Taas ang kilay at napailing. Huminga ng malalim bago nagpasyang pumasok na sa loob. Ngunit bago pa niya maitulak ang pinto para makapasok ay may pumigil sa kanyang kamay. "Ms. nag iisa ka yata, baka gusto mo na lang akong samahan." "Bitawan mo ako," nagpumiglas si Isabella na agad naman nakawala sa pagkakahawak sa kanya ng lalaki. "Huwag ka ng tumanggi, alam ko naman na kaya ka nandito ay para maghanap ng magpapasaya sayo, di'ba?" saka siya nito muling hinawakan. Nabastusan si Isabella sa sinabi ng lalaki, umangat ang kamay niya at malakas na sinampal ito. "Hayop kang babae ka, ang lakas ng loob mong sampalin ako." muli siya nitong hinawakan. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya basta nakawala dito dahil humigpit na ang hawak nito sa kanya at marahas na isinandal sa pader. "Bitawa

