"Hindi ko naman pwedeng bawiin ang pinag usapan namin," paliwanag ni Isabella. "Naibigay na niya ang pera sa akin para lang ihatid ko siya, at hindi ko na pwedeng ibalik ang perang iyon," patuloy lang siya sa pagpapaliwanag. Kunot lang ang noo ni Marcus na hindi nagustuhan na ihahatid pa talaga ni Isabella ang walang kwentang lalaking iyon. Dahil hindi nawala ang tila pagmamaktol ni Marcus ay naisipan ni Isabella na suyuin ito. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at inalog iyon. "Bakit hindi mo kausapin ang driver mo at ihatid na lang siya." "At gusto mo pang ang driver ko ang maghatid sa inyo?" mas lumalim ang gitla ng noo ni Marcus. "May sinabi ba akong KAMI? Ang sabi ko SIYA." pagtatama ni Isabella. "Para ako na mismo ang maghatid sayo," nilangkapan ng lambing ang boses ni Isab

