Matapos naming makausap si Mister Gonzalez ay inasikaso na agad kung kailan ang umpisa ng shooting namin. Pumayag kaming lahat kalaunan noong mabasa namin ang kontrata. Kaso mula rin noon ay naging tahimik si Yani at Ando. Si Lito lang ang natuwa dahil doon. Naging madalas na rin ang pag-alis niya sa condo. Ako, ilang araw ko na rin iniisip kung paano ko kakausapin ulit si Stephanie. O kung magkikita pa ba kami matapos niya akong kausapin nang gano’n. Ni minsan ay hindi ko naman intensyon na saktan siya. Sa katunayan ay ako nga ang pinaasa niya ngayon. Akala ko magiging maayos na kami ulit, hindi pala. Gabi noong nakatanggap ng tawag si Ando galing kay Lucas. Sinabi nito na magso-shoot na raw kami para company nila Stephanie. Bigla akong kinabahan pero na-excite at the same time. Sana

