Ang tatlumpung minuto ay natapos ng ganon ganon na lamang. Bumalik na si Mr. Jacinto at nagsimula na ang una sa aking mga pagsubok bilang lider ng grupo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ok siguro naman namakapag usap usap na kayo para sa magiging diskarte niyo. Tara na sa Kitchen laboratory para maipaliwanag ko ang gagawin natin."
Nag umpisa nang magtayuan ang mga kaklase namin para sumunod sa kitchen laboratory. Excited ang lahat.
Akmang tatayo na din ang dalawa nang hinawakan ko ang pareho nilang braso. Umiling ako senyas na wag na muna.
"Bakit? nag aalisan na ang lahat oh" Ang matinis na boses ni Tin na nagtataka.
"Mamaya na tayo sumabay, magpahuli na muna tayo may sasabihin pa ako" paliwanang ko
"Ano ba ang plano mo?" tanong ni Ken
"Tara na, mag umpisa na tayong maglakad habang pinapaliwanag ko sa inyo"
Binitbit ni Ken ang bag ni Mike si Tin naman ay ang pagkaing pinabaon sa amin.
Naglalakad kami sa hallway ng school papuntang laboratory nag umpisa na akong magsalita.
"I was thinking the worse case scenario natin sa groupings na ito." Panimula ko
"Huh? Anu yun" tanong ni Tin
"Na tayong 3 lang ang magluluto sa loob" sagot ko
"Eh diba kaya umalis yung dalawa dahil maghahanap sila ng chef uniform na mahihiraman?" pagtataka ni Tin. Tahimik lamang si Ken sa tabi ko alam kong iniisip niya din ang posibilidad
"Yun ay kung makakahiram sila." sabi ko
"Ayun lang paano yun?" usig pa ni Tin
"Kailangan nating mag double time as a group para makahabol sa mga gawain, dahil kung 3 lang tayo at ang lulutuin natin ay full meal course at dipende sa minimum at maximum ng serving na irerequire ni sir tiyak mahihirapan tayo."
Nakatitig lang kaming dalawa kay Ken habang nagsasalita ito, ang galing niya mag analyze ng problema, nakuha niya din ang gusto kong ipunto at napaliwanag niya din ito ng malinaw. Sigurado ako may talino itong si Ken pero hindi lang siya masyadong nabibigyan ng pagkakataon o pwede rin namang dahil tennis player siya kaya sanay ang isipan niya na mag analysis ng on the spot situation.
"Tama ka jan, Ken. Kung iisipin if ang gagawin ay Appetizers, Soup, Salad, main course, dessert at drinks tapos gagawin ito para sa limang katao imumultiply mo ang 6 categories sa 3 person so meaning tigdadalawa tayo ng toka sa lulutuin." dagdag ko sa paliwanag
"Ah gets ko na ibig sabihin lang kailangan lang natin ng plan B if ever maging ganito ang sitwasyon, hmmm, ayos ako diyan. Mas maganda nang may plano na tayong nakahanda.
Tumango lang kami ni Ken. Mabuti na ang ganito atleast handa kami sa kung sakaling may hindi inaasahang mangyari. Ayokong isipin na ganoon na nga ang mangyayari subalit ayoko rin magpakampante lalo nat nakasalalay dito ang halos kalahati ng grading namin for the whole semester. Lahat ng practicum kay Mr Jacinto ay parang fastrack para makapasa sa subject niya dahil hindi ito naniniwala na sa written exam matutukoy ang talino ng isang istudyante lalo na sa field namin na lahat ay physical work.
"Kaso wala pa tayong recipe para sa practicum kaya hindi pa natin matatantiya ang dami at bigat ng bawat toka if ever 3 lang tayo sa loob"
Ito ang mahirap at masaya sa klase namin kay Mr Jacinto lagi parang game show ang bawat practicum na susubok sa bilis namin mag isip at makagawa ng paraan sa kakaunting oras lamang. Alam na alam niya kung paano patakbuhin ang subject niya na kami mismo ay matututo sa sarili naming pamamaraan.
"Ayos lang, madali na lang yan pag andun na tayo atleast for now nakakapag plano tayo ng mabilis at makakapag handa agad." kalmadong sabi ni Ken
Patuloy ang pag uusap namin nila Ken at Tina, tungkol sa magiging practicum. Napag alaman ko din na mahilig gumawa ng dessert si Tin. Madalas niyang ginagawa ay mga baked goodies like cookies at cakes ito din ang una niya talagang pinag aralan since mahilig siya sa mga ganitong pagkain. Si Ken naman ay makarneng tao, mahilig siya sa karne sabi niya namana niya ito sa kanyang tatay dahil sporty din ito katulad niya ganun nga talaga siguro dahil masyadong pisikal ang mga sports ni Mike at Ken kaya siguro mataas sa protein ang diet nila for muscles. Atleast sa ganitong paraan alam ko kung paano ko madidibisyon gawain sa aming lima kung mamalasin sa aming 3.
Nakarating na kami sa Laboratory. Tinawag muli ni Mr Jacinto ang atensyon ng lahat para makinig.
"Class, ito na ang recipe ng bawat group" itinaas niya ang kanang kamay niya na may hawak na papel.
"Una, bawat grupo ay may kanya kanyang kopya ng recipe. Bawat grupo ay may pamimilian na 3 na klase ng putahe bawat category: appetizer, soup, salad, pasta, dalawang main course isang white meat isang red meat at lastly yung dessert, wag niyo din kalimutan ang drinks.
Pangalawa, ito ay speed test, you have atleast 3 hours to consume kasama na doon ang pamimili ninyo ng ingredients, pag suot ng chef uniform, pagluluto at pag plating. Bibigyan ko kayo ng 100 points pero sa bawat limang minuto na sosobra kayo sa 3 oras mababawasan ng limang puntos ang 100 points.
Lastly, Syempre dapat masarap. Gagawa kayo ng meal good for 5 people at may 4 na tao akong inimbita para makasama ko tumikim sa luto ninyo."
Masyadong marami para sa aming 3 lang pero kailangan magawa namin ito sa oras dahil sayang ang 100 points malaki mahahatak nun sa grades namin para dito sa practicum. Nagsimula nang kumuha ng recipe ang ibang grupo. Tumingin ako kay Ken para sumenyas na siya na ang kumuha ng recipe
Kinalabit ako ni Tin upang makuha ang atensyon ko habang nag iisip. Napatingin ako sa kanya subalit nakalingon ito sa aming likod at may itinuturo ang nguso. Tinignan ko ang itinuturo niya nakita ko ang magandang mukha ni Mike at ang mangkukulam. Papunta na sila ng litchen lab at mukha namang nakahiram sila ng uniform dahil nakangiti ang dalawa habang naglalakad papalapit kung saan kami naka pwesto.
"Gwapo ni Mike no?"
"hmm hmm" tumango ako bilang tugon, nanlaki ang mata ko sa aking ginawa at napatingin kay Tin nang magkasalubong ang kilay. Ramdam ko ang init sa aking mukha para kong sinabuyan ng malamig na tubig.
Nakipagtitigan siya sa akin na parang may gustong patunayan. Iniwas ko ang tingin ko kay Tin
"Anu ka ba, ayos lang yan naamoy na kita dati pa, silahis ka"
Napatulala ako sa tinuran niya. Paano niya na laman? may nagawa ba kong mali sa pag tago sa pagkatao ko?
"Wag mo nang isipin masyado. Wala sakin yun 5 kaming magkakapatid 2 lalaki 3 kaming babae. isa samin bakla tapos yung ate kong isa silahis normal na lang samin yun. Proud nga ako dun sa dalawa na yun kase sila tong may mahirap na disposisyon sa pagkatao nila sila pa itong magagaling sa mga pinili nilang mga karera. Si kuya ay ate pala(gay) may 3 na siyang restaurant sabi niya sakin pag grumaduate ako ibibigay niya daw sa akin yung isa sa mga negosyo niya para ako daw mag manage at sakin na yun. Si ate naman arkitekto malalaki yung mga projects na napupunta sa kanya kaya ayun may sarili nang bahay at kotse in her 30's. Dont worry wala akong pagsasabihan kase alam ko mahirap ang katayuan ng katulad mo."
Sasagot sana ako at magpapasalamat nang dumating na ang dalawa. Hinawakan ko na lang ang kamay ni Tin para pasalamatan siya.
"Nakahiram kami" tuwang sabi ni Mike
"That's good" may hindi kaaya ayang pait sa boses ko, hindi ako natuwa sa tinuran ko pero kailangan namin sila para makuha namin ang mataas na grado.
"Uy nandito na pala kayo, oh heto nakuha ko na yung recipe natin.", Inabot niya ito sa akin at ako nama'y pinag aralan ang bawat isa nakasilip sa kanan ko si Tin
"So lahat na ba ay may kanya kanya nang kopya ng recipe? ooops oops sa teka muna bago ang lahat sabi ko sa instruction kasama sa 3 oras ang pag suot ng uniform. Lahat ng naka uniform pakitanggal muna. Wala pa akong hudyat na sinasabi." sita niya sa ibang lumabag sa rules feeling ko nasa reality game show kami kada may klase kami kay Mr Jacinto, gumagana naman kase mas na stretch din ang mga skills namin at mas pabor sa akin dahil mas madali sakin mag focus at maging competitive.
"Hanggat wala pa akong sinasabing hudyat bawal pa ang mag umpisa ok" paliwanag pa nito
Lumipas ang halos 10 minuto na nagsasalita at nagpapaliwanag lang si sir sa amin about sa recipe. Inaaddress nya din ang mga katanungan ng iba kong kaklase about technicality ng mga recipe, like procedure at san mabibili ito or ano magandang alternative. Nakikinig lamang ako ng mabuti habang nag uusap sa paligid ko sila Ken, Mike Tin at Clair. Excited ang lahat dahil busog na naman ang mga utak at tiyan namin nito.
Hanggang sa may pinapaliwanag si Sir about sa mga gulay
"Mas maganda kung madami ang gulay, Well green is GO" diin niya sa salita
"Kaso kailangan ay balanse ito sa pagkaing ihahanda ninyo patuloy pa nito
Naka focus ang mga nakikinig sa kanya sa pinapaliwanag niya, masyado niya na kaming naaliw sa dami ng paliwanang na wala man lang sa amin ata ang nakapansin na may hudyat na sia ng pag sisimula. Tumingin ako sa oras saktong alas nuebe na ng umaga kung tama ang hinuha ko isinasakto ni sir sa lunch time ang pagtapos namin which is 12 ng tanghali.
"Kinalabit ko si Ken na akala ko ay hindi naka focus kay sir yun pala ay nag hihintay lang din ito ng hudyat." Magaling si Ken dumama sa paligid grabe nabibilib na ko sa kanya.
Tumango ako at ganun din siya, nagkaintindihan na kami sa senyas na iyon. Sinukbit ko ng dahan dahan ang bat ko at hinawakan ang bag ni Tin.
Hinatak ko si Tin na sa mga oras na iyon ay busy pa kakadaldal. Si Ken naman ay kay Mike.
"Huh bakit!? teka, wait lang bag ko" Pagtataka ni Tin
"Sssshh" pagpigil ko ngunit huli na
"Tara na may Go signal na si Sir" paliwanag ko kay Tin
Halos lahat ng ulo ay nagtinginan sa lugar namin iba ay naghanda na samantala ang iba naman ay naguguluhan. Magaling ang pagkakatago ni sir sa Go signal niya walang nakapansin na nagsignal na ito
Kumaripas kami ng takbo nila Tin papuntang labasan ng kitchen.
"GREEN IS GO" sigaw ni Ken sa likod namin.
Sa sinabi niyang iyon tsaka lang narealize ng karamihan sa amin na umpisa na nang 3hours. Nagsikaripas din ang mga kaklase namin. Buti na lang ay malapit dito ang Gym kaya maipagsasabay na namin ang paghanda sa sasakyan at pagkuha ni Ken at Mike sa uniform nila.
Patuloy ang pagtakbo namin patungong sasakyan nila Tin at Clair. Pinahiwalay ko na sila Ken para makuha nila agad ang uniform nila at sasalubungin na lang namin sila.
"Dali mag damit na palit na kayong dalawa habang wala pa yung mga lalake para madali na sa atin mamaya" utos ko sa dalawa.
In-unlock ko ang kotse para mabuksan nila ako naman ay tumungo sa likod para kunin ang uniform ko.
Pagkakuha ko ng uniform patakbo na kong pumasok sa kotse, nag susuot padin ang dalawa sa likod ko.
"Start ko na ah" paalala ko sa dalawa
"Wait,-
Hindi ko na alam kung sino ang nagsalita dali kong inapakan ang accelerator ng kotse. Bago pa man kami dumating sa meeting place ay tapos na ang dalawa sa pag bihis. Nakita ko na ang dalawa sa unahan. pinarada ko sa tapat nila ang kotse at dali naman itong nagsipasok nasa likod ko si Ken kasunod biya si Tin at si Clair tapos sa tabi ko si Mike.
"Ken, Mike makakapag palit ba kayo dito sa kotse? Well wala naman kayong choice magpalit na kayo."
"Clair, Tin pikit kung ayaw niyo makakita ng nag uumbukang mga bato" Napadila ako sa labi sa tinuran ko.
Nang pumikit na ang dalawa nag umpisa nang nagpalit si Mike at Ken. Buti na lang ay mejo may build up ng traffic kaya nasubaybayan ko ang mga nagagandahan nilang mga katawan. Hindi pa ito yung mga nakikita mo sa TV na six pack abs talaga ngunit makikita mo na may resulta ang training nila sa kanya kanyang sports. Napakagat ako sa labi sa mga umiikot na imahe sa aking isipan. Pilit kong pinigilan ang aking sarili na matukso subalit ako'y huli na. Napatitig ako sa katawan Mike habang isinusuot niya ang pang itaas. Isinunod niya naman ang kanyang pambaba, napahigop ako ng hangin sa kaba. Pinagpapawisan ako sa mga nang yayari. Pagbaba niya ng kanyang pantalon ay nakaboxers brief ito gayunpaman ay nasaksihan ng aking dalawang mata ang natutulog niyang pag aari na kahit ito ay nasa ganong estado ay nakabakat parin ito sa tela ng kanyang panloob.
Huminga ako ng malalim at itinuon ang sarili sa kakagreen lang na stop light. Mabuti na lang at nasa timing ang stop light na ito kundi nasakmal ko ang dalawang ito ng wala sa oras.
"Ok na kami, tapos na" sabi ni Ken.
"Mabuti oh ako naman. Mike paki hawak ang manibela" Binitawan ko ang manibela at tarantang hinawakan ito ni Mike ng kanyang kanang kamay. Napangisi ako sa mukha niya.
Inuna ko na muna ang pantalon ko. Ibinaba ko ang aking pantalon habang naka tingin sa kalsada dahil ako parin ang nakaapak sa accelerator at break. Binilisan ko ang palit. Isinuot ko na ang aking pantalon, ako ay bumaling sa aking kaliwa para ayusin gayundin pakanan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumapat ang mukha ko sa leeg ni Mike. Nalanghap ko nanaman ang lalaki niyang amoy na may halong pabango. Rumagasa ang laway ko sa nangyari. 'Hindi ito ang tamang oras para diyan.' Pilit ko sa aking sarili.
Ang pang itaas naman, mas madali ito ng di hamak sa pantalon na kailangan pang lumiyad para maaus ng mabuti. Mabilis ko na lang naisuot ito at binawi ang manibela kay Mike.
"Ako na" tapik sa kamay nito
Kailangan naming mag double time sa mga gagawin namin. Gusto kong makuha namin ang 100 points na yun dahil malaking advantage yun sa mga ibibigay na grades ng panel taster naminbmamaya
"So what is our plan?" tanong ni Tin
"Ganito pagdating natin sa mall disperse agad" pag umpisa ko
"Ken ano yung mga nasa recipe?" tumingin ako saglit sa rear mirror at pinag hiwa hiwalay nila ang recipe.
"Sa appetizers we have here Cornedbeef Quesadillas, Pigs in a blanket tapos Beef and onion canapes."
"Cancel out na yung Pigs in a blanket dahil bake pa yan... kailangan nakafocus ang bake sa dessert if ever" Komento ko
"Kung ako tatanungin mas madali ang Beef and onion canapes mukha lang siyang kumplikado pero madali lang siya gumagawa niyan si kuya pag may party sa bahay Baguette lang yan na slightly toasted tapos topings un na." Paliwanang ni Tin.
"Nice Tin," pag puri ni Ken dito
"Ok go na sa Canapes next."
"Sa Soup?"
"Chicken and egg soup, tomato soup tyaka mushroom soup." boses ni clair ang narinig ko.
"Lets go with mushrooms, lets make it look simple. Salad?"
"Caesar Salad, Tuna and Greens tapos, ito Bistro Bacon Salad na lang since may may baguette tayo sa appetizer magagamit din natin dito yun." Suggest ni Tin
"Ok sige,"
"Mike ano yang sayo?" tanong ko
"Main course eh, Grilled Tilapia in Mango Salsa tyaka Salted Egg Prawn at Buttered Chicken. Sa red meat naman Beef Brocolli, Beef Salpicao tapos sweet and sour Pork." Napaisip ako ng matagal sa mga pagpipilian...
"Pwede mag suggest" sabi ni Ken
"Sigi anu yun Ken" sabik na sabi ni Tin dito
"May Canape na at salad na may baguette di kaya sa umpisa palang nakakabusog na ang putahe natin why not mag Caesar salad na lang tayo instead or yung may bacon. tapos sa main Course mag Grilled Tilapia tayo at Salpicao. I have here pasta options, Carbonara, Aglio Olio at Pasta Puttanesca heavy rin ang mga ito pero based sa mga napili natin perfect fit ang Puttanesca sa flavor profile dahil may pop ng alat dahil sa dilis.
"Pakisulat nga Tin. Sa appetizers meron tayong Canape tapos Soup, Mushrooms tapos-
"Caesar salad, Puttanesca naman sa Pasta, Main course yung tilapia at salpicao dessert na lang" patuloy ni Tin na excited sa Dessert.
"Tin ikaw na bahala jan" sabi ko sa kanya
"Ito napili ko, Lemon Lime Cheesecake. Kase dun sa mga dishes na gagawin natin puro maalat so i think yung konting asim at tamis ng cheesecake is a good choice to end their meal."
"Mike and Clair kayo na sa Salad at Pasta pakisabay na din ang mushroon soup, idagdag mo ito sa recipe kailangan ko yan."
"Thyme, Enoki at shitake mushrooms?" Nagtatakang tanong ni Mike
"Yes, Tin at Ken kayo na sa Main course, ako nang bahala sa dessert at Appetizers daan na din ako sa liquor shop nila sa mall may kailangan kase ako na ingredients dun."
"Sigi kami na bahala dito Lax" sabik na sabi ni Tin.
"Any concerns?
"Ganito na din ba division natin sa kitchen mamaya?" tanong ni Clair
"Hindi pag iisipan ko pa."
"Ay ganun?" nakita ko sa rear mirror ang pag irita nito.
"Wag ka na nga mag inarte diyan, as if naman may naitulong ka samantalang ikaw pa nagiging problema namin sa grupo. Ilugar mo pagiging bratinela mo sakin makakatikim ka sakin." Bago pa man ako nakapag salita nauna na si Tin, Ang matinis nitong boses sa wakas ay nagkasaysay din. Napangisi ako sa tinuran niya.
"Eh kase gusto ko-"
"Oo gusto mo gusto mo, hindi pwedeng gusto mo masusunod kase grupo tayo dito, practicum to at hindi landian." sabat uli ni Tin.
Tumahimik na lang si Clair sa tabi, nagpatuloy na tahimik si Clair habang si Mike naman at si Tin ay pinaplano kung ano uunahin nila sa pag grocery.
Di kalaunan ay nakarating na kami sa Mall. Bumaba agad kami ng kotse lahat nakasuot ng chef uniform.
Patakbo kaming pumunta sa Supermarket.
"Oh alam niyo na gagawin niyo" sa oras na nakarating kami sa grocery nagkanya-kanya na kami. Sa tantya ko dahil naka dibisyon ang gawain naming lahat mas mapapadali ang pamimili namin.
Mabilis akong natapos at nakuha angbmga kaikangan sa gagawin kong drinks, at sa nakatoka saking ingredients. Sa inaasahang pagkakataon sunod sunod na silang nag datingang mula sa pamimili. Napagusapan din namin na sa counter na kami mag hihintay para isang bayaran na lang. Nagkasundo din kami na gagamitin ko muna pansamantala ang savings card ko para mabayaran lahat ng pinamili namin at babayaran nila within a week.
"Kumain na muna tayo Lax gutom na gutom na ko." Sabi ni Mike. Namumutla na ito sa gutom dahil hindi pa siya kumakain simula kanina at ang huli niyang kinain ay yung sa mcdo kagabi pa.
"Sigi, pero habang nasa byahe." pag sang ayon ko
"Ken, pwede favor matakbo naman akobng kutsara oh para sa kotse na kayo kumain."
"Ok sigi, magsabay na din ako ng inumin." sabi ni Ken
Umalis na si Ken at habang kami ni Tin ay nasa counter. Pinakuha ko na kay Mike ang mga Bag namin sa package counter at salubungin na kami sa tapat ng counter na pagbabayaran namin ng pinamili.
"So ano yung sasabihin mo dapat kanina" pag usig muli ni Tin sa akin habang nag hihintay sa counter.
"Ah yun ba." napahinto ako saglit at inisip nang mabuti ang mga sasabihin ko sa kanya
"Magpapasalamat lang ako sa iyo atleast kahit papaano medyo maluwag sa pakiramdam ko na hindi ko kailangang maging kalkulado ang galaw ko pag kasama kita. Nakahinga ako ng mas magaan ng dahil sa sinabi mo kanina at nakatulong yun kahit papano dito sa groupings natin."
"Ang galing mo nga eh, Natutulala ako sa iyo pag nagsasalita ka na dahil ang bilis mo mag isip ng dapat gawin. Lahat lahat kalkulado, lahat may resulta na agad bago pa man natin magawa.
"Dahil din siguro nakasanayan ko na kalkulado galaw ko kung baga kasama na siya sa daily routine ko hanggang sa nakasanayan na. Tyaka maganda din na impluwensiya yung kakavideo games namin ni Mike nahahasa critical thinking ko at strategical skills dahil doon."
"Uuuy," pang aasar ni Tin
"Tss, wala" sagot ko
"Anong wala eh halos kulang na lang sakmalin mo sa leeg kanina si Mike" patuloy na pang aasar ni Tin. Putang babaeng to pati yun napansin niya. Walang nakakaligtas sa paningin ni Tin.
"Ah eh pasensiya na hahah" Hindi ko naikubli ang kilig ko sa mga sinabi nito
"Eh kayo ni Ken kamusta?"
"Huh? kami? wala namang namamagitan samin ni Ken." paliwanag ni Tin
"Siguro sayo wala pero mukhang may gusto sayo si Ken" Pinalo ako ni Tin sa balikat
"Oh bakit?" patawa kong tanong.
"May makarinig sayo" bulong nito habang nakatakip ang kamay sa bibig at lumingon lingon sa paligid
"Ken!" sigaw ko
"Huuuuuy!" ipit sa bulong ang kanyang boses kitang kita ko ang panlalaki ng mata ni Tin sa sinigaw ko sabay palo sa akin at may pagpadiyak pa ng paa sa sahig. Namumula na ito sa hiya.
"Bakit? tinawag ko lang ah" paliwanag ko. Nilakihan ako mata ni Tin sinyales na malapit na itong mapikon sa akin. Pilit kong pinigil ang aking tawa habang papalapit si Ken sa amin.
"Lax ok na ba ito?"
"Yup," Tumango ako "Ok na ba to sa iyo Tin?"
Nilakihan na naman ako mata ni Tin ngunit binawi niya din ito nang lumingon sa kanya si Ken. Bigla siyang ngumiti at tumango subalit ng pagbalik sa akin ng tingin ni Ken sumenyas si Tin ng Kamao at binulong sa hangin na 'mamaya kas sakin' Natawa na lang ako sa kanya. Hindibniya maitago ang kilig niya.
Natapos kami sa pamimili ng halos magkakalahating oras kagaya nang inaasahan ko. may natipid kaming kalahating oras sa pamimili. Ngayon kailangan na lang naming bilisan sa pagbalik.
Hope you guys like the typical adventure of our bida sa school niya kasama ang mga bago niyang mga kaibigan. sana makarelate kayo sa kiligan at artihan nung nag aaral pa kayo.
Share niyo sa comment kung anong Kilig at Artihan moments ang naranasan ninyo nung Nag aaral pa kayo