Kumabog ang malakas ang dibdib ni Mia nang makita niya ang atong hindi niya inaasahang makikita ng araw na ‘yon. Hindi na niya tuloy alam kung ano ang dapat niyang gagawin gayong tumatambol na ang kanyang dibdib sa kabang nadama. Halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. “Sandali lang!” Napapiksi siya ng marinig niya ang boses ng kanyang ate mula sa kwartong kinaroroonan nito nang sagutin nito ang muling pagtunog ng doorbell na hindi niya narinig dahil mas malakas pa ang pagpintig ng kanyang puso dahil sa halo-halong emosyong bigla na lang sumibol sa kanyang buong katauhan nang muling masilayan ang mukha ng taong matagal na niyang pilit na ibinaon sa limot dahil sa sakit na naidulot nito sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nang marinig niya ang mga yabag ng paa ng k

