Nagpunta ng ospital si Isabella para bisitahin ulit ang kanyang ina. Isang linggo na rin simula ng magising ang kanyang ina mula sa pagkakacoma matapos itong atakihin noon sa puso. Mag iisang buwan na rin sila sa ospital. At aaminin niya sa kanyang sarili na nahihirapan na siya sa kakaisip kung saan pa siya kukuha ng pera para pambayag sa ospital bill. Pagpasok niya sa ward ng kanyang ina ay naabutan niya ang doctor na katatapos lang suriin ang kalagayan nito. Umangat ang tingin ng doctor sa kanya ng maramdaman ang pagdating niya. "Mabuti at narito ka na, Ms. Nicolas." pagsalubong nito sa kanya. "Ang medical bill ni Mrs. Nicolas ay dapat ng mabayaran." Sa sinabi ng doctor sa kanya ay napatingin pa siya sa kanyang ina. At kasunod nun ang pagbigay sa kanya ng medical bill. "This is the

