Lumipas pa ang ilang araw na naging linggo. Ayaw na sanang pumasok ni Mia sa kanyang school pero nagpupumilit ang kanyang kapatid dahil sayang naman ang panahon at isa pa, hindi pa naman malaki ang kanyang tiyan. Tatapusin na lamang niya ang school year na ýon. Ilang buwan na lang kasi at mag-e-end na ang school year na ýon. Ayaw man niya pero wala na siyang nagawa pa lalo pa at may Kasalanan siyang nagawa sa mga ito dahil sa pagiging matigas ng ulo niya. Kung nakikinig lang sana siya sa payo ng mga ito, hindi sana nila dadanasin ang anumang nangyayari sa kanilang pamilya. Napilitang huminto sa pag-aaral ang kanyang ate dahil walang mag-aalaga sa kanilang ama na nasa hospital pa rin at hindi nila alam kung kailan ito magigising. Wala rin kasing maghahanap-buhay para sa kanilang lahat kung

