba kami ni Mike. Hindi ko nga rin alam bakit yan lagi nakadikit sa akin. Tahimik ako, mas gusto kong mag isa, soundtrip, basa ng libro siya naman outgoing, gusto niyang center of the crowd siya lalo na sa Basketball at mga chicks
Isa lang ang kinakatakot ko ang malaman ni Mike ang tungkol sa pagkatao ko. Sigurado ako pandidirihan niya ko katulad ng ibang tao.
Nagpupumiglas parin si Kris nang nag umpisa nang nagsalita si Mr Jacinto.
"Ok class. I guess the grouping is done choose your leader of your group" ani niya
Nagsimula na namang umingay ang silid
"Him" Sabi ng b***h habang naka turo sa akin ang kanyang daliri na may kulay pulang cutics. Mike Ken at si Kris naman ay bumaling ang tingin sa akin
"Huh? Ako talaga?, napataas ang kilay ko sa bigla at sa pagiging mahadera ng bruha.
Narinig ko ang kumakawalang tawa ni Kris. Si Ken naman ay humawak sa kanyang baba na parang may kinukunsidera
"Yes, ikaw." Diin pa ni Clair " Diba magaling ka? Bagay naman sayo maging lider namin.
Ramdam kong paglamig mula ulo ko pababa. Namutla ako sa tinuturan ng bruhang ito
"Teka, teka hindi ako pwe-
"Ikaw na lider namin Lakan" pag sang ayon ni Kris sa ideya.
Lumingon ako kay Ken tanging tango lang ang tugon niya. Kay Mike, kumindat lang ito
Pinag apir ni Clair ang kanyang dalawang kamay na parang pumalakpak
" Ok then, Lakan will be our Lider." Kinakabahan ako sa mga susunod na magaganap. Hindi ako marunong maging lider baka sakin nila isisi lahat.
"Ok lang yan Laxy, tutulungan ka naman namin eh. Nasa likod mo lang kami" pag suporta ni Kris
"Relax ka lang. Dito lang kami" gayundin si Ken
Nginitian lang ako ni Mike. Nakakasuya silang dalawa tignan. Naglalandian sa oras ng klase
Mabilis na natapos ang araw namin sa klase. After namin makapili ng Recipes ay dinismiss na din ni Mr Jacinto ang klase namin sa kanya
3 subjects pa after nun si Mr Jacinto din ang Prof. kaya napag desisyonan niya na pag dugtungin ang oras namin ng 1st which is HRM 114 Catering and Banquet at 2nd na Event Management. Ang sumunod ay Tourism Travel & Operation Management at
lastly Basic Front Office. All is well na after ko maging lider ng 5 kataong grupo hindi pa pala. Nag papasalamat ako sa mga bago kong kaibigan na si Kris at Ken na buo ang suporta sa akin. Ang mga sumunod na klase ay hindi na naman na naging mahalaga at uwian na. Excited ang lahat na isinukbit ang kani-kanilang mga bag.
Naglalakad ako patungong school ground kung san ako nag park kasama ko si Ken at si Kris nagkwekwentuhan ng mga nangyari kanina. Kinakabahan parin ako sa naka atas sa akin hindi ako sanay.
Hanggang sa nag paalam na sila Ken at Kris sa akin sabay na silang uuwi since pareho lang nmn sila ng way.
Kumaway ako sa kanila. Tumalikod na ako para ayusin ang aking gamit sa loob ng kotse nang nakita ko si Mike at ang bruha na si Clair na naiwan.
"Oh nandito pa pala kayo?" Gulat kong tanong sa kanila. " Hindi pa ba kayo uuwi? sasabay ka ba Mike?"
.... End of Chapter 1 i hope my first went well, Thanks for all my first readers