Ramdam ni Isabella ang higpit ng yakap ni Marcus at napapiksi siya ng pisilin pa nito ang baywang niya. Itinungkod ni Isabella ang mga kamay sa pagitan ng kanilang katawan na may kasamang pagtulak dahil kahit ihip ng hangin ay hindi na makadaan. Nakatingin sa kanya si Marcus, seryoso ngunit sa mga mata nito ay punong puno ng panunukso sa kanya. Sa paulit ulit niyang pagtulak kay Marcus ay siya naman pahigpit ng pahigpit ang pagkakayap nito sa kanya kaya lalong nawalan siya ng pag asang makawala sa pagkakayapos nito sa kanyang baywang. "What now?" tanong ni Marcus na mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanyang baywang. Bahagya pang umangat ang kanyang mga paa sa sahid. "Ano ba?" "Why? Matapos mong pagmasdan ang aking katawan ay gusto mo ng tumakbo at wala kang balak panagutan ako?"

