✈ 1st Adventure: "19th Crater"

1609 Words
•ASHTON'S POV• Sa nakaraang buong linggo ay nabalot ng nakakakilabot na balita tungkol sa Alien ang telebisyon, dyaryo, social media pati narin ang mga makakating dila sa paligid ay yun ang pinag-uusapan. Nakakatakot isipin na nasakop na daw ng mga taga-ibang planeta ang Earth. Naging interisado ako sa balitang iyon, mas naging bukas ang isipan kong magbasa ng kung ano-anong article tungkol sa mga espekulasyong kumakalat. Nanunuod din ako ng mga balita sa telebisyon pagkatapos ng gawaing bahay at ng mga gawain ko sa eskwelahan, gawain namin ng mahal kong si Gary. Nagkalat daw ang mga crater sa ibat ibang lugar sa Pilipinas, karamihan dito sa bahaging Luzon. Nakita ko na rin yung sa mga picture sa f*******:. Ang lalim ng mga nagawang crater. Labing walong crater palang yung nakikita ng mga Sayantipiko dito sa pilipinas, sa tulong narin ng mga residente. Itinuturong dahilan sa mga nasabing crater ang mga liwanang na nabuo nung nakaraang biyernes ng gabi. Yung mga tila kometang may taglay na ibat’ibang kulay na bumulusok sa ibat-ibang direksyon. Ayon sa balita sakto daw yung bilang ng mga liwanang sa bilang ng nagawang crater. Sumatutal ang bilang ng natagpuang crater ay labing walo, katulad ng bilang ng mga nasabing kakaibang liwanang. May video kaseng nailabas ang ibang TV NETWORK, dun sa pangyayaring nakita rin ng maraming tao, kaya nareview nila yung mga ilaw na nagsulputan. Tinawag na “Multiple Flashing Color”, yung nasabing phenomenon. Pati nga Astronomer’s sa ibang bansa , lalo na ang Estados Unidos ay nakiki-alam na rin sa nasabing kaganapan. Hindi pa maipaliwanang ng lahat kung ano daw ang mga iyon. Hindi naman daw masabing isang bulalakaw yun, dahil wala daw ni isang bakas ng kung anong bagay ang nakita. Pero may katangi-tanging hugis na pabilog ang natagpuan sa pinakagitna ng mga nasabing crater. Pero nagtataka ako.. Bakit walang balita tungkol dun sa nakita kong liwanang? Yung liwanang ng muli akong tumaas sa rooftop. Yung liwanang na kulay rainbow. Yung liwanang na nagpatibok pansamantala ng puso ko. Imagination ko lang ata yun. Pero parang totoo talaga. “Ashhy!!”. Bigla akong nabulabog sa pag-iisip ng may tumawag sa aking pangalan. pahampas pa nitong pinukpuk ang mesa sa library. Ang demonyong irog ko nanaman pala, nandito nanaman sa aking harapan. “Bakit? wala naman tayong assignment Aaa..”, ako sabay tingin sa kanya. “Grabe ka naman Ashhy Boy, masama bang lumapit sayo kahit wala akong kailangan?”, tanong niya sa akin. “Di lang ako sana’y”, sagot ko sa kanya. “Ang totoo niyan gusto ko lang ibigay sayo to”, may inabot siya sa akin. Isang piraso ng chichiryang Ding Dong.  “Para saan naman toh?”, napangiti ako ng bahagya. “Hindi ibig sabihin niyan, mabait na ako sayo. Pasasalamat lang yan, dahil sa pagpapakopya mo kanina at paggawa mo ng mga assignment ko”. Bat ganun pag napapansin kong bumabait na siya sa akin, bumabalik nanaman yung kasungitan niya. “Okay”, kaya ko namang bumili niyan Chichiryang binigay niya. Pero ayus lang sa akin kahit gaano pa kamura ang binigay niyang yun, dahil para sa akin yun ang pinakamahal na chichirya sa buong mundo.  ❤ “Hoy Ashhy boy pwede ka ba bukas?”, Duh ! pwedeng pwede nuh ! Kahit saan kahit kaylan basta kasama kita! “Bukas, anong meron?” “May laro yung basketball Team ng Street natin, Ee walang Towel Boy, pwede ka ba?”, Towel boy? :> May towel boy ba sa basketball? Hmmmm lahat naman siguro ng isport, meron. Pero bakit ako? Baka mahalata na ako dun. Tsaka for sure lahat pupunasan ko ng pawis. Ka’street ko ang mga yun kaya hindi pwede, kahit gusto ko. Pag malaman kase ni kuya na naging isang TowelBoy ako, baka bitayin ako nun sa galit. Paano na ito ngayon, nakiki-usap sa akin ang mahal ko. “Ayoko sa lahat, yung hindi marunong sumunod sa gusto ko. Sige kita kits nalang, pero ibang Gary ang makikita mo pag hindi mo sinunod ang gusto ko”, Anong magagawa ko eh bawal naman talaga. Di ko kayang gawin yung gusto niya. Padabog siyang umalis palabas ng Reading Area. Ganun talaga siya ilang beses mo man gawan ng maganda, ang pakikitungo niya sayo babase kung susunudin mo ba siya. Para kang isang pokemon at siya naman ay isang cruel Pokemon Master mo. Bilang pokemon niya kaylangan mong maging magaling, maging matapang upang maipanalo ang bawat laban na iyong haharapin. Sa bawat pagkatalo naman dun mo mararanasan ang sakit ng kanyang galit. Wala na akong magagawa kundi harapin ang galit niya. The more he bullied me, the more my heart beat for him. Pagkalabas ko sa library ng eskwelahan ay gabi na pala. Pahirapan nanaman ng masasakyan nito. Hawak-hawak ko yung Dingdong habang iniisip ko yung pagtanggi ko sa kagustuhan niya. Tulad nga ng ineexpect ko, wala nanaman akong masakyan. Konting kilometro kung maglalakad ako ay makakapunta ako dun sa isang terminal kung saan may sakayan pauwe sa amin. Nagsimula na nga akong maglakad papunta sa Jeepney Terminal, kung saan sasakay ako papuntang Maumay St. sa may Malibay, Pasay City. Pagdating ko galing sa mahabang paglalakad ay nakakayamot parin ng malaman kong walang masakyan ulit. Wala na akong magagawa kundi maglakad muli. Patay talaga ako nito kay Kuya Andrew. Naglalakad ako ng mapahinto ako sa madilim na bahagi nung kalasada pauwe sa amin. Bat ganun biglang lumakas yung t***k ng puso ko? Dug..Dug..Dug..Dug.. Ganto yung naramdaman ko nung makita ko yung kulay bahagharing liwanang. Bakit parang inlove ako? Wala naman akong nakikitang dapat bigyan at pagtuunan ng pagmamahal.. Biglang umihip ang malakas na hangin. Nakakatakot, napayakap ako sa sarili kong katawan sa lamig na nararamdaman. Ano ba to parang nasa scene ako ng isang Horror Movie. Yung Biglang may kakalabit sa likod mo. Daaaaaaaaaaaa!! Wag naman ganun. Biglang natigil yung malamig na hangin. Bat ganito di ko maihakbang yung mga paa ko! s**t kahit anong pilit kong iaangat wala parin nangyayari, parang namanhid na ang mga ito. Na’Cold Stroke na ata ako Aaaa!! Tapos biglang may mga tinig na nagsi’sulputan.. Bwahhhh.. Anu yung mga yun? Maliit natinig na parang nanggaling sa kakaibang nilalang na parang mga.. Alien?!! Dhaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.. Baka nga totoo yung mga balita tungkol sa kanila! Patuloy parin yung pagtibok ng puso ko. Feeling ko Inlove na Kinakabahan na Natatakot itong t***k na 'to. Parang mga kakaibang hayop ang nariringig ko, parang may kumakanta, nagtatwawanan, umiiyak, sumisigaw, balisa at marami pang kakaibang tinig. Hala! Naalala ko na. Ito yung bakanteng Lote kung saan bumulusok yung kulay bahagharing liwanag. Putcha.. Baka hoholdapin ako ng mga Alien pageexperimentuhan tapos dadalahin sa kanilang planeta!! Ayoko pa mawala!! Mas mabuti ng alipinin ako ni Gary kaysa maging robot ng mga Alien. Tsaka di ko pa natitikman si Kuya Andrew. Biro lang!! Humingi na kaya ako ng tulong! Oo sisigaw na ako!. “Tulong!.. Tulong!.. Tulong!..”, Malakas na sigaw ko. Pero bat ganun parang walang lumalabas na ingay sa mga labi ko. Parang sa sarili ko lang na isipan nagtatalbugan ang mga salitang yun. Tuluyan na kaya akong nakontrol ng mga Extra Terrestrial? Bigla ay nawala na yung mga mumunting ingay, pero sa di kalayuan ay natanaw ko yung liwanang sa ibabaw ng talahiban sa may bakanteng lote. Namangha ako sa nakikita ko, Kaylan pa naging North Pole tong bakanteng lote at nagkaroon ng tila Aurora Borealis sa ibabaw ng paligid nito. Nawala yung takot ko, naging normal din ang t***k ng puso ko. Naramdaman ko nalang na humahakbang ang paa ko patungo sa kinaroroonan ng liwanang. Puta may kumukontrol sa aking paglalakad. Kung si Gary lang humihila sa akin papuntang talahiban. Go lang ng Go! Pero di ko alam kung anong nangyayari sa akin, kung sinong kurdapyo ang tumutulak sa akin. Nasa ilalim na ata ako ng isang Alien Hypnotism. Hanggang sa nasa tapat na ako ng isang pribadong pagmamay-ari. Sobrang nakakatakot! Yung bakod palang pang Walking Dead Scene na. Pero yung Liwanang na tila Aurora Borealis ay nagbibigay buhay sa madilim at damuhang lote. Biglang lalong lumiwanag yung makulay na ilaw sa ibabaw ng lote. Biglang may tunog na nanumbalik pero tila tunug yun ng isang anghel na may hawak na Violin. Ang gandang pakinggan. Iyon na ngayon ang nagtutulak sa akin upang pumasok sa masukal na lote, yung paa ko ay humahakbang na ayon sa utos ng tunog na aking napapakinggan. Masukal man ay patuloy parin ako sa paghakbang, Bahala na ito na ata ang kapalaran ko ang maging kampon ng mga taong labas sa ating daigdig. Puta! Nakaka-in ko yung mga dahon ng talahib. Pwe!.. Pwe!.. Sa kinatatayuan ko ngayon natatanaw ko na yung pinagmumulan ng makulay na liwanag. Hinawi ko na yung huling parte ng talahiban na humaharang sa aking harapan. Ako’y namangha ng makita ang kakaibang bagay. Isang malaking Crater ang sumambulat sa akin, puno ito ng malabahagharing liwanang. Eto na ba ang U.F.O nila .. Wahhhhhhhhhhhhhh Kukunin na nila ako. Napakaganda ng liwanang, naramdaman ko nalang na.. Putcha! Humakbang yung isang paa ko patalon sa may Crater. Isang napakasakit na bulusok yung nangyari sakin. Puta walang pinagbago lupa parin tong nasalpakan ko. Hala bat nawala yung liwanag? Bat dumilim.. Tsaka Anong tong bagay na parang nasa likuran ko. May nadaganan akong isang matigas na bagay! Hindi naman masakit yung pagbagsak, hindi naman kase masyadong malalim yung Crater. Nang umusog ako ng bahagya upang makita ang bagay na yun ay, biglang lumiwanang ulit ang kapaligiran sa mala Rainbow na Aurora Borealis. Wow.. Natuon ang pansin ko sa bagay na pinagmumulan ng liwanag. Anu yun? Hugis bilog ito. Isa kaya itong kayaman? Mabilis ko yung kinuha at inilapit sa akin, sobra yung liwanang na lumalabas kaya di ko makita masyado ang tunay na itsura nito. Pero madulas at medyo may kabigatan siya. Hala heto nanaman! Lumalakas nanaman yung t***k ng puso ko.. Dug..Dug..Dug..Dug.. Dug..Dug..Dug..Dug.. Unti-unti naman nawawala ang liwanang sa paligid ng bilog na bagay. At nagulat nga ako ng makita ko na ang bagay na aking hawak. Tanging ang paligid nalang nito ang merong liwanang na kanina ay sakop ang malaking parte ng bakanteng lote. Di ako makapaniwala..       Isang Pokeball na kulay Rainbow ang aking nasa kamay.. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD