Seryoso at may talim ang tingin na sumulyap si Isabella sa pinto ng makitang pumasok na doon si Cathy, ang kanyang step sister na dala ang painting na iginuhit niya bilang pangregalo nga kay Mr. Green o mas tamang sabihin na kay Mrs. Green. Hindi ipinahalata ni Isabella ang pagkainis sa kinakapatid. Pumagilid siya ng maglakad na ito at nilagpasan nga siya na parang hindi kilala. Habang si Carlo ay lihim na napangiti ng makita ulit si Cathy at maalala ang huling pagkikita ng mga ito sa mainit na pinagsaluhan nila ng gabing muntik ng pagkahuli sa kanila kung hindi ginawan iyon ng paraan ni Isabella. Seryoso ring nakamasid si Marcus, lalo na kay Isabella na ngayon ay nakikita ni Marcus na hindi nagustuhan ni Isabella ang pagkakita sa kinakapatid niya. "Mrs. Green, my name is Nica. Pero an

