Halos si Stephanie na rin ang umasikaso sa tatay niya habang wala pa itong malay. Nakakatuwa dahil kahit na anong laki nang galit niya rito ay inalagaan niya pa rin. Dalawang araw pa kasi ang nakalipas bago nagising ang daddy niya. At sa mga araw na 'yon ay hindi ko iniwan si Stephanie. Ayaw niya rin kasi na iwan ko siya. "What?" walang ganang tanong ni Stephanie sa tatay niya habang inaayos ang higaan ito. Nakatitig kasi ito sa kanya habang nakangiti. "Nothing. I'm just happy that you are here," mahinang tugon nito. "Don't flutter yourself. Aalis din ako pagkarating nila Mikaela." Inayos ni Stephanie ang pagkakakumot ng kanyang tatay. Pagkatapos nito ay naupo na siya sa tabi ko sa may sala. "I see that Aga is also here." Napatingin ako sa kay sir Wilfred. Tumayo ako at bahagyang

