Matapos matanggap ang balitang naaksidente si Dark, ay tinawagan na rin ni Manang Belen ang mga magulang ni Dark. Mabilis nagpabook ng flight ang mga ito pabalik ng Pilipinas. Nang magkamalay si Samantha, ay mabilis silang nagpunta sa ospital kung saan dinala si Dark. Kasama niya si Manang Belen at Leah. Nadatnan naman nila sa labas ng operating room si Hazel at ang manager ni Jeana na si Alexis, na ipinakilala naman sakanya. Dahil sa pagtataka kung anong meron, bakit magkasama ang dalawa, ay ipinaliwanag ni Hazel ang lahat sakanya. Mula sa pagkakakilala ni Dark at Jeana hanggang sa mga oras na iyon. Hindi maipagkakaila na nagselos siya kay Jeana, kahit hindi pa niya alam ang kalagayan nito at ng asawa sa loob ng operating room. Iniisip ni Samantha paano kung, bumalik ang pagmamahal n

