Hinanap ko si Stephanie. Nagkanda hingal-hingal pa ako dahil wala siya sa baba. 'Yon pala ay nasa rooftop daw. Nakasalubong ko kasi ang bodyguard ni sir Wilfred. Kaya pumunta na ako agad doon at nakita ko nga si Stephanie na umiiyak. Nasa may gilid siya at nakakapit sa railings ng rooftop. Tahimik na nilapitan ko siya. "Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh," kunyari ay reklamo ko. Mabilis na pinahid ni Stephanie ang kanyang mga luha. Tumikhim siya at ngumiti sa akin. "Sorry kanina. You shouldn't witness that." Tumingin ako sa magandang tanawin. Kitang-kita mula sa pwesto namin ang mga bubong ng mga bahay sa 'di kalayuan. Pati ang maliit na mall at mga pamilihan. Kita rin mula rito ang mga sasakyan. Hindi na talaga nawala ang traffic sa amin. "Okay lang. Naiintindihan ko

