Chapter 4

1031 Words
“I’m not going anywhere,” mariin na sabi ng babaeng foreigner. Napanganga ako noong makita kong nakaupo lang siya sa maliit kong papag. Salubong ang kilay niya at magkakrus ang mga braso sa may dibdib. Hindi pa rin nagbago ang hitsura niya at suot-suot pa rin ang damit na isinuot sa kanya ni Kirah. “Sabi ko magbihis ka na, ‘di ba?” Umarko ang kilay niya at inirapan ako. “I told you already, I can’t go home!” inis na sabi niya. “Mas lalo naman na hindi ka pwede rito.” Lumabi siya at nag-iwas ng tingin. “I can’t.” Pumasok na ako sa loob at pabagsak na isinara ang pinto. Lumapit ako sa kanya at namaywang. “Hindi ka nga pwede rito. Mas lalong iisipin ni Nanay na babae kita!” Umawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Ah- What? Are you f*cking serious?!” aniya na para bang may nasabi akong hindi tama. Napaingos ako sa sinabi niya. Lasengga na, maarte pa, tapos ngayon ang lutong magmura. Napailing ako sa isip ko. Sabagay, si Jolai nga na anak ni aling Ising ang lutong din magmura. Tsaka pogi naman ako ah? Luge nga ako kung sakaling maging babae ko siya. Sa gwapo't bait kong 'to. I deyserb beter! “Kaya nga magbihis ka na at ihahatid na kita sa labasan.” Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Nakasimangot pa rin siya. Medyo natulis pa nga ang nguso niya. Aaminin ko, medyo kumislot ang puso ko dahil ang cute niyang tingnan. Pero hindi pwede! Hindi ako dapat magpadala sa ka-cute-an niya. Dapat ay umalis na siya rito dahil baka mamaya pikutin niya pa ako. Edi mahirapan na akong abutin 'yong pangarap ko na maging greatest drummer in the world! Pinagkrus ko rin ang dalawa kong braso sa may dibdib ko. “Miss, ano na?” tawag ko sa kanya pero hindi manlang siya tumingin sa akin. Sa totoo lang, okay lang naman kung andito siya. Kaso ay hindi ko siya kilala. Mukha pa namang anak mayaman. Tsaka hindi ako titigilan ni Nanay kakasermon dahil iniisip niya na babae ko 'to. Idagdag pang mahirap na kapag makita siya ni Yani. Napaka manyakol pa naman ng baboy na 'yon. “Miss!” Inis na tumingin siya sa akin. Medyo na paatras pa ako noong magkatitigan kami. Napalunok ako nang kaunti dahil sa talim ng mga tingin niya. Kanina ay para siyang nag-iinarte na dalagita. Ngayon ay para siyang dragon na handang bumuga ng apoy. Dapat talagang umalis na siya rito. Kaya nga hindi ako naggu-girlfriend ngayon dahil ang hirap ispelingin ang mga kababaihan. Papalit-palit ng mood. Tama na sa akin ang pag-iinarte ni Kirah at ang pagbubunganga ni Nanay. “Oh, ano?” tanong ko sa kanya. Ngumuso siya at nakataas ang kilay na hinagod ako ng tingin. Lalo akong nagtaka noong hindi na salubong ang kilay niya no'ng sa mukha ko na ulit siya nakatingin. Napalunok ako noong mapunta sa labi niya ang mga mata ko. Ngumiti siya at biglang kinagat ang labi nang marahan. Dug! Dug! Dug! Ano'ng nangyayari sa akin? Bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko at nanlalaki ang mga matang binalik ang mga tingin ko sa mga mata niya. Pero parang mali ata ang ginawa ako. Hindi na kasi seryoso ang tingin niya sa akin. Namumungay na ang mga mata niya. Parang mga mata ni Nanay kapag inaabutan ko ng pera. Biglang parang naging maamong tupa. Ano bang ginagawa niya sa akin? “Do you need help with that?” tanong niya. Syet na malupet! Pati boses niya biglang naging malumanay. “H-Ha?” Ngumuso siya at tumingin sa may ibabang parte ko. Napakunot ang noo ko at tumungo. Natigilan ako noong makita ko ang nakaumbok sa loob ng shorts ko. Naka-boxer shorts lang kasi ako kaya bakat na bakat si junjun. Nanlaki ang mga mata ko nung ma-realize ko na nagising ang alaga ko. Tumingin ulit ako sa kanya. Nakangisi na siya na para bang nanloloko. “I can help you,” aniya pa at kumindat sa akin. Napalunok ako at biglang napangiwi noong maramdaman kong lalong nanigas ang alaga ko. Nahawakan ko na iyon at biglang tumalikod sa akin. “A-Ah, babalik ako! Magbihis ka na!” “Huh? Wait!” Nanlaki lalo ang mga mata ko noong marinig kong tumayo siya. Hindi ko na siya pinansin pa at nagmamadaling naglakad papalabas ng kwarto. Pabagsak ko pang isinara ang pinto at mahigpit na hinawakan ang handle doon. Hinawakan ko ulit ang dibdib ko at pinakalma ang sarili. Grabe! Para akong tumakbo nang tumakbo dahil sa labis na pagkahingal ko. Tumagtak pa nga ang pawis ko e. L!ntik na! Scam talaga ang mga babaeng magaganda! Muli akong napatingin sa may shorts ko. Kumalma ko riyan, junjun! Ipinapahiya mo naman ako! “Oh, kuya? Ano'ng ginagawa mo?” Halos mapatalon na ako noong marinig ko ang boses ni Kirah. Nasa harap pala ito ng lababod at nagto-toothbrush. Mukhang katatapos lang din niya maligo dahil basa pa ang buhom at may nakapatong na orange na tuwalya sa balikat niya. Tumaas ang dalawang kilay ko. “Ha? Wala.” Binitawan ko ang pinto at naglakad papunta sa kahoy na upuan namin at naupo roon. Hinihingal pa rin ako kaya pilit kong pinakalma ang sarili ko. "Nandyan pa ba siya?" tanong pa ni Kirah. Tumango ako. "Ayaw umalis." "Ano?" gulat na sabi ni Kirah. Narinig ko ang mga yabag niya papalapit sa akin. Naupo siya sa tabi ko. "Lagot ka kay nanay kapag hindi pa rin siya umalis," pabulong na sabi niya. Patingin-tingin pa siya sa pinto ng kwarto ko. Napabuntonghininga ako at bahagyang inalis ang kamay niya sa balikat ko. "Ewan ko nga e. Bakit ba kasi kayo ganyang mga babae?" Pinalo ni Kirah ang balikat ko at tumayo. "Bakit ba?" inis na sabi niya at nagmartsa palayo. Napailing na lang ako. Muli akong tumingin sa pinto ng kwarto ko. Hindi pa rin siya lumalabas. Halata naman na hindi siya sanay sa ganitong lugar at buhay. Pero bakit parang ayaw niya talagang umalis? Tsk! Patay ako kay nanay nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD