Hapon na noong matapos ang shooting namin. Ito ang nakakapagod kapag may endorsement kami. Ang dami ng mga ginagawa tapos hindi pa rin kami natapos. Babalik pa kami bukas para ituloy ang shooting. Mayroon pang in-discuss sa amin bago kami tuluyan na nakalaalis sa ninth floor. “Grabe. Ito na ata ang pinaka nakakapagod na shooting natin,” reklamo ni Yani. Nasa loob na kami ng elavator pababa na ng first floor. “Kailangan ko ng vitamins,” nakapikit ang mga mata na sabi ni Ando. Nakasandal siya sa dingding ng elevator at bahagyang nakatingala sa kisame. Vitamins, ibig sabihin ay alak. Iyon na naging alyas namin sa alak dati pa. “Hindi ako makakasama. May pupuntahan ako,” sagot naman ni Lito na nakapwesto sa tapat ng pinto. Nakatutok siya sa cellphone niya. Nasa tabi niya si Yani habang

