Masakit man para kay Samantha, ang mga nangyayari ay tinitiis pa rin niya na makitang palaging magkasama si Jeana at Dark. Makalipas lamang ang isang buwan, mula ng makalabas ng ospital, ay natuloy na ang naudlot na photoshoot, para sa resorts. Palagi pa ring magkasama at hindi naghihiwalay ang dalawa. Masakit man, ang nakikita, pero pinanindigan ni Samantha ang pagiging katulong. "Samantha, pakidalahan naman si ma'am Jeana mo ng meryenda sa may garden." Utos ni Dark sakanya na hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin. Kahit medyo masama ang pakiramdam ay pinilit pa rin ni Samantha ang utos ni Dark, ng mapansin siya ni Leah. "Sam, ok ka lang? Mukhang masama ang pakiramdam mo. Ako na lang ang gagawa magpahinga ka muna." "I'm ok Leah, wag mo akong alalahanin." Wala ng nagawa si Le

