Chapter 10 ANGELA POV Angela, hindi na ako magpapaligoy pa, I miss you so much. Pwede ba kitang ligawan?” “Syempre, Dok.” Napatapik ako ng noo nang bigla kong sinagot ng ganun si Dr. Nick. Nakaka-inis ang pagiging easy to get ko. Ang sabi ko pa naman sa sarili ko ay naka move on na ako sa kanya. Hindi pa pala. Sino ba kasing babae ang makaka-get over kung ganung bungad agad ang maririnig mo? Hindi na nga siya nag paligoy ligoy pa. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Nabigla lang ako pero hindi pa talaga buo ang loob ko na magpaligaw. Thank you Angela. Can I visit you diyan sa bahay mo bukas? Bumilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay isa akong dalaga na first time na liligawan. Ah Dok… Nabigla lang ako… Napa buntong hininga ako, buti naman at inamin ko. Pareho kaming natigila

