“Pa, dahan-dahan lang,” mahinahong saad ni Nayume habang inaalalayan nila ang kanilang ama papasok sa kanilang bahay ng araw na ‘yon. Kalalabas lang nito mula sa hospital at kita sa mukha nito na medyo mahina pa rin ito. Hindi pa nito halos maigalaw ng maayos ang kaliwang bahagi ng katawan dahil sa pagkaka-comatose nito pero kahit na ganu’n, kagaya nilang magkakapatid ay alam nilang positibo rin ang kanilang ama para sa paggaling nito sa madaling panahon. “Ayan! Upo ka muna rito,” masiglang sabi naman ni Mia habang halos hindi niya magawang tingnan ng diretso sa mga mata ang ama dahil sa konsensiyang nanatiling gumugulo sa kanyang puso’t-isipan hanggang sa mga sandaling ‘yon. Kitang-kita kasi niya ang naging resulta ng kanyang katangahan nang dahil sa isang pag-ibig na hindi niya alam na

