Biglang lumiwanag ang kalangitan!
Nasa rooftop ako ng bahay sa mga oras na yun. Nanunuod ako ng Pokemon Episode sa aking cellphone. Bigla akong napatigil at nakatingin ngayon sa kalangitan na nagmistulang umaga dahil sa liwanang na kumakalat.
Pagkatapos ng liwanang na iyon ay sumunod kong nakita ang sandamakmak na, hindi ko mawari kung mga shooting star ba.
Wow! Ibat ibang kulay yun na nagmistulang mga fireworks na pabulusok sa ibat ibang direksyon.
Anong nangyayari? Tototoo ba itong nakikita ko? Hindi talaga ako makapaniwala, kaylan pa naganap ang ganitong Phenomenon. Mahilig ako sa Science lalo na sa Astronomy. Pero ngayon ko palang nakita ang ganitong bagay!
Kakaiba ito..
Unti-unting naglalaho ang mga tila kometang may taglay na ibat-ibang kulay. Nagsipuntahan ito sa ibat ibang lugar. Trip lang kaya ang mga ito?
Gawa ba ito ng mga Chemist sa Pilipinas? Uri ba yun ng isang modernong Pailaw? Siguro nga, malapit na kase mag Pasko at Bagong taon. Baka Iniindorso na nila ang bago nilang produkto. Actual Testing!
Hindi naglaon ay napuno ng ingay sa may kalsada, halos lahat ng tao ay naroroon at panay kwentuhan, kita sa mga mukha nito ang pagkamangha. Inilapag ko muna yung cellphone sa sahig upang pagmasdan ang kanilang pinag-uusapan.
Wala akong madinig, masyadong malayo sila sa kinatutuntungan ko.
Mula sa itaas ay nagulat ako ng matanaw ko na si kuya na naglalakad, huminto ito sa may gilid ng poste at nagsindi ng sigarilyo. Kaylangan ko ng pumasok sa bahay baka mapagalitan niya nanaman ako.
Ganun lage si Kuya Andrew sa akin, lage siyang galit tuwing umuuwi sa bahay pagkagaling sa trabaho. Noon pa siya ganun sa akin, hindi ko naramdaman ang pagmamahal sa kanya bilang kuya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Ang pagkamuhing iyon ay lalong lumakas simula ng mawala ang aming mga magulang dahil sa isang car accident. Pareho naman kameng nawalan ng ina’t ama, pero parang siya lang ang lubos na nasaktan. Sinisisi niya kase ako sa nangyari.
Dapat nga daw ako nalang ang namatay. Kasama ako ng mga magulang ko ng maganap ang aksidente, tanging ako lang ang nabuhay. Hindi yun ikinatuwa ni kuya, ako talaga ang sinisisi niya.
Galing kase kame nun sa isang Pokemon Mascot Exhibit sa SMX, sa may Mall of Asia. Pinilit ko talaga si Mama at Papa na tumungo sa nasabing Event. Hindi ko kase kayang palampasin ang Event na yun. Lalo na’t may kinalaman sa paborito kong Cartoon Series.
Pero hindi ko naman alam na sa pag-uwe namin galing sa Event ay mangyayari ang kahindik-hindik na aksidente. Nawalan ng preno ang kotseng minamaneho ni Daddy.
At nagising nalang nga ako isang araw wala na ang mga magulang ko, halos isang Linggo daw akong nawalan ng malay. Hindi ko man lang nasilayan si Mama at Papa sa huling pagkakataon.
Sa araw rin na yun nagsimula ang kasamaan sa akin ni kuya.
Huminto siya sa kolehiyo at mas pinili nalang magtrabaho. Kahit galit si kuya sa akin, di rin naman niya ako pinababayaan kahit paano binibigyan niya naman ako ng pamasahe at kaylangan ko sa eskwela. Basta alam ko mahal din ako ng kuya ko.
Bago pa man si kuya matapos sa paninigarilyo ay pumasok na ako sa bahay. Tumungo na ako sa kusina at paghahandaan ko na si kuya ng makaka-in niya.
Naringig ko na yung pagbukas ng pinto.
“Tubig nga!!”, Pasigaw niyang utos. Kasunod ay naringig ko yung pagplakda ng kanyang katawan sa sofa.
Madali naman akong kumuha ng baso at pinalisan ko yun ng tubig mula sa water jug. Pagkatapos ay pumunta na agad ako sa sala. Nakabukas na yung T.V habang nakahiga si kuya sa sofa. “Ah kuya ito na po”, Naupo muna ito tsaka tumingin sa akin ng masama.
“Malamig ba yan?”. Inis na inis yung mukha niya.
“Ah kuya di po kase ako nakapaglagay ng tubig sa Ref”, Patay nanaman ako neto nakalimutan kong magrefill at maglagay sa ref ng tubig para palamigin.
“Takte naman! Anu bang ginagawa mo dito sa bahay aaa.. Puro nalang ata panunuod niyang walang kwentang pokemon yang inaatupag mo eh. Tandaan mo Ashton kaya kitang palayasin dito. Pabigat ka lang sakin! Wala ka pang naitutulong. Pati ba naman simpleng gawain dito sa bahay, di mo magawa.”
“Kuya Sorry po”, Di ako makatingin kay Kuya.
“Nakakabuysit yung dadating ka dito sa bahay galing sa pagod tapos ganito dadatnan mo. Bumili ka ng yelo..”, May dinukot ito sa bulsa niya. Bigla ay may itinapon siyang Isang Daan.
Tumalikod na nga ako at lalabas na sana ng muling magsalita si Kuya. “Anong ulam?”.Baka di niya nanaman magustuhan ang niluto ko, Sermon nanaman ako neto.
“Ginisang Sardinas po kuya na may itlog”. Yun lang kase meron ehh.
“Lintik pati ulam wala ring kwenta. Bilhan mo na rin ako ulam sa kanto”. Dugtong niya.
“Ah ano pong ulam?”
“Adobo. Bilisan mo!”
Lumabas na nga ako at nagmadaling pumunta sa tindahan, nandun parin yung mga tao sa labas at panay parin ang tsismisan. “Pre mga Alien ata yung mga yun..”, nadidinig kong kwentuhan nung mga isang kumpol ng kabataan sa gilid ng kalsada.
Alien?
Ano yun si Kokey? Doraemon? Oh di naman kaya ay si Wako-wako. Pero di rin naman imposible, pero parang malayo naman na mga alien yung liwanag na yun. For Sure Science lang yun ng Astronomy. Ooo tulad nung iniisip ko kanina mga likha ng Chemist.
Kaylangan ko ng maglakad, baka mainip yung masungit kong kuya. Una kong pinuntahan yung Karenderya, buti di pa ubos yung adobo, kaya naman nakabili ako ng isang Order.
Pagkatapos ay pumunta na ako sa tindahan ng Ice Tube, sa gawing palabas yun ng Street namin. Nakakatakot nga eh kase gabi na.
Naglalakad ako nun ng bigla akong natumba, Grabe nagulat ako sa nangyari sa akin, parang may malaking pwersa na sinadyang banggain ako. Tumalsik yung hawak kong plastik kung saan nakalagay yung adobo.
Sa pagkatumba ko ay nadinig kong may nagtatawanan. Mga tatlong lalaki ang mga iyon. Sa pagkatingin ko ay nakita ko ang pagmumukha ni Gary, gusto ko mang magalit pero diko kaya.
Ayaw kong magalit sa taong mahal ko. Di ko kaya, kahit gaano pa kabully sa akin si Gary ayus lang basta napapansin niya ako. Kaya kong magpakaCinderellong Martir para sa kanya.
“Ohh Asshy la’lampa lampa ka nanaman”, Si Gary na parang naawa kunwari yung mukha pero alam mo naman na natatawa siya. Kasama niya yung dalawa niyang pinsan. Pana’y parin ang ngisian nila..
“Ikaw pala Gary”, ako na tatayo na sana ng pigilan niya ako.
“Tulungan na kita”, Agad dumapo yung kamay niyang malambot sa kamay ko. Parang gusto kong tumili, unang beses niya palang itong ginawa sa akin. Humawak naman ako at binigay na sa kanya ang pag-alalay sa akin.
Unti-unti niya na akong inaangat hanggang sa parang lumulutang na ako sa saya. “Uhhhh!”, Aray! Binitiwan ni Gary yung kamay ko.
Natumba nanaman ako ulit. :
Pinagtripan niya nanaman ako. “Ayy Sorry Ashhy dumulas tong kamay ko ee, tayo ka nalang diyan mag-isa kaya mo naman eh”, Ramdam ko na pinaplaplanuhan niya ang ginagawa niya. Nakaka-inis man pero ayus lang. Tumayo nalang ako mag-isa at pinulot ang ulam na tumalsik, buti hindi nabutas.
“Sige mauna na ako”, Paalam ko sa kanya.
“Teka lang, baka galit ka na niyan sa akin”, lumapit ito sa akin payakap ng bahagya. Lage siyang ganto sa akin pag may kaylangan siya. Minsan nga nahihiya ako sa iba baka isipin nia kung may something sa aming dalawa. Pero wish ko rin yun na may something sa amin ni Gary in real.
“Ano ka ba may makakita sa atin”
“Anong Problema dun , Tropa naman tayo diba?”, bulong nito sa akin.
“Bakit may kaylangan ka ba?”, Tanong ko na dito.
“Ashhy gawan mo naman ako ng Assignment sa English pati Math , di ko kase kaya yun eee. Kawawa naman ako diba?”. Malungkot niyang paki-usap sa akin. Ewan ko ba di ko matiis ang Kacutan niya pag ganito na ang amo ng mukha niya.
Humarap na ako sa kanya..
“Sige gagawan kita.”
“Bait talaga ni Ashhy. Sige aasahan ko yan sa Lunes Aaa.”, Kumindat na siya kasabay ng pag-alis pabalik sa mga Pinsan niya. Nakipag-Apir siya sa mga ito sabay tawanan. Di ko alam kung ako ba ang sentro ng mga simbolismong iyon.
Wala na akong magagawa ganito talaga magmahal ang isang Lampa, Uto-uto at Duwag na tulad ko. Di man niya masukliaan yung pagmamahal na yun ang mahalaga may nagagawa ako para sa kanya.
Dumeretso na ako sa bilihan ng Icetube at nagmadali na rin akong umuwi. Naabutan ko si kuya na may katawagan sa telepono.
“Sige kain lang ako”, sabay patay niya sa cellphone.
“Bat ang tagal mo?”, tanong ni kuya sa akin.
“Madame kaseng bumibili kuya”, Bigla naman tumayo si kuya at binuksan yung ilaw sa sala. Bigla itong naghubad ng T-Shirt niyang suot. Tuwing ginagawa yun ni kuya, nasisisyahan ako ng palihim. Lumiligaya ang mata ko tuwing nakikita ang hubad niyang katawan.
Nakaka-akit rin yung Tattoo niya sa may bandang pusod pababa sa tago niyang balwarte na natatakpan ng Brief, Parang Dragon yung tattoo yung buntot ay nasa may pusod niya yung karugtong di ko na makita. Nasa tagong parte na kase yun. “Huy… Tinutunganga mo”, Inilihis ko yung tingin ko. “Bakla ka ba?!”, Tanong ni kuya sa akin. Siguro dahil sa pagkatitig ko kaya natanong niya yun.
Kung bakla daw ako? Hindi ko alam basta ang pakiramdam na ito ay nagsimula ng maadik ako sa Pokemon, Crush na Crush ko yung Karakter dun ni Gary Oak. Dun ko sinimulan na ikumpara si Gary na klasmeyt ko, kay Gary Oak. Pareho silang gwapo, cute at love ko.
Simula nun nakakaramdam na ako ng pagka-akit sa mga lalaking may kakaibang taglay na alindog. Pati na rin sa kuya ko nagkakaroon ako ng pagnanasa.
“Ah hindi po kuya..”, Natatakot kong sagot.
“Umayos ka diyan sa mga kilos mo Aaa. Wag kang lalamya-lamya. Akin nanga yan!”, Si kuya sabay Hablot nung Ice Tube at Ulam.
“Yang sukli pakilagay sa tabi ng t.v”, Utos niya sa akin, agad naman akong sumunod sa sinabi niya.
“Sa sala ka na muna pala matulog, may bisita akong pupunta”, Si kuya habang nasa may Kusina. Alam ko nanaman ang mangyayari. May Bisita nanaman si kuyang bakla! Magpapasusu nanaman siya.
Ganun lage minsan, lalo na pag sabado at linggo may pumupunta ditong mga lalaki, pero kung titignan mo mga Bisexual sila. Paulit-ulit ulit lang naman yung mukha. Mga dalawang person ang nakikita kong bumisisita kay kuya. May kaya ang mga yun at halatang patay na patay sila kay kuya.
Tuwing dumadating nga ang bisitang tinutukoy niya, dinig na dinig ko sa aking kinahihigaan ang ungol ng mga ito. Tiyak ungol yun sa sarap na ibinibigay ni Kuya. Gwapo kase ang kuya ko kaya hindi malabong maraming nagkakandarapa sa kanya.
Hindi na ako nakiki-alam sa ginagawa ni kuya, ang mahalaga nakakatulong naman sa amin ang mga perang binibigay ng mga baklang yun. Tuwing natatapos ang session na yun, pag lumalabas na ang bisita. Nakikita ko nalang si kuya na lalabas , nakatapis ito at maliligo na sa banyo.
Kina-umagahan naman ay ako ang naglilinis ng mga kalat sa loob, madaming beer, Chichirya at higit sa lahat Condom.
Magkasama kase kame ng kuya ko sa iisang kwarto. Siya sa kama ako naman ay sa sahig. Naglalatag lang ako ng Foam..
Ang Second Floor kase nitong bahay ay pinapa-upahan na namin, sa labas ang Pinto nun paakyat sa may hagdan kung saan, dun rin ang way papuntang Rooftop. Ayaw kase ni kuya sa loob pa papasok ang mga umuupa, gusto niya hiwalay ng pinto. Ang kita rin namin sa upa na yun ay isa pa sa pinagkukunan namin ng pera.
Call Center Agents ang mga nangungupahan sa Second Floor kaya , wala sila tuwing Gabi pero nandito tuwing umaga, tulog na tulog.
Pumasok na nga ako sa kwarto upang kumuha ng Unan at Kumot, pagkalabas ay inayos ko na ang hihigaan sa sofa. Pinatay ko na ang ilaw at manunuod ako ng pokemon sa aking cellphone.
Cellphone?
Asan pala yung Celllphone ko? Naiwan ko pala iyun sa taas, buti naalala ko agad at buti hindi umulan. Kung hindi sira na ang nag-iisa kong pinagkakalibangan!
Muli nga akong lumabas at umakyat sa Rooftop. Agad ko naman nakita yung cellphone ko. Papalapit na ako upang kunin yun ng muling lumiwanang ang kalangitan! Nanaman?!
Iba yung liwanang ngayon, mas maliwanang ito at parang mas tumagal rin. Napapapikit ako sa sobrang sinag. Hanggang sa may naringig akong tunog, parang kwitis iyon!! Minulat ko ang aking mga mata at nagulat ako sa aking nakita.
Isang kometa na kulay bahaghari! Ang baba na ng pagbulusok nito! Pero hindi tulad ng iba ay masyado siyang maliit. Biglang may kuminang, tila may bagay sa dulo ng malakometang babagsak at papunta yun sa may malawak na bakanteng lote malapit sa aming lugar.
Ano tong nararamdaman ko? Biglang lumakas ang t***k ng puso ko? Ang lakas!! Hindi siya Ordinaryong t***k ng dahil sa kaba.
Parang t***k siya ng isang taong InLove.