Hindi malaman ng magulang ni Dark, kung paanong hindi nito kilala si Samantha. Gayong lahat naman sila ay kilala nito. "Anak ok ka lang ba talaga? Nakikilala mo ba kami?" Patatlong tanong na ni Mommy Donna sakanya. "Ano bang klaseng tanong iyan mommy, ano ako bata? Syempre kilala ko sayo. Si daddy, ikaw mommy, si Manang Haze." Sambit ni Dark habang itinuturo sila isa isa, at nakangising nang-aasar nag matapat kay Hazel, dahil alam niyang asar na asar ito sa tawag niyang manang dito. "Pero hindi ko talaga mommy kilala kung sino s'ya. Bagong katulong ka ba sa bahay?" Tanong pa ni Dark kay Samantha na lalong ikinapigil ng pag-iyak nito. "Y-yes sir, ako po naiiwan dito pag umaalis po si Ms. Hazel, at sina Mr. and Mrs. Monreal ako po nagbabantay sa inyo." Nakangiting sagot ni Samantha, kahi

