Humantong sila loob ng villa ni Marcus kasunod din ng aso nito na masunuring nakaupo na sa harap nila kung saan sila nakatayo. "Issay, accompany your mom to watch TV." kausap ni Marcus sa aso nito na ipinangalan pa talaga ang palayaw ni Isabella. Dahil sa takot pa rin si Isabella ay nanatili siyang nakahawak sa braso ni Marcus, magkakasunod ang naging paglunok niya. "I'm not her mother." pagsita niya at pagtatama sa sinabi ni Marcus saka tumingin sa aso na nakatingin ngayon sa kanya, nakalabas ang dila at hinihingal kaya mas nakakatakot iyon sa paningin niya. "Call me sister." kausap niya din sa aso. Pagka sabi niya iyon ay tumahol pa ito kaya napahigpit ang hawak niya kay ulit Marcus. Gumuhit ang isang ngiti sa labi ni Marcus na muling bumaling sa aso nito. "Okay! Issay, behave, wat

