"Nasan na yung susi ng kotse ko?" halos magkakalahating oras na akong naghahanap ng susi ng kotse ko. Hinalungkat ko na lahat ng maari kong paglagyan nito maging ang mga imposibleng paglagyan ko nito. Ang gulo na ng kwarto ko.
"Aaaargh! Kainis umpisa pa lang ng araw stress na ko. San ko ba kasi yun nailagay kahapon." Sa hitsura ng aking kwarto ay tila nataob ko na ito pabaliktad ngunit hindi ko pa rin nakikita ang lintik na susi.
"Naaaaak!" tawag ni mama mula sa baba tapos na ata siyang mag hain ng agahan.
"Poooo!"
"Tara na dito nakahain na almusal"
"Opoo!" tugon ko. Hindi ko parin nahahanap ang susi ko paano ko papasok nito kailangan ko tuloy mag commute.
Bumaba na ko mula sa aking kwarto. Iniwan ko na muna iyon ng ganon para balikan at linisin mamaya after ng klase.
"Ma" lumingon ito
"Oh, tara na dito kumain ka na baka mahuli ka pa sa klase mo"
"Opo"
Umupo ako sa silya sa kaliwang bahagi ng mesa katabi ng kina-uupuan ni mama. Nakauniporme na din ito. Suot ang bughaw nitong uniporme at ang kulay gintong chapa ng pulis at ang banat na banat na pusod na buhok nito. Sinandukan ako ni mama ng sinangag. habang ako ay tuliro at iniisip pa rin kung saan ko nailagay ang susi ko.
"Anak bakit ang aga aga nakabusangot ka jan?" tanong ni ina. Wala akong imik dahil iniisip ko pa rin kung nasaan na ang aking susi
"Haaay naku anak wag mo nang isipin yon hala ayan kumain ka na alam ko paborito mo ito."
"Ma, magcocommute ako pag pasok" napatingin bigla sa akin ng tingin si mama
"Bakit, hindi mo ba gagamitin ang sasakyan mo?"
"Namisplace ko kasi ang susi ko, kanina ko pa iyon hinahanap, nataob ko na nga yung kwarto ko kahahanap kanina pa."
"Ah, wag na anak, isasabay na lang kita since sabay naman tayo ng pasok ngayong araw. Wag ka na ma-stress jan ang ganda ng araw oh. Ngiti na, dali, sige ka pag sumimangot ka hanggang mamaya puro kamalasan mangyayari sa araw mo, kaya smile na." Pinilit kong maglabas ng ngiti
Hindi man ako naging maswerte sa ama, triple pa ang balik naman nito sa aking ina. Sobrang bait niya, tanggap niya ako kung ano pa man ako. Suportado niya ako sa mga desisyon ko sa buhay. Alam niya kung paano pagagaanin ang pakiramdam ko sa mga sitwasyong nakaramdam siya ng paghihirap o lungkot mula sa akin. Laki ng pagpapasalamat ko sa Maykapal na binigyan niya ako ng inang mapang-unawa at mapagmahal kaya naman pinag bubutihan ko ang aking pag aaral bilang ito lang ang alam kong paraan para makabawi sa mga sakripisyo niya sa akin.
Napakasarap talaga magluto ni mama. Sa kanya ako naninspire kung bakit ko kinuha ang kurso kong HRM, dahil sa pag luluto gusto ko din kase na maging magaling sa mga putahe at kung ano ano pa. Pag may oras katulad pag bakasyon o di kaya ay day off ni mama at nasa bahay lang ako lagi kaming nagluluto, andami niya na ngang itinuro sa akin kahit maging sa baking. Maraming masasarap na sa tingin ko ipinamana na sakin ni mama. Pero ang sabi niya sakin lagi na kailangan may sarili akong lasa sa kada putaheng ihinahain ko para masabi kong original ang lasa. Katulad ng paborito kong Adobo niya na ang gamit ay apple cider vinegar at hindi pangkaraniwang sukang puti lang.
Unti unti ko nang nakakalimutan ang tungkol sa aking nawawalang susi habang nagkwekwentuhan kami ni mama sa harap ng hapag nang may biglang may nagpatunog ng doorbell. Sabay kaming napatingin sa pintuan. Tumayo si mama para tignan at pagbuksan ang nasa labas.
"Sino naman kaya ito? ang aga naman ata bumisita." narinig ko habang papalapit si mama sa pinto.
Nagpatuloy ako sa pagkain ng almusal nang marinig ko si mama
"Oh, ang aga mo naman bumisita."
"Hi tita andiyan po ba si Lakan?" Si Mike. Ang mababa niyang boses na nagiging musika na sa aking pandinig.
"Oo, nasa lamesa nag aalmusal, tara pumasok ka, ang aga mo naman bumisita, kumain ka na ba ng almusal?"
"Ay opo, kanina po sa bahay" sagot nito. Tumingin ako sa kanila habang papalapit sila sa mesa
"Halika kumain ka" akmang kukuha na si mama ng kobyertos nang
"Ay hindi na po tita, ok lang po. Kaya lang naman ako nagpunta dito kase ibabalik ko lang po sana ang susi ng kotse ni Lakan."
'huh? aaaargh kapikon, nasa kanya nga hindi na niya naibalik kagabi.' sabi ng utak ko sa aking sarili.
Napahinga ako ng malalim bago ako mag salita. Subalit naunahan ako ni mama
"Oh anak ito na pala ang susi na hinahanap mo kanina pa, salamat aah nako kanina pa hinahanap ni Lakan yan kaya nakasimangot toh kanina pa"
'whuuuut? bat pati yun kailangan ikwento' i rolled my eyes sa pagiging awkward.
Tumayo ako bigla mula sa aking upuan at daling sinukbit ang aking bag. Inilagay sa lababo ang aking pinag kainan at bumalik sa lamesa.
"Ma una na ko." sabi ko kay mama, hunalik sa kanyang pisngi at inilahad ko ang kamay ko sa harap ni Mike para kunin ang susi. Ibinigay ito ni Mike
"Hoy teka teka, teka lang pagbabalot kita ng pagkain, bigyan mo mga kaibigan mo ok."
"Ma wag na"
"Hindi, hindi. dalin mo ito. Mike sumabay ka na kay Lakan, magsabay na kayo pag pasok sa iskwela para hindi ka na din mahassle papasok. Oh heto kunin mo para sa inyo iyan ah, pagpasensiyahan mo na."
"Hala sobrang dami naman po nito pero salamat po tita." sagot ni Mike, patakbo itong lumapit sa pinto..
Binuksan ko ang kotse, yumuko ako at inayos ang gamit sa loob nang nasilip ko na papalapit na si Mike. Lumabas si mama mula sa pinto.
"Ingat kayo!" hiyaw nito
"Opo tita, salamat po dito sa pabaon ninyo"
Lumabas ako at kumaway kay mama. Kumaway rin ito pabalik.
"Hoy mokong tara na," Tumango ito at binuksan ang pinto sa tapat niya.
Inistart ko na ang makina at nagsimula na kaming bumyahe.
-----------------------------------------------------------
Tahimik lang ang naging byahe namin mula bahay halfways papunta nv school. Medyo awkward na kaya naman nagsimula na akong basagin ang katahimikan na ito
"Kamus-"
"Ang ba-" nagkasabay pa kaming nag salita.
"Sigi na mauna ka na" sabi ko habang nakatuon ang atensyon ko sa kalsada
"Ang bait talaga ni tita no, kaso andami nito."
"Nagtaka ka pa sa dami niyan? eh alam ni mama na paboritong paborito mo ang chinese fried rice niya, at halimaw ka kumain no"
Binuksan ni Mike ang mga lalagyanan ng ipinabaon sa kanya ni mama. Nasilip ko iyon at talagang binuo na ni mama ang pagbigay may itlog bacon at 2 mansanan na din. Umalingasaw ang amoy sa buong kotse
"Mukhang kumpleto aah" biro ko. Tumingin lang sa akin si Mike. Kumulo ang sikmura nito na parang gutom na gutom. Nagulat at natawa ako sa narinig ko.
"Oh akala ko ba busog ka at nakapag almusal ka bago ka pumunta sa bahay."
"Eh kase nakakahiya sa mama mo kanina hehe" Paputol putol ang tawa nito.
"E di sana sinabi mo na lang nahiya ka pa eh parang anak na rin turing ni mama sayo. Laway mo oh natulo? kumain ka na dito para maayos na tayo mamaya pag dating"
"Mamaya na lang sa school."
"Oi bigyan mo si Ken at si Tina ah"
"Yup, sinabi din sakin yan ni Tita. Ano nga pala yung sasabihin mo?"
"Wala, kakamustahin ko lang yung pag uwi mo sa susi ko. Bwisit ka tinaob ko ang kwarto ko kahahanap nasa sayo lang pala, inuwi mo palang peste ka" sabay kaltok sa ulo nito ng buong gigil.
"Aray sorry na, nawala na din sa isip ko kagabi eeh. Inaantok na din kase ko."
"Babawi ka sakin aah, kainis ka"
Nakarating na kami sa iskwela just in time. Pinalabas ko na muna si Mike para mauna na siya at makakain. Lumabas ito na abot tenga ang ngiti sa labi bitbit bitbit ang mga pagkaing ipinabaon sa kaniya ni mama. Inayos ko muna ang pagkakapark ko ng kotse at sumunod na din akong lumabas.
"Oh bat nandito ka pa? diba sabi ko mauna ka na para makakain ka pa, anong oras na mokong ka talaga" nakita ko sa likod ng kotse ko si Mike at nakaturo sa kaliwa niya. Blanko ang kanyang mukha. Pagtingin ko aa kaliwa niya
"Waaaaahhh!" nakarinig ako ng malakas na sigaw, alam kong lumaki ang mata ko ngunit gayunpaman ay kitang kita ko ang mukha ng dalawang nang gulat sa akin. si Ken at si Kristina o sabi niya Tin na lang.
"Ay pu-" sumimangot ako sa ginawa ng dalawa na pag gulat sa akin. Habang tawang tawa ang dalawa dahil nagtagumpay silang gulatin ako
"Ang aga aga kayong dalawa wala kayong magawa, muntik pa kong mapamura sa pinag gagagawa ninyo." Tumingin ako kay Mike
"Isa ka pa, isa ka pa" Piningot ko ang kanyang tenga.
"Sumabwat ka pa talaga mokong ka"
"Ara ara aray aray". Reklamo niya, hindi siya makaganti sa akin dahil hawak hawak niya ang pagkain ibinigay ni mama sa kanila.
"Pasalamat ka may hawak ako" banta ni Mike
"Pasalamat ka may kakainin ka" balik ko sa kanya
Ngumisi ito sa tinuran ko, Naglakad na kami papunta ng silid. Ako, sa tabi ko si Tin at ang dalawa naman si Mike at Ken sa likod namin nakasunod ay may pinag-uusapan na sa aking naulinigan ay tungkol sa kani kanilang mga try outs this year. Fourth year na kami ibig sabihin last na namin na mag cocompete ngayong taon si Ken sa Tennis, ako sa Flairtending at Cheerdance competition at si Mike naman ay sa Basketball. May mga memo na sigurong ibinigay sa kanina ang mga coaches nila, sa amin ay wala pa, usually kase sa flairtending late talaga sa cheerdance naman next semester pa yun para sa intramurals.
Nakarating na kami sa silid at nag si upo sa mga kanya kanyang mga pwesto ako sa harapan, si Ken at Tina naman ay gitnang bahagi at si Mike ayun kasama na naman ang haliparot sa likod.
Parang 1st day din ang araw na ito dahil iba ang schedule ng Monday Wednesday at Friday sa Tuesday Thursday. Iba din pag Saturday. Ang nga subject namin ay ngayon ay Culinary Arts and Sciences, sunod ay Food Cost Control at Beverage Management.
Maingay na sa kwarto nang dumating kami, pero ilang saglit pa ay dumating na ang professor namin sa unang subject, si Mr Jacinto ulit at hindi lang iyon siya rin ang magiging professor namin sa lahat ng subject tuwing Tuesday at thurdays dahil doon ay pinag-isa niya na lang lahat lahat ng subjects namin since konektado naman ang mga subject na tatalakayin namin. Sa kasamaang palad pati ang mga grupo ay ganun na din, ibig sabihin ay 5 subjects ang pamumunuan ko. Mas lalo akong kinabahan sa naisip kong iyon. Huminga ako ng malalim at sinubukang mag focus sa mga announcement ni Sir.
"Ok since ako ang magiging professor niyo sa lahat ng subjects ngayong araw sisimulan na natin agad ang practicum pero bago yun magtabi tabi na muna lahat ng magkakagrupo. Ready na ang lahat ng gagamitin ninyo sa Kitchen laboratory ang kaso dala niyo ba ang chef uniforms niyo? kasi kung hindi niyo dala problema yan mababawasan ang team niyo na makakapasok sa laboratory"
Habang may mga pinapaliwanag si Mr Jacinto ay may lalaking tumawag sa kanya mula sa labas,. Agad na lumapit si Sir dito para kausapin. Naglapitan naman sa akin ang 4 na kagrupo ko. Nag form kami ng circle katulad ng ginawa ng ibang grupo para makapag usap.
"Laxy ok ka lang" may pag aalala sa boses ni Tin.
Tumango lamang ako bilang tugon kay Tin ngunit tila hindi man lang nabawasan ang pag aalala nito sa akin.
"Namumutla ka Ax, siguradong ayos ka lang?" Sabay patong ng kamay ni Ken sa likod ko.
Unti unting nanlalamig ang pakiramdam ko sa kaba, hindi ko alam kung ano ang mga dapat gawin bilang lider. Ayoko din naman maging bossy sa kanila at lalong ayoko din mabigo ko sila.
"Class, pinapatawag lang ako sa opisina. Babalik din ako agad."
Pag alis na pag alis ni Mister Jacinto ay tumayo ako ang nagtatatalon para patakbuhin ang dugo ko sa katawan. Umiling at tumango tango din ako upang maalog lahat ng mga nasa isip ko lalong lalo na ang pag ooverthink ko sa mga bagay. Kinakabahan ako sobra dahil hindi ako sanay na nakatuon sa akin ang mga kasama ko lalo pa ngayon na hindi lang 1 subjects ang pamumunuan ko kundi lima.
Huminga ako ng malalim na malalim upang klaruhin ang isip ko, nagtagumpay naman ako
"Ok, kaya ko ito" sabi ko sa kawalan
"Kaya mo yan, tsk ikaw pa", sabi ni Mike sabay akbay sa akin at inuga uga ako. Nakatulong ito, napatingin akong muli sa gwapo niyang mukha. Kay sarap niyang titigan dasal ko'y hindi ito masama o walang kasing kahulugan ngunit alam ko sa dibdib ko ay may mga pakiramdam na gustong kumawala. Konting tiis pa, matatapos ko din ang pag aaral ko. Magkakahiwalay at hindi na kami magkikita muli ni Mike. Nalungkot ako sa pumasok na imahe na iyon sa aking isipan pero yun ang tama kong gawin. Ang itago ang aking nararamdaman at hayaan na lamang ang sikreto kong mabaon. Ayos na yun sa akin kesa masayang ang magandang pagkakaibigang tinatamasa namin.
Madami na akong pagsubok na natapos, oo may mga araw din akong natatalo pero hindi ako sumuko sa mga pagkakataong iyon hanggang sa makamit ko ang mga medalya at tropeyo ng aking pagkapanalo. Madali na ito sa akin. Limang subject? Bring it on. Huminga ako uli ng malalim ito na ang aking hudyat na matanggap sa aking sarili na kaya ko ang pagsubok na ito.
Tinaggal ko ang brasong naka akbay sa akin at umayos na ng upo
"First i need to know if dala ninyo ba ang chef uniform ninyo? and where are you guys good at sa pagluluto?" Finally may tapang na sa aking boses. Isa isa ko silang pinagmasdan at may ngiti na sa kanilang mga labi, siya namang nagbigay pa sakin ng lakas ng loob.
"Ken? Mike? dala niyo?"
"Yup, nasa locker room sa Gym kukunin ko lang." sagot ni Mike
Tumango si Ken bago mag salita
"Ako din nasa Locker din."
"Tina?"
"Yes dala ko today, Pinadala na sakin ni mama to kanina baka daw gamitin." Inilabas niya ang uniform mula sa kanyang bag
"Clair?"
"Hindi ko dala yung akin paano yun?"
Heto na ang una kong problema. Ang bruhang si Clair.
"Pero make up dala mo? eh yung suklay at lipstick hindi kaya malimutan." May irita sa aking mga sinabi
"Eh wala namang sinabi si Si-"
Tinapat ko ang palad ko sa mukha niya para pahintuin sa walang kakwenta kwentang rason.
"Ako pinili Mong Lider hindi ba?" sinadya ko lagyan ng diin ang "mo" para alam niya kung san siya lulugar na pinili niya ko sa posisyong ito.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya
"Pwes, either susunod ka o wala kang grade, ganun ka simple."
Napatingin ito kay Mike na may pag aalala.
"Now san kayo magaling?" Patuloy ko siya namang balik ni Mr Jacintho.
"Alright, so are you guys ready?"
"Not yet" sabi ng buong klase.
"Ok, I will give you all 30 mins to discuss."
'Yes, pagkakataon na ito' Sabi ko sa sarili ko
"Lakan pwede ba tayong mag usap ng tayo lang?" bulong nito sa akin
"Oh, ok sure san tayo?"
"Sa labas na lang?"
"Tara" tumayo ako mula sa aking pagkakaupo ganon di naman si Mike.
Nakatayo kami ni Mike at magkaharap pag labas ng kwarto.
"Yes naman, lider." tukso nito
"Wala naman na kong magagawa, So ahm ano bang sasabihin mo?"
Bumaling ang tingin ni Mike sa sahig. Sigurado akong pabor na naman ito na taliwas sa gusto ko.
"Hoy ano na" biglang may sumigaw sa likod ko. Si Tin kasunod niya din si Ken na lumabas ng kwarto
"Ano yung sasabihin mo?" tanong ko uli kay Mike
"Alam ko game mode on ka na at una pa lang naman natin itong practicum pwede bang pagbigyan na muna natin si Clair na makapagluto?"
"Mike narinig mo ba si Sir sa instruction niya, No uniform no practicum" sabat ni Tin
Hinawakan ko si Tin tanda na hawak ko pa ang sitwasyon na ito.
"Wala namang problema dun eh, kung makakapag hanap siya ng uniform besides pagkumpleto tayo mas matatapos tayo ng mabilis." Inilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Mike. Ang pabango niya at ang p*********i ay perpektong naghalo at nadama ko ito pababa sa aking katawan.
"Either way, like what you said nakagame mode on na ko at alam mo kung ano ang kaya kong isakripisyo para sa gusto ko" bulong ko. Lumayo ako agad after kong sabihin iyon dahil baka masakmal ko si Mike dahil sa sarap nito, amoy niya palang ay nakakahumaling na.
Umiling ako para matanggal sa akin ang libog na idinulot ng amoy niya. Hinila na ako ni Tin papasok sa loob ng silid ngunit sumilip pa ako sandali kay Mike.
"Subukan niya mang hiram sa ibang section o sa kakilaka niya pwede naman yun" sabay kindat sa kanya. Ako lang ang kinilig sa ginawa ko.
Umupo na kami sa kanan ko si Tin at kaliwa naman si Ken. Tinawag ni Mike si Clair sa labas. Sinubaybayan lang namin siya ng tingin. Nang wala na siya sa paligid tyaka naman nagsalita si Tin
"What's with the attitude kanina kay Clair" ani ni Tin, napangisi ako sa mga tinuran nito, nadama niya pala ako dun
"Ah wala yun wag mo nang isipin iyon" pagtanggi ko
"Anong wala, pinag initan mo kauna unang practicum palang."
"Anong pinag initan ka jan eh wala siyang uniform ano magagawa ko idadamay ko buong grupo? ginawa ko lang ang sa tingin kong tama"
"Ok" sabi ni Tin ngunit hindi parin ito kumbinsido sa mga sinabi ko.
"Eh ano yung game mode ba yun? yung sinabi ni Mike"
"Alam mo chismosa ka"
"Dali na sabihin mo na" pilit ni Tin sa akin
"Narinig ko na yan ilang beses kay Mike noon. Ang pagkakaintindi ko yun ay parang kapag seryoso na or something." biglang nagsalita si Ken na pumukaw sa atnesyon naming dalawa ni Tin.
"Ah oo tama ka diyan Ken, nakasanayan na kasi naming gamitin yun ni Mike dahil nga lagi kaming nag vivideo games sa bahay pag walang pasok o kahit nung bakasyon. Sinasabi niya yun pag sunod sunod na talo niya after niyang manalo sa umpisa. Siniseryoso ko na daw masyado na ayaw ko nang patalo. Kaya sinasabi niya "NakaGame mode on ka ah ayaw mo nang patalo.""
"Ah kaya pala mukhang kinabahan kanina si Mike nung nakita ka niyang nagseryoso na dahil alam niya na kalalabasan nito"
Ang tatlumpung minuto ay natapos ng ganon ganon na lamang. Bumalik na si Mr. Jacinto at nagsimula na ang una sa aking mga pagsubok bilang lider ng grupo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
End of chapter 3
Hope you like it