Kabanata Dalawa : Cinema

4005 Words
"Actually" nakayuko ito at nakalagay ang kanyang kanang kamay sa batok na tila tinatantya ang aking magiging tugon. "We are heading to the mall, nagplano kami kanina na manonood kami ng movie. Would you like to come?" Sabi ni Mike "No" Maikli kong tugon Binuksan ko ang pintuan ng aking kotse, Black Honda Civic na regalo sakin ni Mama nung nag-champion ako ng pangalawang beses sa Flairtending Competition, para umuwi. Inihagis ko ang aking bag sa loob, inistart ang engine at chineck ang break at ibat iba pang safety precautions sa kotse. Sinarado ko ang pintuan at naaninag ko ang lungkot sa mukha ni Mike, kinibit-balikat ko ito ngunit inuusig ako ng aking utak. Binuksan ko ang bintana at ipinatong ang aking braso dito "Sasabay ka ba papauwi o mauuna na ko?" Nakasimangot ito na parang batang hindi pinayagang umalis. Alam kong patibong na naman ito subalit alam ko sa sarili kong ako'y magpapatihulog na naman dito "Please?" Napatitig ako sa kanyang luntiang mga mata, nangungusap. Mga matang alam kong sadyang delikado pag nahumaling dito. Isang titig lang ay siguradong bumagsak ka na sa kaniyang patibong. Wala na kong laban at hindi ko rin alam bakit sa tuwing si Mike ang nakikiusap ay para akong walang utak para mag desisyon. Nakakapikon lang sa sarili ko dahil wala akong magawa sa pagkatalo ko sa kanya. "Tsk! Eh ano pa nga ba, kesa ratratin na naman ako ng tanong ni tita sayo." Kinuha ko ang bag kong muli at lumabas ng kotse. "Oh" binigay ko sa kanya ang susi ng kotse. napataas ang isa nyang kilay. Dumiretso lang ako sa pag lipat sa passenger seat sa likod. Nang nakapasok na ako sa kotse hindi parin gumagalaw si Mike. "Ako mag dradrive?" tanong nito na parang hindi makapaniwala. Tumango lang ako. Namutawi ang ngiti sa mga labi ni Mike. Dati niya pa akong kinukulit na siya ang mag drive ngunit wala akong tiwala sa kanya dahil baka maibangga niya lang ito. Dali daling pumasok sa loob ng kotse si Mike. Pinagmasdan ko siya at alam kong ninanamnam niya ang bawat saglit ng unang pagkakataon na iyon. Umikot ang bruha at pumasok sa kotse katabi ni Mike. Ang saya ng pag mumukha ng dalawa. Aakmang yayakap si Clair kay Mike nang. "Oh oh" pag pigil ko sa kalaswaan ng bruha. napatingin ito sa akin, tinaasan ko ito ng kilay. "Teka may mga kundisyon ako" mula sa rear mirror ay tumingin sa akin si Mike. Nakalingon naman sakin ang bruha. Bumagsak pareho ang ngiti sa kanilang mga mukha. "Una, bawal mag landian dito sa kotse ko. Wag ninyong babuyin ang kotse ko. Pangalawa, kayo ang magbabayad ng sine at ng pagkain natin. Pangatlo" "May pangatlo pa!?" Reklamo ni Mike "Sino bang nakiusap?" Bawi ko "Geh, ano yung pangatlo?" "Hmmmm, ano pa ba?." Nag isip ako ng pangatlo kaso wala na kong mahugot mula sa brain cells ko "Mamaya ko na lang sasabihin wala pa kong maisip eh. Mag drive ka na bago pa mag bago isip ko" Dali daling inistart muli ni Mike ang makina ng kotse at pinaandar ito papalabas ng Campus. Ramdam ko na gusto ng dalawang mag harutan pero dahil sa kundisyon ko para silang nakatanikala at hindi magawa ang kanilang ibig gawin kanina pa. 'Akala niyo maiisahan ninyo ako aah. Not this time, not this time. Sisiguraduhin kong ako ang panalo sa araw na ito' Napatawa ako sa kawalan habang iniisip ko ang mga ito Mabigat sa pakiramdam ang katahimikan saming tatlo. "So?" pilit kong pag wasak sa katahimikan. "Mag uusap ba tayo o buksan na lang natin ang sounds?" Binuksan ni Mike ang sounds ng kotse ko habang nakafocus padin ito sa pagmamaneho. Tinitigan ko siya mula sa rear mirror at namumutawi pa din ang kasiyahan sa kanyang mga labi. 'Parang bata'. Dumungaw ako sa front seat para i connect ang Cp ko sa sound system. Bumungad sa akin ang mabangong amoy ni Mike. 'Ang bango niya' nagpulasan parang mga daga ang mga letra sa utak ko, umiling ako para ibalik ang sarili ko. "Ano ulit yun" bigkas ko "Ang alin?" Nagulat ako ng sumagot si Mike sa tanong ko. Hindi ko namalayan na napalakas ang aking pagsambit. "Ah wala kausap ko sarili ko." Ngumiti lang ito. Nagpatuloy na tahimik ang byahe namin patungong mall tanging ang musika lang ang namamagitan dito. Halos isang oras din ang naging byahe namin dahil sa pailan-ilang mga traffic lights at dahil rush hour na din kase nang mga oras na iyon. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Mall na papanooran namin ng movie. Dali dali kaming bumaba sa kotse at excited sa mga maaring mapanood. Sumandal ako sa kotse upang hintayin ang dalawa. Umikot si Clair mula sa pagbaba at ini-angkla ang kaliwang braso nito sa makikisig na braso ni Mike. Napabuntong hininga na lang ako sa aking nasubaybayan na para bang may konting kirot sa aking dibdib "Tara na babe" Excited na aya nito kay Mike. Tumango lang ito at humalik sa bruha siya namang taas ng aking kilay sa kaartihan ng dalawa. "Maglalandian na lang ba tayo dito o manonood pa?" Maging ako'y naramdaman ko ang pait sa aking mga tinuran. "Kase pwede naman kayo dumiretso doon." Sabay turo sa pulang gusali na tanaw mula sa mall. Rinig ko ang malademonyong ngisi ni Mike habang naglalakad ang mga ito sa tapat ko. Nag simula na din ako sa paglalakad nang iniabot sa akin ni Mike ang carkey. Umiling ako at itinulak pabalik ang kamay nito. Namutawi na naman ang ngiti nito Malaki ang mall na ito. Ang pagkaka alam ko eh ito ang pinaka malaking mall sa buong South East Asia. Kabisado ko din ito dahil malapit lang dito kung saan ako nag OJT nung summer break last last year kase lagi akong umiikot bago o pagkatapos ng duty. May iba ibang attraction na nakakalat sa buong mall. May rides na nakapwesto sa sea side, food halls, ibat ibang restaurant mula sa fastfood hanggang sa high end. Shops ng damit mula ulo hanggang paa. Nakasunod lang ako kay Mike at sa bruha. Tumitingin tingin sa mga outlet na madadaanan papuntang cinema. "So anong papanoorin natin?" tanong ko kay Mike "Dun na lang tayo mamili, wala din akong ideya kung ano ang nakaline up na Movie eh" Sa tagal tagal na magkaibigan namin ni Mike lagi siyang ganyan, mag aaya na manood ng movie pero wala siyang ka alam alam kung ano papanoorin. Kaya paminsan nauuwi kami sa foodtrip at pagtambay sa sea side. Diba ang galeng? Ito lagi bonding moments namin mula noon pa pag hindi ako busy sa routines ko at siya naman sa basketball niya. Paminsan video games sa bahay hanggang madaling araw pag walang pasok. Malapit na kami sa cinema nang nagsabi ako na ako nang bibili ng pagkain. Iniabot sa akin ni Mike ang card niya para ipanbayad. Syempre popcorns at sofdrinks lagi naman eh. "Kayo nang bahala sa kung anong papanoorin natin" Patakbo akong pumunta sa snack store. "Miss, dalawang super size popcorn isang melted butter at isang cheese tapos isang chicken pops with fries, 2 coke regular at 1 sprite zero aaaaaat isang hotdog sandwich" iniabot ko ang card ni Mike sa cashier at nag hintay ako ng sandali para sa mga inorder ko Pabalik na ko nang nakita ko mula sa di kalayuan ang walang humpay na landian ng dalawa. Nakakairita sa totoo lang at ang awkward ng feeling, tapos kasama ko silang dalawa nakakahiya kaya hanggat maari dumidistansiya ako sa kanila. "Ok na tickets natin?" tanong ko habang bitbit ko lahat ng binili ko mula sa snack store "Oh bat andami naman niyan?" Nanlaki ang mata ni Mike sa lahat ng bibili ko. "Libre mo naman diba? Kaya nilubos ko na. Tsaka kasama ko kayong dalawa ng 2 oras mahigit im sure napakaboring ng magiging experience ko sa loob kaya ikakain ko na lang. Eto sainyo" Iniabot ko ang popcorn na cheese flavor at 2 softdrinks. "Pero-" "Ops ops, we have a deal" Sabat ko "Tsaka bawas bawasan niyo nga ang landian niyong dalawa pinag titinginan kayo ng mga tao. Disente lang tayo dito, kaswal naka uniporme pa man din tayo." Pagsuway ko sa kanila "If may I suggest tuloy niyo na lang yang harutan niyo sa motel after ng movie hindi yung dito kayo sa mall nagkakalat." Dugtong ko Ngumisi lang si Mike sa tinuran ko subalit ang bruha ay para atang ayaw papigil at talagang kinagat pa sa tenga si Mike ng nakatingin sa akin habang sinasabihan ko sila "Ugh!" Irita ko. Talagang sinusubukan ako ng babaitang to. Teka. Nilapitan ko si Clair at inilapit ko ang labi ko sa kanyang tenga. "Kung hindi ka titigil sa pinag gagagawa mo sisiguradihin kong huling labas ninyo na to at kakaladlakarin kita papalabas ng mall na to. Intiende?" Ramdam ko ang kilabot at pamumutla ng kanyang balat sa mga tinuran ko Isang local romantic comedy ang napiling panoorin nila Mike sa gabing iyon, sa aki'y hindi naman ito big deal libre naman tsaka mahilig din naman ako sa RomCom. Habang naghihintay sa pila ay napaisip akong muli sa mga naganap kabina sa school. Muli ko na namang inusig ang aking sarili sa mga mang yayari pa lamang... Huminga ako ng malalim para kalimutan ang pag alala siya namang tagumpay ko. 'Ienjoy lang natin ok' sabi ko sa aking sarili. Patuloy na lumipas ang mga minutong hinihintay at kami na nga'y nakapasok na ng sinehan. Umupo kami sa bandang kaliwa ng sine at inihanda ang mga sarili sa papanooring pelikula. Puro boses ng bruha at ni Mike ang nauulinagan ko sa katahimikan ng paligid. Namatay na ang mga ilaw hudyat na magsisimula na anumang oras ang palabas. Maganda ang palabas, ngunit hindi rito nakatuon ang aking mga mata, kundi kay Mike, madilim ang paligid subalit nagamay na ng aking paningin ang mga anino at ilaw na nag lalaro mula sa nalaking screen. Mula rito ay naaaninag kundi naman ay nasusulyapan ang kagandahan ng mukha ni Mike. Alam ko sa sarili kong mali ito ngunit dito lang ako nakakasulyap ng matagal ng hindi ni sinuman ang may nakakapansin. Hanggang sa ipinalabas na sa pelikula ang medyo pribadong mga eksena ngunit sigi padin ako ng titig kay Mike na tila kinakabisado ko ang bawat linya't hugis ng kanyang mukha. Nang makita kong dumampi at hinimas ng bruha ang pribadong parte ni Mike. Kitang kita ko sa kabila ng mga aninot liwanang na nag sasayaw, na ang kanyang mga kamay ay sumasabay sa lambot ng musikang lumalabas mula sa palabas. Ramdam ko sa sarili ko ang inggit ngunit alam ko na hindi tama ang masaktan ng ganito gayundin naman ang kanilang ginagawa. Kahalayang alam ko sa sarili ko na maging si Mike ay hindi pa handa sa responsibilidad na pwedeng umatang sa kanyang balikat lalo na't ngayo'y may pinangangalagaan siyang pangalan sa aming iskwela. Kailangan kong kumilos, kailangan may gawin ako. Oo alam ko sa mga oras na iyon ay nasasarapan na ang mokong ngunit alam din ng bawat kalamnan ko na mali ang lugar na kanilang pinili. Patuloy padin sa pag himas ang bruha at maliwanag na sa akin ang mga nagaganap. Hindi ko mawari ang aking sarili kung ano ang aking nararamdaman. May halong inggit at selos na kumikirot sa aking dibdib ngunit nangingibabaw sa akin ang tamang pag iisip sa mga oras na iyon. Bigla akong tumayo at ibinagsak ang aking pagkain sa kanilang dalawa na siya namang ikinagulat ng dalawa. Mabilis ang mga pangyayari na maging ako'y hindi ko na rin nasundan. Daling lumabas ako ng sinehan upang makahinga sa aking mga nasubaybayan umikot-ikot ako ng lakad at hindi mapakali. Gulong gulo ang isip ko sa aking nasaksihan ganun din ang aking puso. Pilit kong tinatanong sa aking sarili, oo alam ko kung ano ako, sino ako pero hindi pa sa ngayon. Umupo ako sa upuan malapit sa aking pinaglabasan. Yumuko ako ipinatong ang aking mga siko sa aking mga tuhod nilapat ko ang aking mukha sa aking mga kamay, pilit kong nilalabanan ang aking isip at ang silakbo ng aking damdamin nang may dumampi sa aking likod. "Ayos ka lang" ani ng boses. Dahan dahan kong iniwalay ang aking mukha sa aking mga kamay. Bakas parin sa akin ang inis sa sarili. .Nasulyapan ko mula paa patungong bewang ang taong nagtanong. 'Si mike, sumunod pala siya at katabi niya ang bruha. Halata pa ang tigas ng kanyang sandata na lumalaban sa tela ng kanyang pang ibaba. Nagpatuloy ako sa pag tingala. Nakita ko ang mukha ni Mike na nag aalala sa akin. Huminga ako ng malalim. Sinubukan ko na gumalaw ng normal at walang imik ay tumungo ako ng CR sinehan Dumiretso ako sa lababo at nag hilamos ng mukha. Walang tao sa CR ng mga oras na iyon dahil kasalukuyan pang may ipinapalabas sa sinehan. Ninamnam ko ang lamig ng tubig sa aking mukha para gisingin ang aking sarili sa mga naganap, hindi ako nabigo. Subalit hindi ako mag isa sa CR alam kong nasa tabi ko lamang si Mike. Tumingin ako sa salamin at nasilayan ko ang imahe ng aking kaibigan, nakasandal ito sa counter ng mga lababo nakayuko tila nakokonsensiya sa kanyang pagiging marupok. Tumitig lang ako sa kanya mula sa repleksyon ng salamin "May sasabihin ka ba o magtatanong ako?" may diin sa bawat salitang aking sinabi "Pasensiya na sa nangyari" nakayuko itong nagsasalita, parang bata talaga na nahihiya sa kasalanang ginawa. "Alam mo ba kung- o saan patungo ang mga ginagawa mo?" Nautal ako sa galit at dami ng gusto kong sabihin. "Inisip mo man lang ba kung ano sasabihin ng mga magulang mo ukol dito? eh sa school? paano ung pag babasketball mo? ung MVP mo? paano yon kung sakali? makakapag focus ka pa ba sa pag aaral kung ganon? Mag isip ka naman minsan Mike, pang pito na siya mula ng nagkakilala tayo dalawang taon na nakalipas. Ako nahihiya para sayo sa totoo lang. Sa mga nakalipas mong mga relasyon alam mong tahimik lang ako at hindi ako kumikibo pero ngayon? iba na Mike, iba na. May himas sa ari mo? ano bang pumasok jan sa kokote mo? Libog? magjakol ka after hindi yung kahit saan na lang. Mike ilugar mo at hindi dito ang tamang oras at lugar para mag ganyanan kayo. Ang bababoy nyo." Palabas na ako ng CR ng may bisig na yumapos sa aking leeg at kamay na nakahawak sa aking kaliwang pulso. Nakalapat ang katawan niya sa aking likod at nakasubsob ang kanyang mukha sa aking balikat. Sinubukan kong kumawala sa alin man sa mga ito ngunit wala akong lakas sa mga bisig niya. "Sorry na" purong sinseridad ang kanyang mga sinambit. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan sa akin pati ang lamig na hatid ng kanyang luha mula sa pagkakasubsob niya sa aking balikat. Alam ko sa sarili kong may halaga ako sa taong ito at napatunayan ko iyon sa taon na pagsasama namin dahil kahit marami siyang pagkakamali at mapusok na mga desisyon ay nakikinig siya sa mga lumalabas sa aking bibig. Napatunayan ko iyon dahil wala na siyang inulit sa mga pagkakamali niya noon. Aking ikinagulat ang mga luha na aking naramdaman sa aking likuran. Siya'y tumangis sa mga sandali na iyon. Gusto kong sabihing tahan na ngunit kailangan kong panindigan ang aking pagiging tama. "Sorry sorry sorry na" pakiusap nito at humihigpit at dumidiin ang pagkakayakap niya sa akin na parang batang ayaw mawalay sa kanyang ina. Ngayon ko lang nakita si Mike na ganito. Unti unti akong tinutunaw ng konsensiya. "Sigi na ok na" pagtitiyak ko sa kanya Unti- unting lumuwag ang kanyang mga bisig at kamay sa pagkakahawak. Umikot ako at nasilayan ko ang mukha niyang namugto. "Oh bat ka umiiyak?" tanong ko, "Nakita mo ba ang sarili mo kanina ng nagalit ka?" paliwanag nito habang pilit na inaayos ang kanyang sarili. "Ibang iba ka parang di kita kilala natakot ako na baka tapos na tong pagkakaibigan natin. Natakot ako na" napatigil siya sandali " na hindi na ikaw yung matalik kong kaibigan pagtapos nito "Ok na yon, tiwala naman ako na nahimasmasan ka na sa mga ginagawa mo." "Nanginig ako sa tagal nating magkasama ngayon lang kita nakita ng ganyan" "Wag mo nang isipin yon, mag ayos ka na Uwi na tayo." aya ko sa kanya. Paglabas namin ng CR nasa tapat si Clair naghihintay sa amin. Balik sa normal si Mike na nakaakbay na naman sa akin ' Bigat bigat eh'. sinalubong niya si Mike. "Kamusta?" tanong ni Clair habang dali daling sumalubong kay Mike "Tapos na?" sambit ko. Tumingin naman sa akin ang dalawa. "Yung movie tapos na sabi ko" "Ay sayang hindi ko natapos" panghihinayang ni Clair. 'Eh gaga ka pala kung umayos ka ng panonood e di sana natapos mo.' sabi ko sa aking isip. "Tara kain tayo babe" pag aya ni Clair Bumaling sa akin ang mga mata ni Mike may mga tanong na alam kong tinatantya niya ang aking pakiramdam sa mga nangyari, yumuko lamang ako para umiwas sa nga titig niya. "Babe, ihatid ka na lang namin sa inyo since on the way naman ang area mo pauwi. Napatingala ako sa sinabi ni Mike. "Tara na babe" aya ni Mike kay Clair. nakahagkan ang mga bisig nito sa bewang ng bruha at nag umpisa na silang maglakad. Sumunod ako sa dalawa pakiramdam kong nanghihina ako sa mga naganap kanina. Bumalik na sa dating postura si Mike na kanina lamang ay parang batang umiiyak subalit ako ay naiwan sa dami ng mga tanong sa aking isipan. "Ax?" boses ni Mike iyon Tumingin lang ako sa kaniya bilang pagtugon. "Pwede bang ihatid na muna natin si Clair sa bahay nila bago tayo umuwi?" Tumango lamang ako at pilit kong naglabas ng ngiti pero parang walang lumabas. Nagpatuloy lang kami sa paglakad hanggang sa nakarating na kami kung saan nakapark ang kotse ko. Tahimik pa din ako, mabigat ang pakiramdam na pumasok sa kotse. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. Pinaandar na ni Mike ang sasakyan. Tahimik ang naging byahe namin papunta sa tinitirahan ni Clair. Bumaba ito maging si Mike upang magpaalam. Hindi na ako nag abala pang bumaba dahil wala rin namang patutunguhan. Di kalauna'y bumalik na din si Mike mula sa labas nasa likuran parin ako ng driver seat nakaupo nang binuksan niya ang pintuan. Nalulunod pa rin ako sa aking mga iniisip. "Ahm Ax? pwede ka nang lumipat sa tabi ko dito sa harapan" paanyaya nito. Tumingin lamang ako sa kanya ng ilang sandali at gumapang ako mula sa aking kinauupuan papunta sa harapang upuan. Tumingin ako sa labas para makaiwas sa kanyang mga titig at mga tanong. Malayo layo pa pala kami sa bahay. Kung ano ano ang tumatakbo sa aking isipan, mula sa pagiging lider ko hanggang sa hipuan sa sine hanggang ngayon na para akong nakikipag hatakan ng lubid sa isip ko at sa aking tunay na pagkatao. Nagpatuloy na sa byahe si Mike, tahimik rin ito ngunit ramdam ko ang dismaya sa kanyang sarili hindi ko ito pinansin dahil maging ako'y inuusig din ng aking pagkatao kung dapat ko bang ipaalam kay Mike na bakla ako o hindi. Nakasulyap lang ako sa labas, tulala, pinagmamasdan ang bakanteng mga daanan, mga ilaw na nagkikislapan at mga sasakyang tila ay nag uunahan papauwi sa kani-kanilang mga tahanan. "Ax? Ax?" may pag yanig akong nararamdaman kasabay ng pagtawag sa aking ngalan, si Mike naginising ako sa aking pagtakas mula sa aking isipan. 'Nakatulog pala ako' pagtanto ko. "Nasa bahay na ba tayo?" tanong ko sa kanya. "Wala pa, nasa parking lot lang tayo ng Mcdonalds at nag pagas na din jan sa katabing gasolinahan." "Ah ok" maiksi lamang ang mga aking sinasambit, wala pa rin ako sa aking sarili. "Kumain ka na muna," iniabot niya sa akin ang isang paper bag. "Bumili ako sa Mcdonalds kanina sa drive- thru nagutom kase ako eh binilan na din kita ng pagkain." Hinalungkat ko ko ang laman ng paper bag pero bago ko pa man makita ang gusto ko ay nagsalita si Mike "Binilan kita ng fries diyan peace offering ko, alam kong kanina ka pa balisa simula ng nag usap tayo sa CR, ayoko lang kitang abalahin pero ramdam ko na marami kang iniisip mula noon. Pasensiya ka na talaga kanina." "Hayaan na natin yun" sagot ko sabay subo ng isang dakot na fries. Alam na alam talaga ni Mike kung paano ako susuyuin sa tuwing mainit ang ulo ko sa kanya "May Sundae pa diyan alam ko paborito mo din yun baka matunaw" Dagdag pa nito Ang babaw ko, mga simpleng pagkain lang katulad ng mga ito kaya kong magpatawad sa isang iglap. Ayos lang yon si Mike lang naman ang nakakaalam ng kahinaan kong iyon. Masarap naman kase. Napawi nito ang mga gumugulo sa isipan ko. Nang matapos na kumain si Mike nagmaneho na ulit ito habang ako ay abala pa sa  pag ubos ng pagkain ko. "Ahm Ax?" pasimula ni Mike "Tumingin lamang ako sa kanya hinihintay ang mga susunod niya pang sasabihin. "Ayos lang ba para sayo si Clair?" hindi na ko nagulat sa mga lumabas sa bibig niya dahil pang pito na niya itong tinanong sa akin at sa pang pitong pagkakataon uulitin ko ang sagot ko "Sa akin, wala namang problema sakin kung ano at sino ang mga gusto mong landiin at maging kasama, as long as masaya ka sa ginagawa mo at pakiramdam mo tama at nasa lugar ang mga gagawin mo at mga desisyon mo, sa likod mo lang ako, well maliban don sa nangyari kanina ayoko lang mabali wala lahat ng ipinagod mo at pag sisihan mo sa huli ang mga desisyon mo ngayon. Alam ko na mapusok ang mga panahon na ito para sa atin dahil nasa gitna tayo ng pagiging teen papunta sa adulthood dinidiskubre natin ang mga bawat ditalye at mga maaring subukan sa mundo. Ayos yon kase the best padin na ma experience natin halos lahat ng puwede tama man o mali basta wag lang makalimutan yung aral na magiging bunga ng mga desisyon natin." huminto ako sa pagsasalita at dumungaw sa bintana. "Basta kahit anong mangyari wag mong kalilimutan na magkaibigan tayo" sabay tingin sa kanya. May pailan ilang tusok akong naramdaman sa aking dibdib. Alam kong hudyat iyon na hindi magtatagal ay matatapos na ang pagkakaibigang ito. Ngumiti lamang ito sa mga sinabi ko, ako nama'y tinuon ang sarili sa pag ubos ng pagkain sa harapan ko. Malapit na kami sa bahay ng nag salita si Mike "Salamat nga pala dito aah" Tumingin ako sa kanya, pilit na iniintindi ang mga tinuran niya "Dito" sabay tapik ng tatlong beses sa manibela. Agad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin "Wala yon, alam ko magdadalawang taon mo na ding hinihintay na mangyari ang araw na ito" Huminto ang kotse, pagtingin ko sa labas ay nasa tapat na kami ng bahay ko. Muli kong pinagmasdan ang mukha ni Mike sa pagkakataong iyon habang nakabaling pa ang atensyon nito sa pag aayos ng sarili. "Tara na" aya nito, pagkatanggal ng seatbelt Binuksan ko ang aking pinto at lumabas sa kotse. Tumingin ako sa orasan ko pasado alas onse na din ng gabi. "Dapat bumaba ka na sa bahay niyo kanina ng napadaan tayo" ani ko "Ok lang yun nakakahiya na sayo sobra sobra na nagawa mo ngayong araw para sa akin. Malapit na lang naman ang bahay kaya ko nang lakarin." sabay ngiti Humikab ako at naramdaman ko bigla ang hapo sa aking katawan. Andami agad naganap sa araw na ito "O sigi na mukhang inaantok ka na, pasensiya na sa abala ah, sasusunod uli." Nag umpisa nang maglakad si Mike papalayo ako nama'y humikab muli tanda na talagang napagod ako sa araw na iyon. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ End of chapter 2 Malalaman na kaya ni Mike ang sikreto ni Lakan? ano ang magiging reaksyon ni Mike sa oras na malaman niya ito. Tunghayan sa susunod na mga kabanata Hope you like it..  Thank you very much Leave your comment and suggestion through message
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD