Chapter 12 JIN POV Maaga pa lang, gising na ako. Kakaiba ang sigla ko ngayong araw, parang masyado akong excited pumasok sa Gaudin Univ. Siguro dahil may kakaibang lakas ng loob akong nararamdaman ngayon. I woke up early just to prepare breakfast for my mom and twin, hindi lang para sa kanila actually, para rin sa isang babae na nakilala ko kahapon. Habang sini-simmer ko ang beef strips at nilalaga ang egg, naalala ko ang babaeng bago kong nakilala. She was so timid and sad. Parang pareho kami ng pinagdadaanan. Parang tahimik ang mundo kapag nasa tabi ko siya. May misteryo sa kanyang mga mata, parang nagkukubli siya ng sakit na ayaw niyang ipakita kahit kanino. Siguro dahil pareho kami ng nararamdaman nang mga oras na yun kaya nagka-unawaan agad kami. Para sa kanya ang niluto ko. Nan

