Kabanata Lima : Plan B

2301 Words
Natapos kami sa pamimili ng halos magkakalahating oras kagaya nang inaasahan ko. may natipid kaming kalahating oras sa pamimili. Ngayon kailangan na lang naming bilisan sa pagbalik. ------------------------------------------------------------------------ Pagkatapos naming mabayaran ang lahat ng pinamili namin agad na kaming ng bumalik sa kotse. Inilagay namin sa compartment sa likod ang lahat nang ito. Kinuha ko na din ang pinadalang pagkain ni mama sa amin. "Oh eto na yung food na pinadala ni mama kanina" iniabot ko kay Mike ang mga lalagyanan parang bata itong sabik na sabik sa paboritong pagkain. "Yey" sabi ni Mike Ganyan siya sa tuwing pinagluluto siya ni mama nang pagkain parang bata kaya tuwang tuwa si mama sa kanya dahil madami itong kumain at gustong gusto niya ang fried rice ni mama "Parang bata naman to" pagpuna ni Tin "Hayaan niyo na ganyan talaga yan sa tuwing pinagluluto ni mama paminsan napapaisip na nga ako lumayas kaya ako sa bahay" Kinaldag ako ako ni Mike sa mga sinabi ko. Pumasok na kami sa kotse at nagsimula na kaming bumyahe uli. Habang nasa kalsada kami sinabay na din namin ang pagkain sa pinabaon ni mama. "Kaya naman pala ganito reaksyon ni Mike eh kasi masarap talaga" pagpuri ni Ken. "Yup, pero OA lang naman si Mike." pag kontra ni Tin. Tahimik sa tabi kong kumakain si Mike ganun din si Clair. Ako naman ay nakatuon ang tingin sa kalsada paminsan minsan ay tumitingin sa rear mirror mukhang nasarapan naman sila sa luto ni mama. "Here" sumilip ako sa aking kanan at nakita ko ang kutsarang may sinangag. "Alam ko gutom ka na din" Pag yaya ni Ken "Hindi ok lang ako" sabi ko "Hindi, kailangan mo ito matagal pa tayo, hindi ka na makakakain mamaya." Pilit pa ni Ken "Dali na nakakangawit oh" ngumanga ko at isinubo sa akin ni Ken ang kutsara doon ko lang narealize na gutom ako. Sigi nang abot sa akin si Ken ng pagkain, wala naman akong panghihinayang dito. Ang sweet niya nga eh. Kung hindi lang dahil kay Tin nako landiin ko din tong si Ken. lagi pa siyang andiyan pagkasama namin siya handang tumulong. Nasulyapan kong nakatingin si Mike sa pagsubo sa akin ni Ken. Ngunit bigla itong bumalik kay Clair at ang sweet nilang nag susubuan ng pagkain. Nawalan ako ng gana sa aking nakita "Eto pa Lax" sabi ni Ken "Ok na Ken, salamat busog na ko" sabi ko "Dali na last na" pag aya pa nito "Muli, tumingin ako kay Mike. Nasulyapan ko ang selos sa kanyang mga mata ngunit binalewala ko iyon dahil imposibleng mangyari ang mga ganoon reaksyon sa kanya. Konting saglit pa ay nakarating na kami sa school. Tumakbo agad kami sa laboratory para ayusin ang mga dapat ayusin para sa gagawin naming pagluluto. Importante ang Mis en Place dahil maayos namin ang pagkakasunod sunod ng mahirap gawin sa madali lang. "Woah wala pa sila?" pagkagulat ni Mike "Yeah!" sabi ni Mike bigla itong umakbay sa akin at nag fistbump kaming dalawa sa saya. "Clair, Tin simulan na magbalat at mag hiwa ng mga kailangan. Mike tulungan mo si Ken, pakukuan niyo na agad ang mga dapat pakuluan para malasa na ang broth natin agad" Nag Ok lang sila sakin "Game" sabi ko Hiniwalay ko na lahat ng kailangan ko para sa appetizers at drinks gayun din ang mga gulay para sa salad. Si Ken Mike naman ang bahala sa 2 main course. Si Clair naman ay pinatulong ko sa paghihiwa ng kailangan nila Mike at Ken. Kasama ko sa cold kitchen si Tin para gawin niya ang dessert namin Maganda ang naging strategy namin. Lamang na kami sa oras at nasosolo pa namin ang kitchen. Tanging mga kalansing ng bakal na gamit at paghihiwa ang naririnig sa aming dalawa ni Tin. Parehas kaming busy sa kanya kanyang mga gawain Inuna ko na ang salad since ito ang madali sa lahat nilagay ko na agad ito sa ref para lumamig ang mga gulay, sa appetizer naman ang isinunod ko. Ipinaluto ko kay Ken ang mga kailangan sa Canape. para assembling nalang ako "Lax, heto na yung pinaluto mo" napahinto ako sa pag hihiwa ng tinapay nang marinig ko ang boses na tumawag sa akin. Si Mike "Oh! salamat ng madami" agad kong kinuha ang mga ito sa kamay ni Mike. Ngumiti lang ako "Ok, ahm" narinig kong may sasabihin pa si Mike "Yes" lumingon akong muli sa kanya "Ah wala, wala" sagot ni Mike "Ah ok, pakigawa na yung noodles para sa pasta ah." utos ko sa kanya "Nakasalang na dun sa kaldero kung san pinakukuluan ang broth" sabi ni Mike "Ah good, good kung ganoon" "Naayos na din namin lahat ng mga kailangan para sa pasta" "Ok, Mike salamat" Umalis na ito ngunit nasulyapan kong nagkamot ito ng ulo habang papaalis "Ano problema nun" puna ni Tin "Di ko alam" sagot ko "Kamusta yang ginagawa mo?" "Assemble na lang ito Tin makakatulong na ko sa labas, ay gagawin ko pa pala yung drinks natin." "Ah sigi, una na ko sa labas para mabake ko na tong cheesecake natin tutulong na din ako sa kanila dun." sabi ni Tin "Geh" Tamang tama ito hehe solo ko ang cold kitchen Kinuha ko ang 2 bote sa bag ko at ang aking shaker at nagsimula na ko. Dumungaw ako sa labas at mukhang busy silang lahat sa kani kanilang ginagawa. Nagbubo ako ng tequila at pineapple juice sa bote at nag simula na akong nag patugtog ng up beat na tugtog mula sa cellphone ko Sumayaw ako sa ritmo ng tugtugin. Inihagis pinasirko ang mga bote sa aking kamay, umikot ikot at pinaikot ikot ang mga ito sa aking mga daliri at braso. Ang shaker naman ay pinuno ko nang yelo at ibinuhos ang laman ng aking mga bote rito. Inalog pinaikot, inihagis at tsaka ko ibinuhos ang laman sa margarita glass na may asin sa labi at dayap bilang garnish. Nang natapos ako sa aking pag flairtending muli akong sumulyap sa labas, laking gulat ko na ang kalahati sa aming klase ay naka dungaw sa akin. Namamangha at nakatulala sa akin. Sa sobrang gulat ko napayuko ako sa hiya at alam kong namumula ako dahil mainit ang aking mukha "And that's our school finest flairtender Lakan." Nakita ko si Mr Jacinto sa likod ng aking mga kaklase, nakangiti at proud na proud sa akin. Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay napuno ng palakpakan at hiyawan ang buong kwarto. 'Nakakahiya grabe' sabi ko sa sarili ko Lumapit sa akin si Mr Jacinto at tinapik tapik ang aking balikat tanda ng kanyang paghanga "Keep it up, good job Lakan" papuri mula kay Mr Jacinto Tumingala ako sa kanya at nagpasalamat, napakamot ako ng ulo sa hiya "Ok class get bact to work" Naghihintay na ang panel sa mga ipapatikim ninyo sa kanila Nagmadali na ang mga grupong sumunod sa amin habang ako naman ay sinuri ang mga ginagawa ng aking mga kagrupo. Lumapit ako kay Tina upang kamustahin ang kanyang dessert. "Laxy!" Sigaw nito huni ang kanyang matinis na boses "Grabe ka sobrang galing mo dun" "Ah hehe wala yun, kamusta na nga pala ang dessert mo?" tanong ko sa kanya "Malapit na yun tapos gagarnishan na lang then plating na pero dumito na muna ako kay Ken para tumulong, Ok lang ba yun? "Ah yup mabuti nga yun para mabilis na tayo, Anyways here" iniabot ko aa kanya ang isang glass ng aking ginawa. Kinuha niya ito ngunit halata sa kanyang mukha ang tanong kung ano ba ang binigay ko sa kaniya. "Tikman mo dali" "Luh!, ang sarap pero may nalalasahan akong alak, Ok lang ba yun? diba bawal yun? Ken dali tikman mo. "Anu yan?" tanong ni Ken "Basta tikman mo na lang" pangungulit ni Tin. Tumikim naman si Ken. "Ang sarap nito pano mo to ginawa?" "Si Lax gumawa niyan" sabi ni Tin "Lax, for sure pag aagawan ka ng mga bars at hotel pag naka graduate tayo" sabi ni Ken "Hala grabe, hindi naman siguro" hiya kong tugon "Hay nako Laxy alam mo magaling ka at nakikita namin yun im sure magiging magaling ka sa mapipili mo na work after natin grumaduate" siging pagpapalakas ng loob ko ni Tin. "Ano nga pala yan?" tanong ni Ken "Ah original na timpla ko yan, binabalak ko ilaban sa susunod na competition" "Pero bawal ang alak diba?" tanong ni Ken tumango lamang sa tabi si Tin "Madali lang yan, mamaya makikita niyo. Nasan na nga pala yung dalawa ok na ba yung sauce at noodles?" tanong ko "Ayun oh" turo ni Tin lumingon ako at ramdam ko ang bumubulusok na irita sa aking dibdib ngunit pinigilan ko ito. Nakita ko ang dalawang nah haharutan habang ang lahat ay gumagalaw. Kinalma ko ang aking sarili at lumapit sa dalawa. "Hi, Kamusta na nga pala yung pinapagawa ko sa inyo?" Sarkastiko kong tanong. "Ah hinihintay na lang namin yung noodles na maluto" May kaba sa boses ni Mike "Talaga? hindi bat may oras tayong hinahabol bakit nakukuha niyo pang maglandian eh kung tinutulungan niyo yung iba para matapos na agad marami pang gagawin dun sa station ni Ken oh "Teka lang hindi ba sinabi na namin na hinihintay namin maluto ang noodles ano ba naman na magpahinga lang kami sandali" sabat ni Clair "Yan ba gusto mo? ok sigi pagpapahingahin kita habambuhay pag hindi ko nakuha ang gusto ko sa practicum na ito, nagkakaintindihan tayo?" Pumagitna na sa amin si Mike at pilit idinidistansiya ako kay Clair ramdam ko ang kamay niya na dumadampi sa aking dibdib ramdam ko din ang nginig at takot nito. "Bahala ka na sa gusto mong gawin. Lider ka namin responsibilidad mo naman yan" Nag pumamewang si Clair na siyang lalong pinag init ng ulo ko "Babe!" pagpigil ni Mike. Umiling ito habang nakatitig kay Clair. Sa lahat ng tao dito si Mike palang ang nakakita at nakaranas pag ako ay nagalit alam din nito na sigurado ako sa mga gagawin kong hakbang para magawa ko at ipamukha sa taong gumalit sa akin na mali na kinalaban ako. "Mike huli na, hindi na ko magpipigil sa bruhang yan, pasensyahan na lang tayo Mike damay ka dito." pagbanta ko sa kanila "Lakan naman" pakiusap ni Mike. Hindi konna mapigilan ang galit, irita at selos sa aking dibdib ay bigla na lang itong sumabog. Nagiinit ang aking tenga sa mga sinambit ni Clair kanina lamang "Tin, paki check ang pasta noodles, make sure its Al Dente" utos ko kay Tin. Nagmadali naman ito at sinuri ang noodles "Lax malabsa na ito" sabi ni Tin "See!" nag uumapaw ang galit ko sa dalawa "Tignan niyo ang ginawa niyong kapabayaan? basura na yan nag aaksaya kayo ng panahon at pagkain para lang makapaglandian kayong dalawa? ilugar niyo naman." Lumapit sa akin si Tin at hinagod ang aking likod para ako'y mapakalma. "Lax, Look Im so sor-" Tinaas ko ang kamay ko na hudyat na tama na. Pinigil ko ang papalapit na mga kamay ni Mike na alm kong magpapahina lamang sa akin. "Wag mo kong hahawakan" Pumikit ako ng matagal at huminga ng malalim. "Lax?" pagmamakaawa ni Mike "Alam mo kung ano kahahantungan ng mga ginawa mo Mike" nakatitig lamang ako sa kanyang mapushaw na luntiang mga mata. Maging ito ay naging walang bisa sa nararamdaman ko ngayon. "Ken, Tin, proceed to Plan B hindi na natin kailangan ang dalawang basurang ito sa grupo natin. Ikaw babae lumayas ka na dito hindi ka na namin kailangan dito nagpapasikip ka lang dito." Mga sinambit ko habang nakatitig sa mga mata ni Mike "Ikaw, pagtawag ko kay Mike na aakmang susundan si Clair papaalis "Hindi pa ko tapos sayo, Oh" ibinato ko ang debit card ko at ang susi ng kotse sa kanya. Bumalik ako sa aking grupo, pumalakpak ako para makuha ang atensyon ng aking mga kagrupo "Trash the pasta, magpakulo na agad agad at ikaw gamitin mo yang card at susi para makabiki nh bagong noodles and dumaan ka na din sa SB bilan mo ako ng cafe mocha double shot" ni hindi ko na kayang sabihin ang kanyang pangalan sa sobrang galit "Mocha for wh-" tanong ni Mike "Wag na maraming tanong alis na" Sigaw ko kay Mike. Nagmadali naman itong umalis, nakita ko din na nilagpasan niya si Clair na tila hindi sila magkakilala, nakaramdam ako ng tuwa sa aking nakita "Ang bagal naman Clair kanina ka pa pinapaalis diba. Wala ka nang kwenta dito mag hanap ka na din ng grupong sasalihan mo. Tumalikof akonat tinulungan na si Tin at Ken Naging abala ang mga sumunod na pangyayari sa Kitchen. Sinubukan naming ihabol ang pasta sauce at buti na lang ay natapos ko na din ang appetizer, salad at beverage pinapakulo na lang ng konti pa ang sabay pero pwede na rin naman ito gusto ko lang makuha ang mga lasa na maari pang makuha. Dumating na si Mike di kalaunan "Heto" sabi ni Mike habang kami ay abala sa pagplating "Yung pasta noodles at coffee mo" Hingal at hapo ang bumungad sa aking mukha ni Mike, binalewala ko iyon. Kinuha ko ang cafe mocha at inihagis kay Ken ang pasta upang lutuin na ito. "Cook it now!" hindi ko na marinig sa aking boses ang pakiusap sa halip ito ay naging purong utos. "Now Mike get out" "Huh? ano? bakit? tanong ni Mike "Umalis ka na lang bago pa ko mairita lalo sayo" Alam kong lumalagpas na ako sa naratapat pero kung ito lang ang mabisang paraan para maisalba ko ang grupo ko at pinag hirapan namin gagawin ko. Bumalik ako sa pag tulong sa dalawa, naging mabisa ang Plan B na ipinlano na namin bago pa mag umpisa ang practicum. Humigop ako ng kape at talaga namang hindi rin ako binigo nito na pakalmahin. ~~~~~~~~~~~~~~~ Salamat po sa pagbasa, End of Chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD