Pasalya na umupo, sumandal sa sofa at mariing ipinikit ang kanyang mga mata. Malalim ang paghinga ang pinakawalan niya. Gusto ni Isabella na kahit sa ilang sandali lang ay marelax ang kanyang isip sa dami ng kanyang problema. Ang bigat na ng kanyang problema sa kanyang ina dahil hindi pa rin nakakahanap ng donor para dito. At idagdag pa ang kanyang madrasta at kinakapatid. Hinihilot niya ang kanyang batok, ang kanyang sintido. Nahihilo na siya sa pagod sa dami ng kanyang iniisip. Ngunit ang gusto niyang pagpapahinga ng kahit ilang minuto lang ay hindi maibigay sa kanya ng pagkakataon. Tumunog ang kanyang cellphone. Nagpakawala na naman siya ng isang malalim na paghinga ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Ang kanyang madrasta. Kahit na ayaw niya iyong sagutin ay wala siyang na

