Chapter 11 ANGELA POV “Good morning Angela.” “G-ood m-morning Dr. Nick,” nauutal kong bati kay Nick Gaudin dahil hindi ko inaasahan na tototohanin niya ang pag bisita niya sa akin sa hindi inaasahan na oras. ‘P-pasok po kayo–” Ngumiti lang si Nick at pumasok na nga sa loob. Napansin ko ang kamay niya ay may hawak na bouquet of Tulips at maliit na box ng cheesecake. Hindi ako makapaniwala talaga, pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkadalaga. Wala kasing naglakas ng loob na manligaw sa akin dito mismo sa bahay. Kaya medyo wala pa ako sa sarili at ninanamnam ko pa ang pakiramdam ng binigyan ng flowers at cake galing sa manliligaw. “Please have a seat po, Dr. Nick.” Ginabayan ko siya sa loob ng bahay at pinaupo sa mahabang sofa sa sala. “Ano pong gusto niyong inumin Dok–” Hinabl

