Chapter 1: Intro
CALYSTA DANIELLA CALVANTES’ POV
PINAGLALARUAN ko lamang ang hawak kong ballpen sa mga daliri ko. Nasa loob ng opisina ko sina Papa at Lolo Ced. Magkatabi pa silang nakaupo habang ako naman ay nasa single sofa.
Maingay ang pagsimsim ni Lolo sa coffee latte niya at pinabili pa talaga niya sa secretary ko sa Starbucks. Si Papa naman ay inabala na lamang ang sarili niya sa pagbabasa ng magazine. In the middle of my works ay talagang pinuntahan pa nila ako rito.
“Isa sa anak ng Valdiviño family ang mapapangasawa mo, Calysta,” sabi ng Papa ko.
Pinag-usapan na namin ito nina Papa at Lolo Ced sa mansion pero mukhang pinapaalala na naman nila sa akin. Dahil parang nagmamadali na sila.
Silang dalawa kasi ang pipili ng lalaking mapapangasawa ko. Hindi naman ako magrereklamo pa sa desisyon nila. Dahil alam nila na wala akong balak na mag-settle down. Mas binibigyan ko kasi ng atensyon ang kompanya ko at pagtatrabaho.
Wala akong oras para makipag-date sa mga lalaking hindi ko naman gustong makilala pa.
“Ilan po ba ang anak ng Valdiviño family, Papa?” I asked him. Sa totoo lang ay wala akong interest sa pamilyang iyon.
Ayon din sa sinabi nila sa akin, ang kompanya ng Valdiviño ay hindi na maayos ang pagpapatakbo at tila isang barko na lamang ito na malapit nang lumubog sa karagatan habang nasa kalagitnaan naman ng malakas na bagyo o krisis.
Ang negosyo nila ay malapit nang magsara kaya isa rin ito sa dahilan kung bakit nagplano sila para sa kasal namin at saluhin ang pamilyang iyon sa malapit na krisis ng buhay nila.
“Tatlo, pero iyon ang pinakamatandang anak na lalaki,” sagot ng aking ama at napatingin naman ako kay Lolo. Baka may isasagot din siya sa tanong ko.
“Siya ang panganay na anak, apo,” nakangiting sabi ni Lolo Ced. Tumango ako at hindi na ako nagtanong pa. Nasabi na kasi nila.
Wala naman akong pakialam sa lalaking pinili nila at lalong-lalo na sa mukha nito. Kahit hindi ko siya kilala o hindi ko man nakita ito ay hindi ako nagkaroon pa ng interest. Hindi rin naman ako mapili. Basta wala lang akong oras na i-entertain ang mga manliligaw ko noon na hanggang ngayon ay mayroon pa rin. Na minsan kinaiinisan ko na, lalo na ang pagpapadala nila sa akin ng mga bulaklak at chocolate. I’m not fond of that.
“Civil wedding muna, Calysta. Saka na ang grand wedding day niyo,” saad pa ni Daddy na tinanguan ko lamang. Kung ano ang gusto nila ay susundin ko naman sila. Katulad nang sinabi ko kanina ay hindi ako magrereklamo. Saka hindi naman sila pipili ng isang tao na sa tingin nila ay hindi nila gusto ang pag-uugali nito.
“Wala ka bang itatanong sa amin tungkol sa lalaking mapapangasawa mo, apo?” malambing na tanong sa akin ni Lolo. Ganito talaga siya kung makipag-usap sa akin. Umiling ako at nagkibit balikat lang.
“Kami na lang ang magsasabi sa ‘yo, anak. Alam namin pareho ng Lolo mo na wala ka talagang pakialam sa physical appearance ng isang lalaki.
Alam mo ba ang Valiant University?” tanong ni Papa. Ano naman ang koneksyon ng school na iyon sa anak ng Valdiviño family?
Alam ko ang Valiant University, dahil minsan ko na ring nakita iyon sa TV NEWS na kung gaano kaganda ang environment nila roon.
“Ang university na kung saan nag-aaral ang mga taong may kaya sa buhay?” Sa halip na sagot ay tanong ang ibinalik ko sa kanila. I licked my lower lip and gently nodded. “Alam kong maganda ro’n. So, isa ba siyang professor or President ng VU? Dean?” I asked them at umiling silang dalawa. “Kung hindi, ano naman ang trabaho niya roon?” tanong ko nang nakataas na kilay.
“Nag-aaral siya sa university na iyon, Calysta.” I nodded again.
“Master of Degree po? Kung kaedad ko lang ang lalaking iyon ay baka nasa medical school siya or Law?” tanong ko na ngayon ay curious na ako sa trabaho na mayroon ang lalaking iyon.
“Hindi,” mabilis na sagot ni Lolo.
“Kung wala siya sa mga nabanggit ko. Eh, ano nga po ang work niya? Don’t tell me isang security? Dahil sabi niyo pabagsak na ang negosyo nila,” sabi ko. Hindi ko man sinasadya na sabihin ang mga iyon ay kusa nang lumabas mula sa bibig ko.
Hindi naman kasi ako matapobre, eh. Tumutulong din naman ako sa mga taong nangangailangan pero iyon na lang din kasi ang naisip ko na puwedeng trabaho niya sa VU. Pero hindi rin. Dahil nag-aaral pa raw iyon.
“Nasa first year college pa lamang siya, school of Engineering,” my father said at nagsalubong ang kilay ko. Nabitawan ko ang hawak kong ballpen at gumulong ito sa side nila, bago pa man mahulog iyon sa floor ay nasalo na ni Papa.
F-First year college? Expected na mas bata kaysa sa akin ang lalaking iyon kung ganoon.
“His age?” I asked once again.
“He’s 18 years old, Calysta.”
Hindi makapaniwalang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. “18... 18 years old po talaga?” tanong ko na nasa boses pa ang pagkagulat at parang hindi yata ako makaka-get over nito.
“Oo, Calysta. Freshman pa lamang siya sa Valiant University,” ani Papa. Parang mabibingi ako sa boses ni Papa na paulit-ulit kong naririnig.
“S-Siya na po ba talaga ang pinakamatandang anak na lalaki sa pamilya nila? W-Wala na po ba kayong pagpipilian maliban sa...isang bata?” panigurado ko pa. Baka naman kasi may kuya pa iyon ng mas matanda kaysa sa akin, ‘di ba?
“May asawa na kasi ang isang kapatid niya, kaya hindi na namin isinama pa ng Lolo mo. Sa katunayan ay pangalawang anak siya.”
Kung 18 years old nga siya at ngayon naman ay 28 years old na ako. Kung ganoon...ten years. Ten years ang age gap naming dalawa?!
God... Hindi ko alam kung ano ang pakikitungo ko sa kanya kapag nagkita na kami. Nakakagulat. Ang laki ng gap namin at parang gusto kong huwag na lamang sumang-ayon pa. Gusto ko na agad mag-back out. Hindi ko lubos maisip na isang bata lang ang mapapangasawa ko?!
“`Pa, `Lo... Sigurado po ba kayo sa desisyon niyong ipakakasal niyo sa akin ang 18 years old na estudyante ng VU? Hindi po ba kayo nabibigla lamang?” tanong ko pa at parang stress na ako agad.
“Siguradong-sigurado na kami, Calysta.” Tuluyan na ngang bumagsak ang panga ko sa floor dahil sa sobrang gulat.
“Oh good God...” bulalas ko at tila mapapasukan na ng kahit ano’ng insekto ang aking bibig dahil sa laki nang pagkakaawang nito.
Calysta Daniella Carvantes, 28 years old. 21 pa lang ako noong i-turn over sa akin ni Dad ang posisyon niya bilang presidente ng Carva Home’s Shopping. Ang mga produkto namin ay mga gamit sa bahay o sa kahit ano’ng klaseng mansion pa.
Nag-iisa rin akong apo ni Lolo Ced, kaya ang kompanya niya ay sa akin din napunta. Lahat ng iyon ay maayos ko naman napapatakbo at may tiwala rin naman sila sa akin kahit babae pa ako. Dahil nasa dugo na raw namin ang pagiging negosyante. Dalawa ang anak ni Lolo Ced, pero bata pa lamang daw ito nang namatay dahil sa sakit sa puso. Kaya kay Papa rin siya nagkaroon ng apo at ako na iyon.
Tapos...ikakasal lang ako sa 18 years old na estudyante ng Valiant University?! Hindi ba...parang child a***e na iyon? Pero hindi rin. Nasa tamang edad na ang lalaki.
But the fact is still a fact! He’s too young for me!
***
LAZEL HYRROZ VALDIVIÑO’s POV
PABAGSAK na humiga ako sa kama at pagod na pagod sa araw na ito. Ito ang unang araw nang pasukan sa Valiant University pero ang dami na ang pinagawa sa amin ng mga professor. Inaasahan ko pa naman na baka walang klase at tanging orientation lang ang magaganap pero hindi rin.
May kumatok naman sa pinto ng kuwarto ko at sumilip doon ang nakababata kong kapatid na si Yazel.
“Ano?” tanong ko sa kanya.
“Gusto ka raw pong makausap ni Daddy, Kuya. Nasa library po sila ni Mommy,” sagot niya sa akin at bayolenteng bumuntonghininga ako.
“Lumabas ka na,” sabi ko lang at bago ako tumungo sa library ay naligo muna ako.
Tatlong beses akong kumatok sa pintuan at saka ko lang ito pinihit pabukas nang marinig ko na ang boses ni Dad.
“Maupo ka,” malamig na saad niya at sumunod din naman ako.
Nandito rin sa loob si Kuya Kazel at alam ko mahalaga ang pag-uusapan namin ngayon.
“Bakit po, Dad?” agaran na tanong ko.
“Alam mo ba kung ano na ang kalagayan ng kompanya natin, Lazel?” tanong niya sa akin pabalik. Umiling ako dahil wala akong idea.
Ang alam ko lang ay maliit na negosyo lang ang mayroon kami. Na pinatayo ni Daddy noong bago pa lamang sila ikasal ni Mommy. Pareho silang galing sa mahirap pero dahil sa sipag at t’yaga nilang dalawa ay naging maganda rin naman ang buhay nila at pagsasama. Nakapagpatayo sila ng negosyo at kami rin na mga anak nila ang nakinabang.
“If it is compared to a fruit and if it has been harvested for a long time, nagalaw man sa kinalalagyan nito o hindi ay mabubulok pa rin siya. Just like our company, habang patagal siya nang patagal ay lumulubog siya na tila isang barko sa dagat. Lalo na kung mawawala na ang nag-iisang foundation nito.”
“Ano po ba ang gusto niyong mangyari, Dad? Sabihin niyo na lang po nang diretso,” sabi ko. Dahil ayokong magpaligoy-ligoy pa. Gusto ko iyong diretsahan na lamang para mas maintindihan ko.
“Ang prutas na iyon, Lazel. Naghahanap tayo ng taong puwedeng mag-ani para hindi siya mabulok sa puno.” Alam kong may kahulugan ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ni Dad pero hindi ko pa rin siya maintindihan.
“Ano po ‘yon, Dad?”
“At para makasungkit din ay ikaw ang kailangan namin,” sagot naman ni Kuya Kazel at tiningnan ko siya. Salubong na ang kilay ko dahil hindi ko mawari kung ano ba ang gusto nilang sabihin sa akin ng hindi na ako naguguluhan pa. “Nagdesisyon kami ni Dad na magkaisa ang pamilya natin sa Carvantes family,” he added his words at kasabay na pumasok sa loob ng library ang aking ina.
“Nakapag-set na ako ng schedule para ma-meet ang family nila. Lazel, maghanda ka para sa pagkikita niyo ng fiancé mo.” As expected na ganoon si Mommy. Straight forward siya kung magsalita.