“Sigurado ka riyan?” gulat na tanong ko habang pinagmamasdan ang laman nang malaking shopping cart na hawak-hawak ko. Halos nangangalahati na iyon sa mga delata at noodles na nilalagay niya. At patuloy pa siyang naglalagay ng mga pagkain. “Huy!”
“What?!” Tumigil siya at salubong ang kilay na tiningnan ako. “Care to help?”
“Steph. Ang dami na niyan. Walang paglalagyan niyan sa bahay. Parang gusto mo nang bilhin ang buong stall eh. Magtatayo ka ba ng tindahan?”
Natigilan siya at lumabi. “Hindi ba kasya?” Tinitigan niya ang laman ng cart.
“Oo, ang dami niyan. Tsaka buti kung may pangbayad ka nga. Baka binubudol mo lang kami. Iiwanan talaga kita rito.”
Muli siyang tumingin sa akin at inirapan ako. “I can buy everything here. H'wag kang kabahan,” puno ng kompyansang sabi niya. Pagkatapos ay tumalikod ulit siya at naglakad.
Napabuntonghininga na lang ako at sumunod sa kanya. Kanina, nag-withdraw siya ATM machine sa labas ng mall. Nasa tabi niya lang ako kaya hindi ko kita ang screen ng ATM machine. Pero kitang-kita ko iyong makapal na kumpol ng pera na lumabas mula roon. Medyo nagtaka ako kasi ilang beses niya ginawa iyon. Hindi ko tuloy maiwasang mahiwagaan kung sino siya. Wala akong alam tungkol sa kanya kundi pangngalan lang niya. Sana nga hindi galing sa masama ‘yong pera niya.
Tumigil siya sa paglalakad noong nasa meat section na kami. Kagaya kanina ay kuha lang siya ulit nang kuha. Pakiramdam ko talaga wala siyang alam sa ginagawa niya. Kaya pinigilan ko na siya at sinabihan na sakto lang ang bilhin. Wala rin kami paglalagyan dahil baka masira lang. Wala naman kaming ref para lagyan no'n.
“Hoy, tama na ‘yan!”
Tumingin siya sa akin na salubong ang kilay. “Why na naman?”
“Wala kaming ref. Masisira lang ‘yan.”
Umarko ang kilay niya at bahagyang tumulis ang nguso. Oo na, ang cute niya sa hitsura niyang ‘yon.
“Then, we will buy a refrigerator,” aniya at muling humarap sa mga karne. “Your mom should be impress when we go home. Hindi ako pwedeng umalis sa inyo. Wala akong pupuntahan.”
Sandali akong natigilan at prinoseso ang sinabi niya. Bibili raw siya ng ref? Seryoso ba siya? Tatanungin ko sana siya pero bigla na naman siyang naglakad at nagpunta naman sa mga gulay. Kanda ugaga tuloy ako sa pagtulak sa malaking cart. Halos mapuno na nga iyon e. Kung lalagyan niya siguradong hindi na kakasya.
“Teka, Steph.” Hinawakan ko ang braso niya noong maabutan ko siya. Tumingin siya sa akin. “Ano’ng sabi mo? Bibili ka ng ref?” Inosenteng tumango siya. “Ano?! Alam mo. Tama na. Nakakahiya na.” Hindi ko na siya binitawan at hinila na papalabas ng grocery. Pero hinatak niya nang malakas ang braso niya kaya napatigil ako.
“Why?! We need to buy food! I promised your mom, remember?”
Bumuntonghininga ako. “E sobra na ‘yan. May pera ka pala bakit hindi ka na lang maghanap ng mauupahan mo?” Ngumuso ulit siya at nag-iwas ng tingin. “Sabihin mo nga? Bakit ayaw mong umalis sa bahay? May binabalak ka bang masama? Kung hindi ka magsasalita lalayasan kita rito,” banta ko sa kanya. Namilog ang mga mata niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Mabuti na lang at wala masyadong tao sa gawi namin kaya magagawa ko siyang pagsalitain. Kanina pa kasi ako nagtataka sa kanya. Kung sino ba siya.
“You can’t do that! Hindi mo ako pwedeng iwan dito!” mahina ngunit may diin na angal niya.
“Bakit hindi?”
“Well.” Umarko ang kilay niya at pinagkrus ang dalawang braso sa may dibdib. Kumibot-kibot ang labi niya na para bang may sasabihin pero ilang segundo pa ang lumipas bago ito nagsalita. “I… I need someone to look after me,” nag-aalangang sabi niya.
Napakunot ang noo ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Ano? Ano’ng akala mo sa akin? Babysitter? At hindi ka na baby!”
“That!” Tinuro niya ako. “That’s exactly the reason why I need to be in your house, with you. Hindi ko alam if you’re a gay or what. But you are the only man I know na hindi mabait sa akin,” aniya na para bang nasisiyahan pa.
Lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya. “Ako pa ang hindi mabait?”
Para namang nagising siya sa sinabi niya. Ngumiwi siya at tumayo nang maayos. “Sorry. But I feel safe with you, okay? So please, bare with me? Hindi naman ako magiging pabigat eh.” Ngumiti siya sa akin nang ubod ng tamis at tumalikod na. Lumapit siya ulit sa cart namin at namili na ng mga gulay sa isang stall.
Naiwan ako sa pwesto ko na nakanganga. Hindi ko alam kung bakit iba ang dating sa akin noong sinabi niya na ‘safe’ siya sa akin. Parang biglang nawala ang inis ko dahil sa sinabi niyang ‘yon. Iyon bang para akong biglang naging proud sa sarili ko. Ngayon lang kasi ko lang kasi narinig ‘yon. Ewan ko kung bakit niya nasabi ‘yon. Kung magtatabi kasi kami ay parang mas maililigtas niya pa kaming dalawa dahil sa mas malaman siya kaysa sa akin. Pero kahit na, she feel safe with me.
Napangiti ako sa isipan ko at lumapit na sa kanya. Hindi na ako umangal at hinayaan ko na lamang siya na mamili. Mukha rin namang wala siyang balak na makinig sa akin eh. At tama nga ako dahil pagkatapos namin bayaran lahat ng mga pinamili namin sa grocery ay nagpunta naman kami sa appliacience store. Namili siya ng ref. Nahihiya ako kasi ano na lang ang sasabihin ng mga kapit-bahay namin. Baka isipin pa nila na jowa ko siya tapos piniperahan ko lang. Pinili niya pa ang two-door type na refrigerator. Iyong malaki sana ang gusto niya pero sinaway ko siya dahil parang isang kusina na namin ang laki niyon. Binayaran niya iyon kaagad at sinabihan ang mga crew na kailangang mai-deliver din agad iyon ngayon sa bahay.
Mukhang marami nga talaga siyang pera. Lalo lang akong nahiwagaan kung sino siya. Ano kaya ang trabaho niya at ganito na lang kung magwaldas ng pera?
Pagkatapos namin bumili ng ref ay nagpunra naman kami sa furnitures dahil bibili raw siya ng kama. Sumakit daw ang likod niya sa maliit na papag ko. Sabi ko nga bumili na lang kami ng foam. Umo-oo naman siya kaso doon pa rin niya ako dinala sa mga mahal. Mabuti na lang talaga at pina-deliver niya rin ang mga binili namin kanina. Ang dami pa naman no’n.
Noong matapos naming bumili ng foam ay mga damit naman niya ang pinamili namin. Nakakapagod. Kung ganitong alalay ang gusto niyang gawin ko sa kanya ay parang hindi ko makakaya. Wala akong ginawa kundi ang buhatin ang mga pinipili niyang mga damit. Parang may balak pa siyang magtagal sa bahay dahil sa dami niyon. Napailing na lang ako. Mukhang mahaba-habang pasensya ang kailangan ko.
Pagkatapos naming mamili ay pumunta kami sa isang restaurant. Sa lahat ng mga pinuntahan namin ay rito lang ako nag-enjoy. Siya na ang pinamili ko ng mga pagkain dahil wala naman akong pinipili. Mapayat ako oo, pero nakakalimang plato ako ng kanin.
“Hay, sa wakas!” masaya ko pang sabi noong inilapag ng waiter ang mga umuusok na pagkain sa lamesa namin. Ngumiti lang siya sa akin na para bang nasisiyahan pa. Hindi ko na siya pinansin at nag-umpisa nang kumain. Pero hindi ko pa man nalulunok ang isinubo ko ay bigla siyang napaupo sa may tabi ng lamesa namin. Nagtatakang tiningnan ko siya. “Ano’ng ginagawa mo?”
Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa labas ng restaurant na para bang mga tinataguan. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. Noong una ay lalo lang ako nagtaka dahil mga tao lang naman na dumadaan sa restaurant ang nakikita ko. Salamin ang dingding niyon kaya kita namin ang nasa labas. Nasa loob pa rin naman kami ng mall kaya tanaw ko pa rin ang mga stall na paninda sa gitna ng mall at mga katabing kainan. Hanggang sa magawi ang tingin ko sa escalator. Mayroon doong pababang babae. Nag-iisa lang siyang pababa ng escalator at walang mga kasabay. Noong tiningnan ko si Steph ay roon siya nakatingin.
“Sino ‘yon?” tanong ko. Mabilis niya akong pinalo at sinenyasan na tumahimik. Para namang maririnig kami eh ang layo namin sa escalator. Idagdag pang nasa loob pa kami ng kainan.
“H’wag ka maingay!”
“Bakit ba?”
“She’s my younger sister! Hindi niya ako pwedeng makita!”
Nangunot ang noo ko at muling tiningnan ang babae. Nakababa na siya ng escalator at naglalakad na. Hindi naman siya papunta sa gawi namin kaya parang napanatag si Steph. Salubong ang kilay na tiningnan ko siya.
“Bakit ka nagtatago sa kapatid mo?”
“Nothing.”
“Bakit nga?”
Bumuntonghininga si Steph. Noong hindi na namin matanaw ang babae ay naupo na siya ulit sa pwesto niya at sumubo ng pagkain. Sumubo rin ako habang naghihintay pa rin na tinitingnan siya.
“I run away. They can’t know where I am.”
“Naglayas ka?”
“Yes,” malungkot na sabi niya. Iwinaksi niya ang isa niyang kamay. “You know what. Let’s just finish this. Gusto ko na umuwi.”
Ilang sandali ko pa siyang tiningnan. Bigla akong nakaramdam nang pagkailang noong makita ko siyang malungkot. Ang weird pero ayaw kong makita siyang gano’n. Tsk! Malay ko ba kung nagrerebelde pala siya? Umiling na lang ako at inintindi ang pagkain ko.
Pero bakit nga ba?