Chapter 16 ANGELA POV “Mom, nireregla ka pa ba? Sino naman ang bubuntis sa’yo? bakit mo naman nasabi ‘yan?” Natulala ako sa pagkagulat nang biglang sumabat si Jun. Hindi ko napansin na naka-uwi na pala siya. Nakakahiya ang sinabi ko. Siguradong tatadtarin na naman ako ng pang-aasar nitong bunso ko. “Mom? Buntis ka? Kebarbaridad! Ke-horor! Muchas grasyas! Marimar! What the F*ck! May asim ka pa? Eh mapakla ka na!” Napa pikit na lang ako. Nagsimula na nga siyang mang-asar. “Mom, seryoso—” Napadilat ako nang ramdam kong seryoso na nga siya. “May boyfriend ka na ba?” “No! wala , of course wala—” agad kong sabi pero sa isip ko eh ‘wala pa pero malapit na’. “Mommy…” Kumabog ang dibdib ko nang sambitin ni Jun ang ‘mommy’ na seryoso. Kasi naman bihira lang talaga ang bunso ko na magsery

