“Aga. I’m sorry for what Lito said. He’s just hurt,” paliwanag ni Mikaela sa akin. Pinalabas muna siya saglit ni Mikaela para bumili ng paborito niyang kape at para magkausap na rin kaming dalawa. Nasa loob pa rin kami ng restaurant at katatapos lang kumain. Light meal lang naman iyon kaya kahit bigla akong nawalan ng gana ay naubos ko pa rin. Bumuntonghininga ako. “Okay lang. Naiintindihan ko siya.” Tumingin ako kay Mikaela. “Pero, ano ‘yong ibig sabihin ni Lito? Yes, hinayaan ko siyang makuha ng daddy niyo dahil iniisip ko na makabubuti iyon sa kanya.” Nag-iwas agad ng tingin si Mikaela. “Ate, had a hard time since she came home to our house. Mas lalo siyang naging tahimik. Halos lahat na kami ay tinatarayan niya.” Bumuntonghininga siya at tumingin muli sa akin. “I guess, you still d

