CHAPTER 4

1813 Words
Napapikit siya nang maramdaman na niya ang init ng hininga ng binata na dumadampi sa kanyang pisngi. Naikuyom na lamang niya ang kanyang mga kamao nang walang ano-ano'y biglang lumapat sa kanyang mga labi ang mga labi nito. Nangangatog ang kanyang tuhod dahil sa nararamdamang kaba at halos mabibingi na siya sa lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib dahil sa samu't-saring damdamin na ibinigay sa kanya ni Paolo. Napaigtad siya nang walang babalang hinapit siya ng binata sa kanyang beywang na siyang dahilan kung bakit mas napalapit siya rito. Kakaibang sensasyon ang hatid ni Paolo sa kanyang buong katawan nang maramdaman niya ang katawan nitong nakadikit sa kanya at halos wala nang agwat pa sa pagitan nilang dalawa. Ilang sandali ring naglapat ang kanilang mga labi habang parehong nakapikit ang kani-kanilang mga mata. Wala sa isipan ni Mia sa ganu'ng edad niya matitikman ang tamis ng una niyang halik at kung susuwertihin ba naman ay sa lalaking mahal pa niya naranasan. After a couple of seconds ay pinakawalan na rin ng binata ang kanyang mga labi at nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niyang nakatitig na pala ito sa kanya na puno ng amusement ang mga mata habang pinagmamasdan siya. "You are now my girlfriend," pabulong nitong saad habang nakakulong ang kanyang pisngi sa loob ng magkabila nitong palad. Bahagyang napaawang ang kanyang mga labi at hindi niya alam kung ano nga ba ang kanyang sasabihin dahil nakaramdam siya ng hiya sa katotohanang nagpahalik siya sa lalaking hindi pa naman niya nobyo. Magsasalita pa sana si Paolo nang biglang may tumikhim sa kanilang likuran. Sabay silang napalingon at nakita nila si Liza kasama ang dalawa pang kaibigan ni Paolo na sina Arvind at Mark. Nahihiyang agad niyang naitulak si Paolo papalayo sa kanya habang ang binatilyo naman ay nakadungaw ang ngiti sa gilid ng mga labi nito. Ngiti ng panalo! Mabilis siyang hinila ni Liza papalayo sa grupo saka siya nito kinausap nang maayos. "Ano ýon?" tanong nito sa kanya at talagang nasa mga mata nito ang excitement sa kanyang magiging sagot. "Ang ano?" kunwari pa niyang tanong kahit na alam naman niya kung ano ang tinutukoy ng kanyang kaibigan. "Magtapat ka na. Huwag mo akong gawing tanga," nakanguso nitong tanong. "Eh, ano kasi ang tinutukoy mo?" "Ýong ano..." "'Yong?" "'Yong, alam mo na ýon," naiinis na nitong saad, "'Yong ganu'n," sabi pa nito sabay nguso sa mga labi nito. Pasimple siyang napapikit na tila ba nahihiya dahil hindi naman niya akalain na makikita palal ng kanyang kaibigan ang tungkol sa bagay na ýon. Hindi niya akalain na makikita siya nito at hindi lang si Liza ay pati na rin ang mga kaibigan ni Paolo. Tuloy, pakiramdam niya ay sinisilaban na siya sa sobrang init ng kanyang pisngi dahil sa hiyang nadarama. "Ano? Wala ka bang balak sagutin ang tanong ko?" "Nakita mo na kaya hindi mo na kailangan pang itanong dahil alam mo naman," saad niya saka siya tumalikod upang itago ang pamumula ng kanyang pisngi. "So, kayo ng dalawa? Nagtapat na siya saýo?" Napaayos siya ng kanyang pagkakatayo dahil sa naging tanong ng kanyang kaibigan. Nagtapat nga ba sa kanya si Paolo ng nararamdaman nito sa kanya? "You are now my girlfriend," naalala niyang sabi sa kanya ni Paolo matapos siya nitong halikan pero hindi naman nito sinabi sa kanya ang mga katagang dapat niyang marinig mula rito.  Ang mga katagang Mahal kita! "Don't tell me he didn't," muling saad ni Liza sa kanya nang mapansin nito ang kanyang pagkatigagal. Napaawang ang mga labi ni Liza nang wala itong tugon na natanggap mula sa kanya na para bang sinasabi niyang hindi pa nga. "He didn't tell you that he loves you but he dared to kiss you?!" hindi makapaniwalang tanong ni Liza at mabilis naman niyang tinakpan ang bibig nito dahil sa may kalakasan ang boses nito. Takot siya na baka may makarinig sa kanilang usapan o baka marinig nina Paolo ang lahat. Sobrang nakakahiya! "Kailangan pa bang sasabihin niyang mahal niya ako?" inosenteng tanong niya sa kanyang kaibigang nakailang ulit na ring nagkaroon ng nobya sa murang edad nito. "Of course! How will you know that he loves you if he isn't able to tell that words?" Panandalian siyang natahimik sa naging tanong ni Liza. Tama nga naman ang kanyang kaibigan. Actions are not enough without even a single word. Pero, ano nga ba ang dapat niyang paniniwalaan? Para saan naman ang sinabi sa kanya ni Paolo na girlfriend na siya nito kung hindi naman siya nito mahal? Bakit naman siya nito hinalikan kung wala itong gusto sa kanya? At kung mahal nga siya nito o kung sakali mang may gusto nga ito sa kanya, bakit hindi nito ipinagtapat sa kanya? Sa simpleng bagay na ýon ay talagang gumulo ang isipan ni Mia. Gusto niyang tatanungin ang binatilyo kung para saan nga ba ang halik nito sa kanya at pati na ang mga yakap nito? "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Liza nang mapansin nito ang pag-aalala sa kanyang mukha na kanina pa pala nakaguhit. Bahagya siyang napatango sabay ngiti ng matamis, "Mahal niya ako at ýon ang paniniwalaan ko" desperada niyang saad sa kaibigan. Sabi nga ng marami, "Actions speak louder than voice."  Ýon ang panghahawakan niya. "Hindi ko naman sinasabing ayaw ko kay Paolo para saýo. Hiling ko nga na sana siya na talaga ang the one para saýo. Siya na ýong lalaking inilaan para saýo kaya lang, Mia I just want to remind you what kind of a man Paolo is. He is well-known as a playboy. Walang sinasanto, lahat pinapatulan lalo na ýong mga babaeng sa tingin niya ay interesado sa kanya. Ayaw ko lang na balang-araw, masasaktan ka nang dahil lang sa kanya." Alam niyang nag-aalala lang talaga sa kanya ang kanyang kaibigan kaya ganu'n na lamang ang mga katagang lumalabas mula sa mga labi nito at naiintidihan niya iyon. Ngunit, nang napatingin siya kay Paolo at nang makita niya ang pure na pure nitong ngiti habang kausap ang mga kaibigan ay biglang nawala sa kanyang puso ang pag-aalinlangan. Ganito nga talaga siguro ang nangayyari sa taong tinamaan na ng pana ni Kupido. "Salamat sa pagpapaalala mo sa akin. Pangako, aalagaan ko ang sarili ko at hindi ko ito hahayaang masaktan nang dahil lang sa isang lalaki," maaliwalas na saad niya habang nakatingin siya sa mga mata ng kanyang kaibigan. Wala namang nagawa si Liza kundi ang suportahan na lamang ang kaibigan dahil ang mahalaga sa kanya ay ang makita itong masaya at alam naman niya na sasaya ito sa piling ni Paolo. Isa lang ang tanging hiling niya, sana hindi lulukuhin ni Paolo ang kanyang kaibigan na walang kaalam-alam pagdating sa ngalan ng pag-ibig. First time pa nito ang umibig kaya naiintindihan niya kung bakit ganu'n na lamang ito ka-desididong maging nobyo ang isang Paolo James. "Tahimik ka, ah! Okay ka lang?" tanong ni Paolo kay Mia habang naglalakad sila sa isang park habang nakasuot pa sila ng kanilang school uniformn kalalabas pa lamang kasi nila sa kanilang klase. Marahan siyang napailing para sabihing okay lang siya at wala namang problema kahit na ang totoo ay gumugulo sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Liza sa kanya. Napahinto sa paglalakad si Paolo saka siya nito hinarap. Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat saka siya nito tiningnan sa kanyang mga mata. "Tell me. What's the problem?" Napatingin siya sa mga mata ni Paolo at nakikita niya ang pagiging seryoso nito kaya hindi talaga niya mawari kung ano nga ba talaga ang totoo, mahal nga na talaga siya nito o baka pinatulan lamang siya nito dahil baka ramdam nito ang pagtingin niya para rito? "Hindi ko naman sinasabing ayaw ko kay Paolo para saýo. Hiling ko nga na sana siya na talaga ang the one para saýo. Siya na ýong lalaking inilaan para saýo kaya lang, Mia I just want to remind you what kind of a man Paolo is. He is well-known as a playboy. Walang sinasanto, lahat pinapatulan lalo na ýong mga babaeng sa tingin niya ay interesado sa kanya. Ayaw ko lang na balang-araw, masasaktan ka nang dahil lang sa kanya," naaalala niyang saad ni Liza sa kanya. Muli na namang nag-aalinlangan ang kanyang puso dahil baka pinaglalaruan lamang siya ni Paolo at kapag makuha na nito ang gusto nito mula sa kanya, baka iiwan din siya nito sa bandang huli. "Okay lang ako. Huwag mo 'kong pansinin," sabi niya sabay iwas dito. Pasimple niyang inilayo ang kanyang sarili mula rito at nang lalakad na sana siya paalis ay bigla naman siyang hinawakan ni Paolo sa kanyang braso saka siya nito bahagyang hinila palapit dito at walang anu-ano'y hinalikan siya nito sa kanyang noo na siyang labis niyang ikinabigla. Matapos ang ilang sandaling nakalapat ang mga labi nito sa kanyang noo ay ikinulong nito ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang dalawa nitong malalaking palad at mataman siyang tinitigan sa kanyang mga mata. "Alam kong masyadong mabilis ang tungkol sa ating dalawa at kahit na wala kang sinasabi sa akin, alam kong may pag-aalinlangang nandiyan sa isipan at puso mo pero sana bigyan mo 'ko ng pag-asang malaman 'yon at mabigyan ko ng linaw ang lahat," madamdamin nitong saad habang nakakulong pa rin ang magkabila niyang pisngi sa loob ng dalawa nitong palad. "Sana kung ano man ang ipinapadama ko sa'yo, 'yon ang paniwalaan mo," dagdag pa nito habang nakikipagtitigan ito sa kanya. Ramdam na ramdam ni Mia ang senseridad sa bawat katagang binibitiwan nito at sapat na 'yon upang tuluyan na siyang makalimot sa lahat ng pag-aalinlangang nasa puso't-isipan niya ng mga sandaling 'yon. Mahigpit na niyakap siya ni Paolo at napayakap na rin siya rito habang tumatambol ang kanyang dibdib hindi dahil sa takot na baka lulukuhin lamang siya nito kundi dahil sa tuwa ramdam niya ang pagiging totoo ni Paolo sa kanya. Nang kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya ay dahan-dahan na lumitaw ang matamis na ngiti sa gilid ng mga labi nito habang nakatingin ito sa kanyang mga mata. Dahan-dahan ding nabuo ang matatamis na ngiti sa kanyang labi lalo na nang hinawakan ni Paolo ang kanyang kanang palad saka nito dahan-dahang iniangat. Nanatili lamang nakasunod ang kanyang mga mata sa ginagawa ng binatilyo hanggang sa lumapat sa mga labi nito ang likod ng kanyang palad. Nakarandam siya ng kakaibang kuryenteng bigla na lamang nananalaytay sa buong katauhan niya dahil sa ginawa nito. Pagkatapos halikan ay pinagsalikop ni Paolo ang mga daliri ng kaliwa nitong palad sa kanyang kanang palad habang nag-uusap na magkasalubong ang kani-kanilang mga mata. She really loves this man and she doesn't know what will she can do if he's gone. At habang nasa piling pa niya ito, mahahawakan, matitigan at mayayakap ay susulitin na niya dahil hindi niya hawak ang tadhanang naghihintay sa kanila sa dulo lalo na at masyado pang maaga para sa kanilang dalawa ang ganitong bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD