Chapter 14 JUN POV Hindi ko akalain na ang babaeng tinulungan ko, na siya ring dahilan kung bakit ako napa-trobol noong first day ay makikita ko pala sa classroom namin at magiging kaklase ko pa. “Claire,”sambit ko na halos pabulong dahil sa pagkagulat. Mabuti at maginoo si Jin at naisipan niyang tumayo at lumipat ng upuan para makatabi ko si Claire. Sa tingin ko ay magkakilala sila. Ang nakakagulat pa dahil nang lumabas si Sir Eman para mag CR, naunahan ako ni Jin na kausapin si Claire. “Claire, sabay na tayong mag lunch sa cafeteria. May dala akong extra baon,” narinig kong sabi ni Jin. Langhiya! Kaya pala ang agang nagising para magluto at may pabaon pang nalalaman. Bakit? Gusto niya ba si Claire? Paano sila nagkakilala? Knowing my twin, wala siyang hilig sa bebot. Ang mga trip

