“Paano mo nakilala ang isang Green, Issay. Hindi mo ba alam na ang pamilyang iyon ang pinakamayaman sa apat na kilalang pamilya dito sa ating probinsya. At kahit na anong gawin ng tatlong pamilya noon sa pamilyang Green ay hindi nila ito natatalo sa kahit na anong pamantasan.” Mahabang tanong at pagsalaysay sa katayuan ng buhay ng lalaking hindi niya naman sinasadyang makasalamuha at makilala. At lalong hindi siya mangangahas na makausap ito kung nakilala lamang niya ito noong nakaraang araw. “Sinubukan pa ng tatlong pamilya na magsanib pwersa para lamang mapabagsak ito sa pag aakalang sa pagtutulungan nila ay madaig nila ang pamilyang Green.” pagpapatuloy ng kanyang kaibigan sa pagkukwento nito tungkol sa likod ng mga pinakamayamang pamilya sa kanilang probinsya. “Nagdiwang ang tatlong

