Habang nakahiga sa ibabaw ng kama ay nakangiting nakatitig si Mia sa kisame at yakap-yakap niya ang teddy bear na bigay sa kanya ni Paolo.
Nai-imagine niya ang nangyari kanina, ang paghawak ni Paolo sa kanyang mga kamay, ang payakap nitong pagtulong sa kanya para makuha ang stuff toy.
Para siyang nasa cloud nine habang binabalikan niya ang eksenang 'yon. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin sa ganu'ng eksena lalo na kapag ang kasama mo sa nangyaring 'yon ay ang taong mahal mo at sa kabila ng maraming babaeng naghahabol dito ay nabigyan pa siya ng pagkakataong damhin ang ganu'ng sandalin.
Para siyang timang na nakangiti kahit wala naman siyang nakikita o naririnig na nakakatuwa.
Itinaas niya ang yakap-yakap niyang teddy bear saka niya ito pinagmasdan ng maigi.
"Ang cute mo talaga," nanggigigil niyang sabi sabay pisil sa ilong nito pagkatapos ay muli niya itong niyakap nang mahigpit habang sa kabilang banda naman ay hindi rin mawala-wala sa isipan ni Paolo ang kanyang nararamdaman para kay Mia sa mga sandaling magkadikit ang kanilang katawan.
That was his first time to feel that kind of feelings tapos hindi pa niya inaasahan na kay Mia niya mararamdaman ang kakaibang kabog ng kanyang dibdib.
Napaupo siya sa ibabaw ng kanyang kama saka niya muling dinama ang kanyang kaliwang dibdib kung nasaan naroon ang kanyang puso nang bigla na naman itong nagwawala nang muling nanariwa sa kanyang balintataw ang matamis at nakakaakit na ngiti ng dalaga.
Napaawang ang kanyang mga labi habang sinisikap niyang bigyan ng liwanag ang mga katanungang gumugulo sa kanyang isipan ng mga sandaling 'yon. Mga katanungan na ni minsan, hindi talaga sumagi sa kanyang isipan sa tuwing ibang babae ang kanyang kasama at kalampungan.
Lalo lamang gumulo ang pagtibok ng kanyang puso nang maaalala niyang muli ang ginawang pagyakap sa kanya ni Mia.
Dinig na dinig niya ang pagpintig ng kanyang puso habang patuloy na naglalaro sa kanyang isipan ang nakangiting mukha ni Mia.
"Am I in love with her?" tanong niya sa kanyang sarili habang nakadikit ang kaliwang palad sa kanyang kaliwang dibdib. Tanong na kailangan niyang mahanapan ng kasagutan.
Ilang araw pa ang nagdaan na naging linggo, panay ang kwentuhan at bonding nilang dalawa kasama ang tropa kaya aminado na si Mia na talagang hulog na hulog na nga ang kanyang puso para kay Paolo habang si Paolo naman ay totoong masaya kapag si Mia ang kasama niya. Mas lalo silang naging close sa isa't-isa at kahit pa wala silang sinasabi tungkol sa tunay nilang nararamdaman sa isa't-isa ay nakikita naman sa bawat kilos nila.
"Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Mia isang umaga nang nadatnan niya si Paolo na naghihintay sa kanya sa daan kung saan siya madalas naghihintay araw-araw ng kanyang masasakyan papuntang school.
Nakasampa pa ito sa dala nitong motorsiklo at may nakasabit na isang helmet sa kanan nitong braso.
"Hinihintay ka para sabay na tayo pupunta ng school," nakangiti nitong sagot.
"Ano ka ba, baka makita ka ni Papa," aniya at takot na napatingin siya sa direksyon kung saan nakatirik ang kanilang bahay at mabuti na lamang hindi sila masyadong nakikita sa kung saan sila ngayon.
"Bakit, magagalit ba siya? Wala naman tayong ginagawang masama. Sinusundo lang naman kita."
"Baka iisipin nu'n nagbo-boyfriend na ako," maagap naman niyang sagot at nakita niya ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Paolo kasabay ng paglitaw ng ngiti sa gilid ng mga labi nito.
"Bakit?" nagtataka niyang tanong.
"Ibig bang sabihin nu'n, wala ka pang naipakilalang boyfriend sa Papa mo?" tanong nito kasabay ng muling paglitaw ng nakakalukong ngiti sa mga labi nito.
Agad naman siyang nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam niya ay sobrang pula na ng kanyang pisngi.
"Halika na nga," sabi niya dahil na takot na baka makita siya ng kanyang ama at sa hiya na kanyang nadarama.
Ibinigay sa kanya ni Paolo ang helmet na dala nito para sa kanya at nang akma na sana nitong ayusin ang pagkakasuot niya ng helmet ay agad naman siyang nag-iwas dahil nahihiya naman siya rito.
Pero, wala siyang nagawa nang bigla siya nitong hinila sa kanyang kamay na siyang ikinabigla niya nang labis.
Naihakbang niya ang kanyang mga paa palapit dito at saka nito inayos ang pagkakasuot ng kanyang helmet.
Lalong kumabog ang kanyang dibdib nang sinadya pang inilapit ni Paolo ang mukha nito sa kanya.
Panay ang iwas niya habang si Paolo naman ay mas lalo pa siyang tinutukso. Natutuwa pa ito lalo na nang nararamdaman nito ang kanyang pagkabalisa.
Nang maayos nang nailagay ni Paolo ang helmet sa kanyang ulo ay agad na nitong pinaandar ang motorsiklo nito.
"Hop in," baling nito sa kany na agad naman niyang sinunod. Nang nakaupo na siya ng maayos ay dahan-dahan siyang napahawak sa magkabilang dulo ng suot nitong polo habang nasa gilid ng kanyang mga labi ang ngiti dala ng kilig na kanyang nararamdaman. Hindi niya talaga inakala na darating sila sa ganitong sitwasyon.
Napatingin naman si Paolo sa kamay ni Mia na nakahawak sa dulo ng kanyang t-shirt at may kung ano na namang kapilyuhan ang bigla na lamang pumasok sa kanyang utak.
Bigla niyang pinatakbo ang motorsiklo na siyang ikinabigla nang labis ni Mia. Napayakap ito sa kanyang beywang dahil muntikan na itong maiwan dahil sa kanyang ginawa. Naramdaman din niya ang bahagyang pagsubsob ng mukha nito sa kanyang likuran na siyang nagpangiti sa kanya. Kinilig siya sa tagpong 'yon pero ang mas nagpakilig sa kanya ay ang maramdaman niyang pahigpit nang pahigpit ang pagkakalupot ng mga braso ni Mia sa kanyang beywang.
"Magpapakamatay ka ba?!" pasigaw na tanong ni Mia dahil sa lakas ng hangin na dumadampi sa kanila ngayon dahil sa bilis ng pagtakbo ng motorsiklo.
"Kung mamatay man ako ngayon na kasama ka, hindi na bale!" pasigaw din niyang sagot.
"Nababalie ka na ba?!" muling tanong sa kanya ng dalaga.
"Oo!" sigaw niya, "Baliw na ako sa'yo," dagdag niya sa boses na may kahinaan kaya hindi iyon malinaw sa pandinig ni Mia.
"Anong sabi mo?!"
Pero, imbes na sagutin ang tanong nito ay mas minabuti na lamang niya ang manahimik at mas lalo pang binilisan ang kanyang pagtakbo na siyang lalong nagpapahigpit sa pagkakayakap ni Mia sa kanya at makalipas lamang ang ilang sandali ay dumating na rin sila sa school kung saan sila parehong pumapasok.
Nang nakababa na si Mia ay mabilis naman siyang tinulungan ni Paolo sa pagtanggal ng suot niyang helmet matapos nitong tanggalin ang sarili nitong suot na helmet at dahil du'n ay halos lahat ng mga kababaihang napapadaan sa kanilang pwesto ay nakatuon sa kanila ang mga mata.
"Akala mo kung sinong maganda," narinig niyang saad ng isang babaeng napadaan sa kanila na siyang nagpatigil sa kanya.
"Oo nga. Kung tutuusin, hindi naman siya nababagay kay James, eh," segunda naman ng isa pa.
Lihim na napatingin si Paolo kay Mia at nakita niya ang disappointment sa mga mata nito dahil sa mga naririnig.
"Ambisyosa kasi, kaya ganyan ang taas ng confident sa sarili," dagdag pa ng mga ito.
Nahihiyang napatingin si Mia kay Paolo saka siya sapilitang napangiti rito.
"Mauna na ako. Salamat sa pagsundo," nakayuko niyang saad saka siya mabilis na pumihit patalikod at bago pa man siya tuluyang nakaalis ay mabilis siyang hinawakan ni Paolo sa kanyang kanang pulsuhan kaya nagtatakang napalingon uli siya rito.
"Everybody, lend me your ears first," sabi ni Paolo sa mga estudyanteng nandu'n at napalingon na rin sa kanila ng mga babaeng nag-uusap kanina na ang mga boses ay halos buong school campus na ang makakarinig dahil sa lakas na siyang nagpahiya naman sa kanya, na siyang nagpababa lalo sa kanyang self-esteem.
"From now on, no one is allowed to bully her," saad nito habang ang mga mata ay nagpalipat-lipat sa mga estudyanteng nandu'n at nakiusosyo na rin sa eksena.
"No one is allowed to bully her because she is my girlfriend now."
Agad na napatingin si Mia kay Paolo matapos nitong sabihin sa harapan ng marami na girlfriend na siya nito kahit na hindi naman totoo.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla siya nitong hinila saka ito umakbay sa kanya.
"And one more thing..." sabi pa nito habang nakaakbay sa kanya at hindi nito pansin ang pagkabog ng kanyang dibdib dahil sa ginawa nitong hindi niya sukat akalaing magagawa ni Paolo iyon.
"No one is allowed to court 'cause she is already mine."
Lalong nagkagulo ang pagpintig ng puso ni Mia pati na ang lahat ng mga estudyanteng nandu'n.
Lalong napaawang ang kanyang mga labi dahil sa pagkabigla at napaawang din ang mga labi nf mga babaeng nag-uusap tungkol sa kanya at kung hindi siya makpaniwala sa ginawa ni Paolo ay lalong hindi rin makapaniwala ang mga ito sa mga nalalaman.
"James, ano bang pinagsasabi mo? Sigurado ka ba sa babaeng 'yan?" tanong ng isang babae na halata namang may pagtingin sa binata.
"Oo nga, baka naman ginayuma ka lang ng babaeng 'yan. Alam naman kasi namin na hindi ang tipo niya ang type mo," pahayag naman ng isa pa.
"Malayong-malayo siya sa mga babaeng nagkaroon ng link sa'yo kaya imposible naman kung totoong nagkakagusto ka na diyan?"
Napayuko na lamang si Mia sa kanyang mga naririnig. Tama din naman kasi ang mga ito. Sino ba naman kasi siya para magustuhan ng isang lalaking kagaya ni Paolo. Gwapo na, maporma at mayaman pa.
Kung tutuusin, hanggang dulo lang siya ng mga kuko ng mga naging nobya nito kaya tama ang mga ito, nakapagtataka nga kung totoong nagkakagusto na sa kanyang ang kanyang kaibigan.
"Mahal ko siya at 'yon ang totoo." Napaangat siya ng tingin dahil sa sinabi ni Paolo. Bakit ba parang hindi na palabas lamang ang lahat? O baka, nagde-dreaming lamang siya ng isang bagay na alam naman niyang walang basehan at walang katuturan.
Nagtaasan ang kilay ang iilang kababaihan na nandu'n at kanya-kanya nang nagsialisan ang mga ito habang ang iba naman ay binabati sila at sana magtatagal sila habang-buhay.
Nang mawala na ang lahat ng mga nakikiusosyo ay agad namang hinarap ni Mia si Paolo para sa isang interrogation.
"Alam mo ba ang ginawa mo?" tanong niya na may himig nang inis.
"Dahil 'yon naman ang totoo," nakangiti nitong sagot sa kanya.
"James naman, alam mo naman kung ano ang totoo. Hindi tayo magnobyo kaya papaano mo nasabing girlfriend mo 'ko?"
"Dahil girlfriend naman kita."
Napakunot ang noo ni Mia sa naging sagot sa kanya ni Paolo at talagang wala siyang naiintindihan dahil unang-una, hindi naman naging sila at kahit kailan, hindi siya nito niligawan, hindi niya ito sinagot kaya papaanong naging sila?
"Kailan naging tayo?" tanong niya at ganu'n na lamang ang kanyang pagkagulat nang bigla siya nitong hinapit sa kanyang beywang. Kumabog nang kaylakas ang kanyang dibdib sa ginawa nito lalo na nang magdikit ang kanilang mga katawan.
"Gusto mo malaman?" tanong nito sa kanya habang nakipagtitigan ito sa kanya.
Hindi siya nakaimik dahil pakiramdam niya ay barado ang kanyang lalamunan sa kakaibang damdamin na naidulot sa kanya ni James.
Napakurap na lamang siya nang mapansin niyang dahan-dahan na ibinaba ni Paolo ang mukha nito sa kanyang mukha. Alam na niya kung ano ang binabalak nitong gagawin pero hindi naman niya alam kung ano ang kanyang dapat na gagawin.