Chapter 15 JUN POV “Ako na lang ang kainin mo, Claire.” Seryoso ko yun sinabi habang naka titig sa mga labi ni Claire. Napa pikit siya at parang pinigil ang kanyang pag hinga. “Thank you Jun sa pag hatid, bababa na ‘ko,” nauutal niyang sabi at napa-hawak siya ng mahigpit sa aking braso. Napayuko ako, pilit na iniwas ang tingin mula kay Claire nang muli niyang minulat ang mga mata niya. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse, habang ang malamig na hangin mula sa aircon ay parang sinasadya pang idagdag sa tensyon sa pagitan namin. Naririnig ko lang ang mahinang tunog ng makina, kasabay ng tunog ng mga sasakyang dumaraan sa labas. Ang awkward ng atmosphere, at pakiramdam ko, ramdam din ni Claire iyon. “Aswang ka talaga. Bilisan mo, baka dito ka pa mag palit ng anyo,” sabi ko ng s

