“Wait,” sabi ni Steph.
Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Papunta kaming dalawa ngayon sa labasan dahil magwi-withdraw raw siya. Kailangan niya rin daw ng mga susuoting damit dahil wala siya no’n. Wala talaga siyang balak umuwe dahil kahit pagkuha nang maisusuot ay ayaw niya.
“Agapito!” tawag niya ulit sa akin gamit ang nakakatawang tono. Mukhang hindi pa nga sanay magsalita ng tagalog.
Tumigil ako bigla sa paglalakad at nilingon siya. Napangisi ako nang kaunti noong makita ko ang nakasimangot niyang mukha. Nakahawak ang dalawa niyang kamay sa ulunan niya at mabagal na naglalakad.
“Anyare sa ‘yo?” natatawang tanong ko. Inirapan lang ako ni Steph at nagmadali sa paglapit sa akin. Medyo mas matangkad pa rin pala ako kaysa sa kanya nang kaunti.
“Why are you so mad at me? Ang attitude mo sa akin, ha?” inis na sabi niya. “Gosh! Bakit ba ang init?!”
Napailing na lang ako. “Ang arte mo kasi,” aniko at tumalikod ulit.
“Hey!” Hinawakan niya ang braso ko at tumabi sa akin. “Are you really gonna leave me? Paano kung may kumidnap sa akin?”
“Kasalanan mo ‘yon. Kita mo naman ‘tong lugar namin, ‘di ba? Pwede ka na umuwe sa inyo.”
Hindi naman sa sinasabi kong panget ang lugar namin. Pero halata naman sa mga kagaya niya na hindi siya sanay sa squatters area. Balat pa lang niya at hitsura ay hindi na magtatagal dito. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya napalingon ako sa kanya. Nakangiwi siya habang tumitingin sa paligid namin. Napailing na lang ako at muling dumeretso ng tingin.
“Hindi ba tayo sasakay?”
“Malapit lang ang labasan. Dalawang kanto na lang nasa kalsada na tayo.”
“But my legs are aching. Can we ride a tricycle?”
“Alam mo ang traysikel?”
“Of course! Akala mo sa akin?”
“Bakit ba kasi hindi ka na lang umuwe?” tanong ko.
“Ayaw ko nga.”
“Ayaw mo. Tapos kami ang pagpapaproblemahin mo sa ‘yo?” aniko at bahagyang hinila ang braso ko pero mas nihigpitan lang niya ang hawak doon.
“I will pay you naman eh. Hindi ka na luge roon.”
Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Tiningnan lang niya ako nang nagtatanong na tingin. “Hindi ako luge? Paano? Nawalan ako ng kwarto dahil sa 'yo! Hindi ko na tuloy alam paano ako makakapag-practice ngayon!” inis na sabi ko at muli nang naglakad. Binilisan ko na para maghabol siya.
“Hey, wait! Sandali lang!” nahihirapang sabi niya.
Umingos lang ako at hindi siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya!
Sa totoo lang, hindi naman ako ganito sa mga babae. Marami rin naman akong kaibigan na mga babae. Sadyang hindi ko lang magawang gustuhin siya. Hindi ko alam kung bakit.
“Ouch!”
Napatigil ako sa paglalakad at biglang napalingon sa likuran ko. Nakita ko si Stephanie na nakaupo na at sapo-sapo ang binti. Nanlaki ang mga mata ko noong mapatingin ako sa hita niya. Kitang-kita ko kasi ang panty niyang kulay pula. Mabilis akong lumapit sa kanya at idiniin ang paa niya sa kalsada at tumingin sa paligid. Medyo napanatag ako noong wala akong makitang tambay sa kanto. Kung hindi ay na bosohan na siya. Kung bakit ba kasi hindi niya sinuot ang binigay kong jogging pants ni Kirah, eh. Mas gusto niya pang suoting iyong hinubad niya kahapon. Mabuti na lang at mabango pa rin.
“Ouch! Ano ba?!” reklamo niya.
Inis na tiningnan ko siya. “Anong ano ba? Ganyan ba kayong mayayaman? Walang pake kung nabobosohan na, ha?!” galit na sabi ko.
Ngumuso siya at lumabi. “Kung hinihintay mo kasi ako! Ouch!”
Napabuntohininga ako at inalalayan siyang tumayo. Nakangiwi pa rin siya at halatang iniinda ang hita. Umupo ako ulit para tulungan siyang pagpagan ang hita niya niya. Naalikabukan kasi iyon. Pero noong hahawakan ko na sana ang hita niya ay natigilan ako. Napalunok ako noong matitigan ko ang hita niya. Napakaputi niyon kaya kitang-kita ang alikabok na dumikit sa kanya. Huminga ako nang malalim napatungo. Muli ako ng tumayo at humarap sa kanya. Pero lalo lang ako natigilan noong matitigan ko ulit ang mukha niya.
Walang siyang gamit na make-up pero mamula-mula ang pisngi niya. Ang mga mata niya ay lalong tumingkad ang asul niyang mga mata. Ang ganda niya! Mas lalo kong nakita ang kagandahan niya ngayong maliwanag na. Nahigit ko ang hininga ko at walang nagawa kundi ang titigan siya.
“Hey? Are you gonna look at me all day?”
Nagising ako noong magsalita siya. Nakataas na ang kilay niya at bahagyang umarko ang gilid ng labi. Nagulat ako noong lumapit pa siya sa akin. Kaya naman ay walang ano-anong tinulak siya sa balikat at umatras. Gulat na tumingin siya sa akin.
“Ano ba?!”
Napalunok ako at tumalikod. Sh!t! Ano ba ang nangyayari sa akin? Ang bilis ng t***k ng puso ko. Parang ‘yong kapag nasa stage kami at nakaharap sa maraming tao. Parang kapag… tumutugtog ako ng drum. Ang saya.
“H’wag ka kasing lampa!” angal ko sa kanya at naglakad na ulit nang mabagal.
“You’re leaving me again!” reklamo niya rin.
Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siya hanggang sa maging katabi ko na siya. Noong makita ko sa gilid ng mga mata ko na magkatabi na kami ay naglakad na ulit ako. Pero hindi ako nakaalis dahil hinawakan niya ako sa braso.
“Bakit ba inis na inis ka sa akin?”
“Hindi ah.”
“Masungit ka ba talaga?”
“Hindi.”
“Hindi raw. You know what? If it’s other men. They’ll be thanking gods now because I’m talking with them. Pero ikaw?” Sandali siyang tumigil. “I don’t know what’s in you.”
“Hindi sila ako. Edi doon ka sa kanila makipag-usap. Maige pa at matatahimik buhay ko.”
“Bakla ka ba?”
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Nakangiti siya nang malapad sa akin. Iyong bang parang nanloloko pero ang ganda niya pa rin. Huminga ako nang malalim at tiningnan siya nang masama.
“Hindi ako bakla. Hindi ba pwedeng ayaw ko lang makipag-usap sa ‘yo?”
“So, you are mad at me?”
Napapikit ako nang mariin. “Alam mo. Bilisan na nga natin,” aniko at hinawakan siya sa braso. Pagkatapos ay naglakad na muli nang marahan.
“Pasalamat ka, you’re cute. Kung hindi…”
Napailing na lang ako at hindi na siya pinansin. Ang dami pa niyang sinasabi pero hindi ko na siya pinakinggan pa. Hindi ako bakla. Ayaw ko lang talaga sa maingay. Kay Nanay pa lang eh quota na ako. Tapos dadagdag pa siya?
Pero buti na lang at maganda siya. Napailing ako sa ako at pilit na inalis ang nakangiti siyang mukha sa isipan ko. Pero oo, buti na lang maganda siya.