Lihim na napangiti si Isabella, dahil hindi na pala niya kailangan gawin sa sarili niya na ipahiya ang kanyang kinakapatid. Napatingin sa kanya si Cathy. "Hindi ba marunong ang isang mamiminta na humawak ng paint brush? o sadyang hindi mo alam isa mga brush na nasa harap mo ang gagamitin mo, Ms. Nicolas." muli ay sabi ni Marcus. "Or mas tamang sabihin na hindi ikaw ang nagpipinta sa mga inaangkin mong obra maestra." Sa sinabi ni Marcus ay muling namayani ang mga bulungan. Si Carlo ay hindi mapakali tulad ni Cathy at nais pang damayan ito ngunit nag aalala si Carlo na magalit dito ang sariling ina. Higit sa lahat ay baka makunan ng mga reporter ang pagtulong nito kay Cathy at maipadala pa iyon sa matandang Tuazon. Hindi na alam ni Cathy ang gagawin, nanginginig na ito sa pagpapahiya ni

