"Hindi na nakakatuwa ito, mr. Green." galit na galit na sabi ng lalaki na nakaluhod sa harapan nila. Si Caro na tahimik at bahag ang buntot na tabi. Ayaw makisali sa gulo kahit sangkot na si Isabella. "You humiliated me so much," muli ay sabi nito na hindi maitago ang galit sa mga matang nakatingin kay Marcus. "Oh! Gusto mong maging patas na tayo, pero hindi pa ako nakokontento." sagot naman ni Marcus na binalingan ang tauhan. Naglagay ng alak sa isang malaking bowl ang tauhan ni Marcus saka nito sinindihan iyon. Nag alab ang apoy sa alak. Ngumisi si Marcus, hawak ang singsing sa daliri, nilaro laro iyon bago nito tuluyang tinanggal sa daliri at nilagay sa nag aapoy na alak sa harap nila. "No! Hindi na ito makatarungan, hinawakan ko lang ang babaeng iyan pero sobra na ang ginagawa mo

