"Ugh!' napadaing si Marcus ng kagatin ni Isabella ang leeg nito. Kahit na nasaktan ay hindi naman nito itinulak si Isabella bagkus humigpit lang ang hawak nito baywang niya. "Are you a dog, Isabella?" tanong ni Marcus ng pakawalan ni Isabella ang leeg niya. "Oo, aso ako na nangangagat kapag galit," naiinis na sagot ni Isabell kay Marcus at malakas na niya itong itinulak. Nakalas ang braso nitong nasa baywang niya kaya kinuha niya ang pagkakaktaong iyon para tuluyang makalayo kay Marcus. Mabilis siyang tumalikod pero sa pagtalikod niya ay hindi niya napansin ang isang lata ng softdrinks na nasipa niya kaya nakagawa iyon ng ingay. "Sandali, may ibang tao sa paligid." si Carlo iyon na tumigil sa pakikipaglampungan kay Cathy. Hinanap ni Carlo ang pinanggalingan ng ingay. Habang si Isab

