Napatingin si Mia sa panyong inabot sa kanya ng kanyang kaibigang si Liza. Tinanggap naman niya ito saka niya pinunasan ang kanyang mga luha at kasabay nu’n ay ang pag-upo nito sa kanyang tabi. “Anong balak mo ngayon?” tanong nito nang medyo nahimasmasan na siya. Masakit man talaga para sa kanya ang lahat pero kailangan pa rin niyang magpakatatag hindi lang para sa kanya kundi para sa kanyang pamilya at sa magiging anak niya. Ayaw din naman niyang madamay ang walang kamuwang-muwang na buhay na nasa loob ng kanyang sinapupunan. Ayaw niyang isugal ang buhay nito nang dahil lang sa kanyang pagkakamali na siya dapat ang nararapat na magdusa at hindi ang kanyang anak. “Aasa ka pa bang babalik si James?” muli nitong tanong sa kanya. Nag-aalala lang talaga si Liza sa kanyang kalagayan. Halos ar

