Nahirapan man si Mia ay matagumpay naman niyang nailuwal ang kanyang anak na isang malusog na lalaki. Hindi pa niya napigilan ang kanyang sarili mula sa pagluha nang nailagay na ng nurse ang kanyang anak sa ibabaw ng kanyang dibdib matapos ang isang pakikipaglaban niya mula kay kadiliman. Hindi niya napigilan ang tuwa at saying bigla na lang umusbong sa kanyang puso ng mga sandaling unang beses niyang nasilayan ang inosenteng mukha ng kanyang anghel. Oo! Isang pagkakamali ang nangyari sa kanya pero ang pagdating ng kanyang anak sa kanyang buhay ay kailanman hindi niya iyon kinilala bilang isang malaking pagkakamali sa kanyang buhay kundi isang blessing, isang inspiration dahil isa ang kanyang anak sa mga dahilan kung bakit nagawa pa niyang tatagan ang kanyang sarili, kung bakit nagawa pa

